"Jago! Akala ko nag-bibiro ka lang na uuwi ka!" Sinalubong ako ng yakap ni Lola pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.
"Bakit ba ang haba ng buhok mo? Wala bang barber shop sa Maynila?" Hinawakan pa nya ang naka-pusod kong buhok.
Iniwas ko naman ang ulo ko bago maliit na ngumiti.
"Trip ko lang po, La." Umiling naman sya bago ako ulit yinakap.
"Halika na muna sa kusina at nang maka-kain ka bago ka mag-pahinga." Inangkla nya ang braso nya sa akin kaya natatawa na lang akong umiling.
"Hindi naman ako tatakas, La. Pero pwede bang mag-banyo muna?"
"Sumunod ka sa kusina, ha?" May pag-babanta nyang sabi bago ako iniwan.
Napa-iling na ako bago nag-lakad papunta sa banyo. Kaya sya nami-miss ni Lolo e.
Speaking of miss, nami-miss ko na rin si Danae pero hindi na pwede. I already let go of her so I should start forgetting my feelings for her. May asawa na sya na mahal nya and that is Xavier and if I push my feelings for her, sya lang ang maiipit sa bandang huli.
Umiling ako para burahin sya sa isipan ko pero kasabay ng pag-iling ko ay may nakita akong naka-puti at mahaba ang buhok na parang dumaan. Kumurap-kurap ako pero wala namang tao sa paligid ko kaya baka namalik-mata lang ako.
Pero hindi ko maiwasang kilabutan. Noong mga bata kasi kami ay madalas kaming mag-takutan ng iba kong pinsan at mga kalaro. Usap-usapan kasi na ang bahay namin ay dating naging pansamantalang ospital noong WWI kaya daw may mga ligaw na kaluluwa sa bahay. Kwento-kwento lang ang mga iyon kaya naman hindi na ako nagpa-apekto.
Pumasok na ako sa banyo at umihi. Pasipol-sipol pa ako para makalimutan na ang mga nakaka-kilabot na mga kwentong naging panakot lang sa amin dati. Natigilan ako nang may marinig na tunog. Mabilis kong sinara ang pantalon ko kasabay nang pag-taas ng mga balahibo ko.
"Hindi totoo ang mga multo, Jago. Political science graduate ka kaya maging rasyonal ka." Sabi ko sa sarili.
Nahahati sa dalawa ang banyo. Ang sa dulo ay ang paliguan at napagi-gitnaan ito ng shower curtain. Sigurado akong may narinig ako sa paliguan kaya naman dahan-dahan akong lumapit dito. Face your fears, ika nga nila.
"Jago, tangina mo. Bakit ka nanginginig?!" Hinawakan ko ang kamay ko bago ito pinalo.
Nag-lakad na ulit ako palapit sa shower curtain. Kinakabahan ako pero iniisip ko na lang na tinatakot ko ang sarili ko dahil imposible namang may multo dito. Sa tinagal-tagal ko nang naka-tira dito, ni anino ng multo wala akong nakita.
Mabilis kong binuksan ang shower curtain at napa-sigaw ako kasabay nang pag-atras ko nang makita ang isang white lady. Natapilok ako dala ng taranta at takot kaya napa-sigaw ulit ako.
May babaeng naka-luhod habang naka-takip ng mahaba at maitim nyang buhok ang mukha nya. Buhay na ba si Sadako noong WWI?
Dahan-dahang tumingala ang babae kaya naman napa-sigaw ulit ako. Maputla ang mukha nya at nanlalaki ang mga mata nya. Tumayo ito at mabagal na nag-lakad palapit sa akin. Napa-atras naman ako kahit naka-upo pa rin ako sa sahig.
"Lola! Lola!" Sigaw ko bago pinag-papadyak ang paa ko para hindi maka-lapit sa akin si Sadako.
Tumigil naman sya pero nanatili syang naka-tingin sa akin. Ang gitnang bahagi lang ng mukha nya ang nakikita ko kaya naman lalo akong natatakot.
"Jago? Bakit?" Dumating si Lola kaya mabilis akong tumayo at nag-tago sa likuran nya.
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko at pinag-papawisan rin ako ng malamig. Hinihingal din ako dala ng pag-sigaw.
"Nakikita mo ba sya, La? Kung hindi, ipa-albularyo mo na ako ngayon."
Liningon ako ni Lola at natatawang umiling. Umalis sya sa harapan ko at tumayo sa gilid ko bago tumingin sa harapan.
"Ano ka ba, Jago? Ginawa mo namang multo si Tasia."
Napa-tingin ako kay Lola dahil sa sinabi nya. She pursed her lips before nodding at me as if telling me she's right. I looked at the woman in front of me and I saw her removing her earphones with the same cold eyes she used to scare me earlier.
I realized I acted like a moron so I stood properly as heat enveloped my face. Ipapa-hunting ko ang nag-kalat na haunted house ang bahay namin. He made me so stupid.
"Pasensya na po, Ma'am Cara. Hindi ko po alam na may tao. Hindi na po ulit ako magsa-sounds." Muntik na akong kilabutan ulit dahil sa lamig ng boses nya.
"Okay lang iyon, Tasia. Alam ko namang mahilig ka sa sounds." Ngumiti si Lola sa kanya pero wala man lang syang reaksyon kaya kumunot ang noo ko.
"Sya nga pala, ito ang apo ko, si Jago. Dito muna sya pansamantala. Pag-pasensyahan mo na sana ang inasal ng apo ko."
"Wala ho iyon. May mali rin naman ho ako."
Tinignan nya ako at gusto kong umiwas ng tingin. Now that I looked at her again, her scary appearance is not the most terrifying thing about her but her lifeless eyes.
~~
Here's a sneak peek of the fifth half of Seven Deadly Sins Present which is SLOT. I'll publish this as soon as possible so stay tuned and keep on supporting. Thank you and keep safe, xoxo ♡
BINABASA MO ANG
LUST | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionLust is an inordinate craving for the pleasures of the body. | Seven Deadly Sins Present --------------- This story is not thoroughly edited so expect typographical errors and grammatical lapses at some point when reading this work. This story is no...