Burning Love

4 0 0
                                    

Warning: There are certain parts that are sensitive and may not be suitable for a very young readers. Read at your own risk.

Nagulat pa si Iya ng biglang tumunog ang doorbell niya sa gitna ng pag-aanalisa ng kanyang damdamin kay Neil.

Matapos masiyahan sa sariling repleksiyon sa salamin ay tumungo siya ng pinto upang pagbuksan ang inaasahan niya na sina Neil at Mark.

Ng makita siya ni Neil, mababasa sa mga mata nito ang paghanga sa kanya..Gusto niyang ngumiti sa reaksiyon nito,pero kunwari ay walang epekto sa kanya ang malagkit na titig nito.

Bago mapansin nito na pinamumulahan siya ng pisngi dahil pagkakatingin sa kanya ni Neil... hinanap niya si Mark..

"Nasaan nga pala si Mark?"tanong niya upang mawala ang awkward moment.

"Ahm, umuwi na siya ng Maynila may importante daw siyang lakad bukas eh.."pagsisinungaling ni Neil

Nag-clear ng throat si Neil bago niyaya si Iya.

"Hmm..Shall we? Sabay offer ng braso nito upang kapitan ni Iya.

Biglang nalito si Iya kung kakapit ba ito kay Neil, kakayanin ba niya na magkalapit ang kanilang mga katawan?

Pero pinili niya na umakto ng natural at kumapit sa braso ni Neil.

Amoy niya ang manly scent nito at hindi niya maiwasan na panakaw niyang pagmasdan ang gwapo nitong mukha.

Tila dejavu ng kanilang unang pagkikita..

Di maiwasan na nahuli siya ni Neil sa kanyang pagkakatitig dito at bigla na naman nag-init ang kanyang mga pisngi sa hiya.

Nagdiwang naman ang puso ni Neil ng makita niya na malagkit na titig ni Iya sa kanya..

"May asawa at anak na siya..matagal ka lang niya na hindi nakita kaya huwag kang umasa" supil ng isip ni Neil.

Pilit niya iwinawaglit sa kanyang isip ang  bagay na yun...Ang mahalaga sa kanya ay ang ngayon na magkasama sila ni Iya.

Ng makarating sila sa dining area, na-shocked si Iya sa ganda ng set-up nito...nasa isolated area sila kaya mas lalong ramdam niya ang presence ni Neil.

"Akala ko mag-coffee lang tayo..?"kunwari'y di apektado sa paligid niya.

"We can have our coffee after ng dinner..para naman matagal ang kwentuhan natin.." maikling sabi ni Neil.

Nag-start sila mag-order ng pagkain...Gustuhin man ni Neil na prepared na lahat even sa ise-serve na food, pero nag-atubili siya.

Sa ilang araw nila na naging magkakilala ni Iya, hindi man lang niya nalaman ang paborito nitong mga pagkain..Ngunit kahit gaano kaikli man ang mga araw na iyon, hindi masusukat ang pagmamahal na naramdaman niya para dito.

Hindi niya maiwasan na pagmasdan ito habang namimili ng pagkain sa menu...lalo itong gumanda sa kanyang paningin at hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakapag-pigil upang hindi ito haplusin, yakapin at hagkan ang matamis na labi nito..

Eventually, nahuli din siya ni Iya sa kanyang mga malagkit na titig at hindi niya inaasahan ang naging reaksiyon ni Iya.

"I think this dinner slash coffee date is a bad idea..Sorry Neil, but I have to go.." nagmamadaling tumayo at umalis si Iya.

Hindi na makatiis si Iya with Neil around, natatakot siya na anumang sandali mabasa nito na may pagmamahal pa din siya para dito.. actually hindi naman nawala yung pagmamahal niya sa kabila ng lahat ng nasaksihan niya between Neil and Beatrice. Ang dami na naman niyang what ifs kaya bago siya masadlak sa isang sitwasyon na hindi pa siya sigurado, puputulin na niya ito habang may chance pa.

Sweet Summer LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon