Chapter 40

1.3K 22 5
                                    

"Kumain ka na din." Sinandal ko ang cellphone ko sa baso bago kumuha ng kutsara.

"Parating na rin naman 'yung room service kaya mauna ka nang kumain."

Nag-kibit balikat na lang ako at nag-simula nang kumain. Kasalukuyan kaming nagvi-video call ngayon dahil sa Japan si Hugo para sa isang business trip. Kahapon sya umalis at ito ang unang beses na nagka-layo kami. Halos dalawang buwan rin kaming palaging mag-kasama kaya naman naninibago ako ngayon.

Halos hindi ko sya bitawan kahapong hinatid ko sya sa airport at kahit tatlong araw lang sya roon ay hindi ko maiwasang malungkot. I'm longing for his touch, his scent, his kisses, his mischievous acts and basically, everything about him.

I feel empty when I woke up alone with the other side of the bed cold. I just hugged his pillow and sniffed it to ease my yearning for Hugo.

Nag-simula na ring kumain si Hugo. Mamaya pa kami dapat mag-uusap but he insisted on joining me for breakfast kahit pa may meeting sya ng alas-dyes. Hindi naman ako naka-hindi lalo na't na-mimiss ko rin sya. At least we're together virtually.

Kumunot ang noo ko bago tumigil sa pag-nguya. Napa-tingin naman sa akin si Hugo. I took another bite of my banana pancake and as soon as I tasted the bitter flavor, I spit it out. Uminom ako ng tubig bago inis na tinignan ang pancake.

"What's wrong?" Binaling ko kay Hugo ang atensyon ko. Suddenly, I craved for the udon he's eating but it irritates me that I can't eat it.

"My pancake tastes weird. Kasalanan mo 'to." Sumandal ako sa upuan at humalukipkip.

Tumaas naman ang dalawang kilay ni Hugo bago tinuro ang sarili. Lalo naman akong nainis dahil sa itsura nya. He's annoyingly cute.

"Bakit kasalanan ko? Hindi naman ako ang nag-luto nyan." Inirapan ko naman sya.

"You were cooking our breakfast so I think I forgot how to cook pancakes." Bumuntong-hininga ako para mabawasan ang biglaang pagka-irita pero walang epekto.

Gulat naman nya akong tinignan bago bahagyang tumawa at nang samaan ko sya ng tingin ay tinakpan nya ang bibig nya. I hissed and just took my phone to my room. Sinandal ko ito sa drawer at nag-hubad.

Nanlaki ang mga mata ni Hugo at hindi agad naka-bawi. I just rolled my eyes and wore a dress. Hindi pa rin nag-rereact si Hugo kaya naman inis kong pinatay ang tawag. He didn't compliment me which he usually do. I know they are just words but it gives me a satisfying feeling whenever he compliments me.

Hindi ko na sinagot pa ang tawag ni Hugo dahil kailangan ko nang pumasok. He just sent me a text wishing me to have a good day but I don't think it will happen. I just started my day wrong and I think it will stay this way for an unknown reason.

And I was not wrong because everything pisses me off. Mabuti na lang at nako-kontrol ko ang emosyon ko kung hindi baka na-suspende na ako. Dala na rin siguro ng pagka-wala ko sa mood ay ang panlalata ko. I want to take a day off but I don't have anything to do in my unit lalo na't wala naman si Hugo.

"Na-mimiss mo lang si Hugo kaya ka ganyan." Sabi ni Mirae bago bahagyang tumawa.

"Then I guess I'll be cranky for three days." Naka-simangot kong sabi pero tinawanan lang ako ni Mirae kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Hindi na ulit nag-paramdam si Hugo dahil nasabi nya sa akin kanina na puno ang schedule nya ngayon. I felt my heart gets heavy as I think of him. It feels different without Hugo. Parang ang bagal ng takbo ng oras at walang kulay ang mundo ko. Metaporikal man but it perfectly describes my situation.

I was currently reading the essays of my students when Hugo called. Sinagot ko ito at bumungad sa akin ang naka-higang si Hugo. Bukas pa ang ilaw sa kwarto nya at naka-suit pa rin sya. Kaka-tapos pa lang siguro ng mga lakad nya.

LUST | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon