Warning: There are certain parts and words that are not suitable for a very young readers.
Read at your own risk."Morning❤️!"pm ni Iya kay Neil pagkagising ng maaga.
Excited siya makita ang dorm kung saan niya gugugulin ang importanteng yugto ng pag-aaral niya sa pag-bot ng kanyang mga pangarap sa buhay.
Maaga sila gumayak at sumabay sa pagpasok ng kanyang kuya Alex.
Isang oras ang biyahe mula sa kanilang bayan ang university na kanyang papasukan...kakayanin naman mag-commute everyday gaya ng suggestion ng kanyang kuya na sabay sila every morning sa pagpasok. Pero kinumbinsi niya ang kanyang nanay na payagan siya mag-dorm para wala siya umano masayang na oras ng pag-aaral.
"Yung oras ng biyahe ay gugulin ko na lang ng pahinga sa dorm para mas makapag-aral akong mabuti" tandang tanda pa ni Iya na reason niya sa kanyang nanay.
Pagdating nila Iya sa dorm, in-assist sila ng landlady sa pag-tour sa kanilang room . Dalawang estudyante per room ang kanilang offer. Pumasa naman kay Iya at sa kanyang nanay ang facilities ng dorm. Bukod sa malinis ito at mukhang bago pa, mabait at accomodating ang kanilang magiging landlady. Siya din ay na-inform na may makakasama na umano sa room na kagaya niyang freshman at buhat ito sa mas malayo pang bayan sa kanila.
Kumuha siya ng selfie sa loob ng kaniyang magiging kwarto at plano niya i-send iyon kay Neil.
"My crib as a kolehiyala"
send ni Iya kay Neil with her selfie.Nag-down payment na ang kanyang nanay para sa kanyang kwarto upang naka-reserve na ito sa kanya. Bukod sa magandang view mula sa bintana nito, sa side ding iyon ay ang morning sunshine na sikat ng araw.
After ma-settle ang dorm ay tumuloy sila sa Pacific Mall upang mamili ng kanyang mga gamit tulad ng bag, ilang bagong damit para sa wash day sa school, bagong underwear, hankies at ilang school supplies needs. Ang kanyang pinang-shopping ay padala ng kanyang tatay bilang "welcome college gift" umano. Suhol daw iyon para mas lalo niyang mapagbuti ang kanyang pag-aaral.
Thankful siya at wala siyang problema sa larangan ng pinansiyal sa kanyang pag-aaral, kaya ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang kanyang best para mapagbuti ito bilang sukli sa kanyang mga pribilehiyo buhat sa mga magulang.
Hindi pa tapos ang kanilang shopping galore, nakaramdam sila ng gutom at napagpasiyahan nila na kumain sa Leticia's Restaurant and Bakeshop. Pagpasok sa kainan, naalala niya na si Neil ang huli niyang kasama na kumain doon. Bakante ang upuan kung saan sila ni Neil naka-pwesto dati kaya nagmamadali niya itong inokupa bago siya maunahan ng iba.
And speaking of Neil, naalala niyang i-check ang kanyang messenger baka meron na itong message para sa kanya, pero kahit ang ini-send niyang selfie ay hindi pa nito nasi-seen.
"Ikaw nga gurl busy today..siya din malamang.." katwiran ng isip niya pagkakita niyon.
"Sana nga busy lang siya at walang masama na nangyari.."praning na pag-aalala ni Iya.
*****
Napilitan nagising si Neil dahil sa lakas ng pagyugyog at paggising sa kanya ni Mark.
"Tol, gising..uy!
"Tol, ano ba yun, ang aga-aga pa, late na ako natulog kagabi eh,inaantok pa ako.."reklamo ni Neil.
"Hindi mo ba nabasa yung pm ko sayo nung isang araw? Mamayang 10am yung flight natin sa Siargao diba.." paninita ni Neil.
Napabalikwas naman si Neil sa narinig, "Today na ba yon?"tila nawala ang antok na pagkakasabi niya.
"Mabuti pala,maaga akong dumaan dito eh, duda ako hindi ka nagre-reply.." sita ni Mark.
BINABASA MO ANG
Sweet Summer Love
RomanceSummertime-- for Iya, this is not like any other typical summer vacation na dumaan sa buhay niya. It was something special because for the very first time she fell in love with Neil na isang bakasyunista. They were both attracted to each other and t...