"Himala at maaga kang nag-dismiss ng klase?" Biro ni Mirae nang mag-kita kami sa isang restaurant para mag-lunch.
Hindi ako sumagot bagkus ay kinuha ko lang ang cellphone ko at ipinakita sa kanya. Kinuha naman nya ito at kunot-noong binasa. Pinanuod ko kung paano mabilis na mag-iba ang eskpresyon nya. Mula sa naguguluhan hanggang sa pagka-bigla at ngayon ay pag-aalala.
Ibinalik nya ang cellphone ko at hindi agad nakapag-salita kaya naman peke akong ngumiti bago tinignan ang menu.
"Pupunta ka?" Nag-aalala nyang tanong kaya naman natigilan ako.
"Hindi." Matigas kong sagot habang ramdam ang asidong umaakyat sa puso ko. "They just invited me so they can have a topic to gossip." Dagdag ko pa bago tinawag ang waiter.
Hindi naman nawala ang nag-aalalang tingin sa akin ni Mirae na pilit kong hindi pinapansin.
"'Wag na nga. Baka magkita pa kayo doon." Mahinang sabi ni Mirae kaya naman natigilan ako bago sya tinignan.
"I am not the Sierra they know, hell, I am far stronger now but I don't want to face them knowing that I might lose my license and dignity if ever I lose my patience on them." Seryoso kong sabi na tanging tango na lang ang nai-sagot ni Mirae.
I felt my stomach turn upside down when I saw the email sent by my former classmate. She's inviting me for a high school reunion for our class and she even has the guts to ask for a donation. I did not reply because the mere idea that they want me to come is already testing my temper.
"Pinuntahan kita nung Linggo. Yayayain sana kitang manuod ng sine pero wala ka sa condo mo. Umuwi ka na sa inyo?" Tanong ni Mirae sa kalagitnaan ng pag-kain namin.
Mabilis na nag-bago ang pakiramdam ko dahil sa tanong nya. I suddenly felt light and warm at the thought of my most memorable weekend. Mayve one fact that made it memorable is that, it is the longest time I spent with a man without any sexual activity. As in, nothing.
Hugo and I spent our whole weekend relaxing. We appreciated the beauty of the place and I even want to stay longer if only we don't have work. I was really thankful to Hugo, for what he is doing for me.
However, what he said bothered me. Do I already love Hugo? Am I just confused by my lust for him? I don't even know the answers to my own questions. Hugo do make me feel special and I know to myself that he is important to me but the real question is at to what extent?
"Hoy! Tutulala ka tas ngingiti? Anong trip 'yan? Baliw-baliwan?" Bulyaw ni Mirae kaya naman sinamaan ko sya ng tingin para itago ang pagka-pahiya.
"Nag-bakasyon kami ni Hugo." Tipid kong sagot dahilan para masamid sya kahit wala naman syang kinakain.
Uminom muna sya ng tubig bago ako pinanlakihan ng mga mata. Tinaasan ko naman sya ng kilay pero patuloy lang sya sa pag-titig sa akin.
"Bakasyon?"
"Anong trip 'yan? Bingi-bingihan?" Sarkastiko kong sagot kaya sinamaan nya ako ng tingin.
"And you know what's more deserving for this reaction of yours is the fact that we didn't have sex the whole time we're there." Dagdag ko pa kaya naman mas nanlaki ang mga mata nya.
"Ano ba, Althea! Umayos ka nga!" Sermon ko bago sya binato ng tissue.
Kumurap-kurap naman sya bago ako seryosong tinignan.
"That's a progress." Sabi nya kaya kumunot ang noo ko. "And the fact that you're not sulking because you were deprived is a miracle." Sabi pa nya kaya napa-buntong hininga ako.
BINABASA MO ANG
LUST | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
Ficção GeralLust is an inordinate craving for the pleasures of the body. | Seven Deadly Sins Present --------------- This story is not thoroughly edited so expect typographical errors and grammatical lapses at some point when reading this work. This story is no...