Warning: There are certain parts and words that are not suitable for a very young readers. Read at your own risk.
Nagising si Iya sa lakas ng Banda na dumaan sa harapan ng bahay nila.
Ang araw na iyon ang official barangay fiesta nila. Madaming mga ganap sa plaza, isa na ang inter-brgy Basketball na siguradong hindi palalampasin panoorin ng kuya Alex niya, mga peryaan , rides at mga tiangge.
Sa gabi naman ay meron Zarsuela ang main event kung saan may show ang maiimbitahan nilang artista. May mga time kung malaki ang budget ng kanilang barangay, medyo sikat ang makukuha ng mga ito para sa show,kung hindi man ay mga baguhan or mga artista na hindi kataasan ang mga talent fee.
Pagmulat ni Iya, mabigat ang pakiramdam niya,kung ikukumpara sa handa nila siya ay parang overcooked pasta. Feeling niya may slight fever siya.Para siyang nag- mountain climbing dahil sa sakit ng mga binti niya..naisip niya na baka iyon ay dahil sa haba ng nilakad nila sa sagala kagabi..
"G*g* yan ang after-effect ng first time sexual intercourse" singit ng kabilang isip niya.
Pagbangon niya,napansin niya ang dugo sa bedsheet niya..ang sign ng virginity niya. Nanumbalik sa isip niya yung mga intimate moment na pinagsaluhan nila ni Neil. Dali-dali niya pinalitan ito sa takot na makita ng kanyang nanay.
Naligo siya sa pag-asa na mawala ang sinat niya..Ngunit matapos siya maligo, hindi talaga kaya ng katawan niya. Parang nais niya bumalik sa pagkakahiga.
Bumaba siya at naghanap sa nanay niya ng paracetamol..
Kinapa naman ni aling Gina ang noo niya at napansin nga nito na may lagnat na siya.
"Napagod ka ba masyado kagabi anak sa Santa Cruzan at ganyang sumama pakiramdam mo?" Naulanan ba kayo ni Neil kagabi?punong-puno ng pag-aala na tanong ni aling Gina.
Bigla naman nakaramdam ng guilt si Iya sa pag-aalala ng kanyang nanay..kaya pinilit niya kumilos ng masigla para hindi na ito masyadong mag-worry sa kanya.
"Galing nga pala dito kanina si Neil, ibinigay itong mga kakanin.." kwento ng nanay niya.
"Gigisingin sana kita, pero babalik na lang daw siya.." patuloy na pagkukwento ng nanay niya habang nag-aayos ng kanilang mga handa sa mesa.
"Panik na lang muna ako 'nay, tawagin niyo na lang ako kung kailangan ninyo ng tulong ko.."hindi maikukubli na tamlay ni Iya.
"Magpahinga ka na lang, andiyan naman ang kuya mo, siya na lang ang gisingin ko.." pantataboy ng kanyang nanay.
Pagpanik niya ng kanyang kwarto, kinuha niya ang kanyang cellphone at nahiga.May message mula kay Neil.
"Good morning sleeping beauty.." pm nito sa kanya 1 hour ago na.
"Morning prince Philip, Sleeping Beauty will back to sleep... Maleficent made her sick.." reply ni Iya.
"Bakit ngayon araw pa talaga ako nagkasakit.." sisi ni Iya sa sarili
Dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam niya at epekto na din ng pag-inom niya ng gamot, nakatulog muli siya.
Nagising si Iya na may naghahaplos ng bimpo sa noo niya..akala niya parte lang ng panaginip niya ng makita si Neil.
"Neil, bakit andito ka?" takang tanong ni Iya.
"Nabasa ko ang pm mo, then pina-derecho na ako ni tita dito dahil may mga bisita siya sa ibaba.." explain ni Neil.
"Naabutan ko na ito dito.." turo ni Neil sa bimpo.
"Pero mukhang mainit kapa kaya, ayun..pinunasan kita.." nag-aalalang sabi ni Neil.
BINABASA MO ANG
Sweet Summer Love
RomanceSummertime-- for Iya, this is not like any other typical summer vacation na dumaan sa buhay niya. It was something special because for the very first time she fell in love with Neil na isang bakasyunista. They were both attracted to each other and t...