Love Reins

4 0 0
                                    

Kinabukasan...

Naabutan ni Iya ang kanyang nanay na nagliligpit ng mga kubyertos na ginamit kahapon sa handaan sa fiesta.

"Nay, tulungan na kita diyan.." offer ni Iya.

"Hindi na, matatapos na din ako..kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni aling Gina na napa-second look kay Iya dahil sa mata nito na namamaga sa pag-iyak.

"Ok naman po ako, 'nay.."matamlay niyang sagot habang kumukuha ng makakain.

"May problema ba kayo ni Neil? Dapat pinag-uusapan niyo yan at ng magka-liwanagan kayo...ganyan talaga,kahit anong relasyon dumadaan sa pagsubok" payo ng kanyang nanay.

Tahimik naman na nakikinig lang si Iya habang walang gana na kumakain..

"Siyanga pala, idinaan dito kanina yung mga pictures niyo ni Neil noong Santa Cruzan, ibigay mo yung ibang kopya sa kanya at ng may remembrance din siya." tuloy na pagkukwento ng kanyang nanay.

Napansin nga ni Iya ang isang brown envelope sa mesa at wala sa loob na kinuha ang mga pictures sa loob nito.

Kitang-kita na masaya sila ni Neil sa mga kuha nila sa pictures..may isa pang stolen shot kung saan ang ganda ng kanyang ngiti habang si Neil ay mukhang in-love na in-love na nakatingin sa kanya...kung wala sana silang  issue  kagabi baka nayakap at nahalikan niya ang mga pictures na iyon.

At dahil dito, parang gusto na naman tumulo ng luha niya ngunit bigla siyang nagulat ng tumunog ang doorbell.

Sa kabila ng lahat, umaasam siya na si Neil iyon.

"Ikaw na magbukas Iya,baka si Neil yan.." utos sa kanya ng nanay niya.

Parang nagdadalawang isip siya pero naisip niya na tama ang nanay niya..kailangan nila mag-usap ni Neil.

Pagbukas niya ng gate,hindi niya inexpect ang mabubungaran niya..

"Hi..mukhang disappointed ka na ako ang nakita mo ah.."pagbibiro nito.

"Mark..! parang medyo nagulat na sabi ni Iya.

"Ahm, pwede pumasok?" sagot naman ni Mark.

"Sure" mabilis naman na sagot ni Iya.

Pagpasok nila sa loob ng bahay, bumati si Mark kay aling Gina.

"Ikaw pala yan iho, hindi ko na natainong pangalan mo sa pag-aalala kagabi kay Iya.." sabi ni aling Gina.

"Siya nay si Mark..kaibigan po ni Neil..salo naman ni Iya sa nanay.

"Nasaan nga pala si Neil?mag-isa ka lang ba pumarito?"tanong ni aling Gina kay Mark

"Actually po tita hindi po alam ni Neil na andito ako, hindi pa po siya gising, sobrang nalasing po kagabi at nagyaya po siya ulit uminom after po ng..alam niyo na..yung nangyari po..kagabi..."medyo hesitant na kwento ni Mark.

"Nag-agahan ka na ba?tamang-tama saluhan mo na si Iya,kumakain pa lang siya.." sabi ni aling Gina.

"Ay nakakahiya naman po, pero sige na nga po.."kunwaring nahihiya na sabi ni Mark.

Iniwan na sila ni aling Gina at binilinan si Iya na busugin daw mabuti si Mark.

"Ang bait naman ni tita..pede magpa-ampon na lang ako dito.."pagbibiro ni Mark.

Habang kumakain, napatingin si Mark kay Iya at napansin nito ang namumugtong mga mata niya.

"Ahm kumusta na nga pala pakiramdam mo?"nag-aalangan na tanong ni Mark.

"Ok naman, konting galos lang naman 'to.." explain ni Iya.

"Ah, mabuti naman..eh yung pakiramdam mo dito.." sabay turo ni Mark sa dibdib nito.

Sweet Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon