Getting to know you more...

16 0 0
                                    

Iya-POV

Napabalikwas ng bangon si Iya..
10:30 am na!

Lumingon siya sa higaan ni Beauty ngunit wala na ito don.
Agad siyang pumasok ng banyo para maghilamos,mag toothbrush at mag ayos ng sarili..Dali-dali siyang bumaba at parang excited ng di malaman ang dahilan.

Nakita niya ang nakatakip na pagkain sa mesa, ang paborito niyang egg with cheese,bacon and fried rice. Kumuha siya ng plato at magsisimula ng kumain ng marinig niya ang boses ng kuya Alex niya.

"Good morning, lil sis" bungad nito sa kanya.

"Lil sis mo mukha mo,dalaga na kaya ako 'no" with matching belat sa kanyang kuya.

"Dalaga daw oh, eh pabelat belat pa akala mo bata" dagdag tukso ng kuya niya.

"Sabagay, kagabi ah ang ganda ganda naman ng 'lil sis ko,akala mo dalaga na talaga. Hiningi nga ni Jimuel yung number mo..." may pilyong ngiti at pakindat pa ang kuya Alex niya

Hindi na naituloy pa ang sunod na subo ni Iyah..

"Whatttttt? At ibinigay mo naman?" Nayyyyyy! si kuya oh, ipinamimigay ako sa mga barkada niya"
Sigaw ni Iya sa kanyang nanay na busy sa pagdidilig ng mga halaman habang may ka-kwentuhan.

"Ano ba iyan Iya, kakabangon mo lang sigaw ka ng sigaw diyan!" di pansin ng nanay niya ang mga sinabi niya.

"Matagal ka na type non ni Jimuel, nagpaalam sa akin kapag dalaga ka na daw liligawan ka niya" Eh diba sabi mo dalaga ka na?" pang- aasar pa lalo ng kuya Alex niya.

"Oo dalaga na talaga ako, pero hindi siya ang type ko noh? Ang gusto ko yung kamukha ni Nam Joo Hyuk,excuse me!" pakikipagtalo pa ni Iya sa kanyang kuya

"Sino naman yun?Ano nga uli pangalan?" naku-curious na tanong ng kuya Alex niya

"Hindi mo kilala yun..."sabay ngiti ni Iya na akala mo nagde-day dreaming..

"Uy, may secret na ang lil sis ko, Nay si Iya may boyfriend na!" sigaw na pang-aasar ng kanyang kuya.

"Ano ba kayong 2 diyan,sigaw ng sigaw.." reklamo uli ng kanilang nanay na sumisigaw din at patuloy pa din sa pakikipag-kwentuhan.

"Si nanay talaga, nagagalit kasi sumisigaw daw tayo eh siya din naman wala ginawa kundi sumigaw" sabi ng kuya Alex niya

Sabay tuloy silang natawa na mag-kuya. At nabaling na ang topic nila sa kanilang nanay na patuloy nilang pinag-uusapan at ginagaya ang mga gawi nito tsaka sila magtatawanan.

"Tingnan mo itong mag-kuya,kanina nagbabangayan lang,ayun nagtatawanan na"wala sa loob na nasabi ng nanay sa kausap.

Maya-maya tinawag ni aling Gina si Iya...

Iya...! Halika nga dito kunin mo nga ito oh.

"Tawag ka,sabi ng kuya Alex niya..

"Kumakain pa ako" balik sigaw ni Iya

"Ako na nga lang kukuha" sambit ng kuya ni Iya

Pagkalabas ni Alex, nakita niya ang kanyang nanay may kausap na binata, mas bata siguro ito sa kanya ng 2-3 na taon. May dala itong mga minatamis at chicharon na galing ng Bulacan.

Ipinakilala naman ng nanay nila si Alex.

"Natatandaan mo ba Alex etong si Neil kalaro mo noon mga bata pa kayo, apo siya ni lola Caring"

"Tinanguan naman ni Alex si Neil dahil parang natatandaan naman niya iyon"

"Bro, kumusta?parang ngayon lang uli kita nakita dumalaw dito ah".. nakangiting bati ni Alex.

Sweet Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon