"Hindi pa ba tayo uuwi? I still have a lot of things to read." I asked in a slightly irritated tone when Hugo started driving.
I admit that I felt relaxed with this idea of his and I still want more of it but I really need to finish my readings. Hindi ko inaasahan na masisiyahan ako sa company ni Hugo kahit paminsan-minsan nya akong binibiro. Being with him gave me such comfort but of course, I won't tell him that.
Hindi ako pinansin ni Hugo at patuloy lang sa pagda-drive. Pumikit na lang ako at sumandal sa headrest para hindi na sya gyerahin. Kahit paano ay ayokong masira ang magandang aura ko ngayon. Isang linggo na akong pagod at stress dahil sa trabaho kaya I want today to be light.
If the car didn't stop, hindi ko mamamalayang naka-tulog na pala ako. Dahan-dahan akong umupo nang maayos at bahagya pa akong nagulat nang makita si Hugo na naka-lingon sa amin. Mabilis kong hinawakan ang bibig ko at naka-hinga ako nang maluwag dahil hindi naman tumulo ang laway ko. I just don't know if I snored because I tend to snore whenever I'm tired.
Umiwas ako ng tingin nang nginisian nya ako. Kunwari ay chineck ko si Sofia pero gusto ko lang iwasan ang panunukso nya.
"You look peaceful while sleeping, don't worry." He laughed off the last part kaya mabilis uminit ang pisngi ko.
Malay ko ba kung totoo ang sinasabi nya. Nahihiya talaga ako knowing that he saw me sleeping because no one, as in not even the most beautiful woman in the world, sleeps in a peaceful way.
Nang lumabas na si Hugo sa sasakyan ay mabilis kong sinilip ang itsura ko sa compact mirror ko. I still look decent so my embarassment slowly faded away. Hugo opened the door on the side of Sofia that startled me.
"Maganda ka nga sabi kaninang natutulog ka." Naka-ngisi nyang sabi bago kinuha si Sofi na dahilan para muling uminit ang mukha ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-sibol ng isang ngiti. Mabilis na lang akong umiling para mabura ang wirdo kong nararamdaman bago inayos ang sarili at bumaba.
And that's when I realized we are not home. I am so occupied that I didn't realize we are in an amusement park. I expected na hindi pa kami uuwi agad pero hindi ko naman inaasahan na sa ganitong lugar kami pupunta. We are too old for this kind of place.
"Oo nga pala, isang bata at isang isip bata ang kasama ko." Bulong ko sa sarili.
"Narinig ko 'yun." May panunuksong sabi ni Hugo mula sa gilid ko kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Sofia is now on her stroller that I didn't realize Hugo brought. Naka-ngisi lang sa akin si Hugo habang mayabang akong tinitignan.
"Ma-eenjoy mo 'to, promise." Sabi nya bago ko pa ma-buksan ang bibig ko para mag-reklamo.
"Ang clichè ng idea mo ng enjoyment. Sa ganitong lugar mo ba dinadala ang mga babae mo? It's not even romantic."
"Excuse me, Madam. Pumunta tayo rito para kay Sofia. Extra ka lang kaya enjoyin mo na lang 'to." Nanunukso nyang sabi kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Atsaka," he trailed off as he draped his arm around my shoulder but I quickly shrugged it off due to the heat it instantly gave me. "Iba ang definition ko ng enjoyment. If you want to know, just tell me and I'll let you experience it" He whispered before winking at me.
Ngumiwi naman ako dahilan para tumawa sya nang malakas pero sa loob-loob ko ay nag-iinit na ako dahil alam ko ang tinutukoy nya.
"Tara na nga nang agad tayong maka-uwi." Kunwari'y masungit kong sabi bago naunang nag-lakad.
I heard him chuckle that only made my face heat more. Iba talaga ang lalaking 'to.
"Hintayin mo naman kami!" Bahagyang sigaw nya bago sila sumulpot sa gilid ko. "Baka isipin nilang single ka."
BINABASA MO ANG
LUST | SDS Present ✔ (TO BE EDITED)
General FictionLust is an inordinate craving for the pleasures of the body. | Seven Deadly Sins Present --------------- This story is not thoroughly edited so expect typographical errors and grammatical lapses at some point when reading this work. This story is no...