Pursuit to Second Chances

4 0 0
                                    

Friday....kinabukasan pagkagaling ng Sta.Elena, napagdesisyunan agad ni Neil na pumunta sa Ortigas kung saan umano nagta-trabaho si Iya bilang pinaka-bata na naging  HR Director sa company nito . According sa kwento ng kuya Alex nito, naka-graduate si Iya with flying colors at naging top notcher sa board exams sa BLEPP Board Licensure Examinations for Psychologists and Psychometricians. Sa kabila daw ng mga naging problema nito, naging successful daw si Iya sa pag-aaral at career.
Gustuhin man niya tanungin kung anong problema ni Iya na nabanggit ni Alex, hindi na siya naglakas loob.

Hindi na niya mahintay ang weekends para sa bahay na lamang ito puntahan, kaya, matapos mag-park sumakay siya ng elevator...nasa 26th floor ang company na pinapasukan ni Iya.

Pagdating don, bumungad kay Neil ang maluwang na lobby at may katamtamang laki na coffee shop sa isang side. Alas-onse na ng umaga,kaya iniisip ni Neil na baka makausap niya si Iya over lunch break nito.

Dumiretso siya sa receptionist at nagtanong...

"Good morning, I'm here to see Ms. Alliya Apostol.."maikling sabi niya at tinanong din ang pangalan niya at bigla siyang nag-atubili.

" James"...naapuhap niyang sabihin..well technically siya din si James,pero hindi siya sanay na iyon ang gamitin niya na pangalan..naduduwag ba siya?iniisip kasi niya na baka hindi siya siputin ni Iya kung sasabihin niyang Neil ang pangalan ng naghahanap sa kanya.

Nag-dial ang magandang receptionist sa harapan niya at maya-maya pa ay ini-inform siya..

"Sir, sorry but Ma'am Iya is not available at the moment..

"Ah, ok..I'll just wait here.." maikling sabi ni Neil.

After 30-minutes napatingin siya sa receptionist as if alam na din nito ang kanyang sasabihin.

Pinuntahan siya nito at ini-inform na mukha daw matatagalan pa lumabas si Iya at nasa meeting ito.

Nagpasalamat naman siya at nagdecide na maghintay pa.

Dumating ang lunch, ngunit wala pa din daw update kung matatapos na ang meeting ni Iya.

Napagpasiyahan ni Neil na pumunta ng coffee shop at umorder ng makakain at maiinom habang naghihintay. Pumuwesto siya sa isang side kung saan matatanaw niya ang labas-masok sa nasabing coffee shop.

Kalalapag lang ng kanyang order ng mapansin niya si Iya, na nasa entrance door ng coffee shop. Sa tagal niyang hindi ito nakita, tila bumilis  ang tibok ng kanyang puso...Sa suot nitong business dress,makikita pa din ang magandang hubog ng katawan nito--- very womanly..
Sa bawat paggalaw at lakad nito ay tila slow motion sa paningin ni Neil. Lalo niya naramdaman kung gaano niya ito na-miss ng sobra at parang gusto niyang takbuhin ito at yakapin ng mahigpit ngunit bigla siya naging hesitant ng makita niya na may kasama ito at masayang nag-uusap habang naglalakad papasok ng coffee shop.

Pa-simple siyang lumingid upang hindi siya mapansin ng mga ito.

"Para akong gagong stalker nito.." sisi niya sa sarili.

Nakaramdam siya ng selos at kurot sa dibdib ng makilala niya ang kasama ni Iya---si Jimuel.

Inobserbahan niya ang mga kilos ng mga ito kung may namamagitan sa kanila. Naguluhan siya bigla sa plano niyang magpakita kay Iya at tila bigla hindi pa siya ready...

Natapos kumain sila Iya at Jimuel ngunit siya ay drinks lang ang nagalaw sa kanyang inorder...Mala hawkeye siya sa pag-obserba sa dalawa. Natutuwa siya dahil wala siyang makitang romantic gestures sa mga ito...or dahil yun kaya ang gusto niya makita?

Hinintay niya ang mga ito na lumabas at pasimple din siya sumunod pero bigla siyang nagkubli ng mapagawi ng tingin si Iya.
Nakita niya si Jimuel na dumako  sa elevator at si Iya naman ay kausap ng receptionist na tila ini-inform ito. Nakita niya ng suyudin ng mata ni Iya ang buong lobby at tila may hinahanap.

Sweet Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon