Warning: This section contains words, and sensitive part/scenes that are not suitable for a very young readers.
Read at your own risk.6 years later...
Neil! Sigaw ni aling Nids sabay kaway kay Neil.
Excited na tumungo si Neil sa gawi ng kanyang mommy at niyakap niya ito ng mahigpit.
"Na-miss kita anak!" tumulo ang luha ni aling Nids sa saya habang yakap si Neil.
"Miss you too 'mi.."
"Nasaan nga pala si Beatrice? Akala ko sabay kayong uuwi?"takang tanong ng kanyang mommy.
"Mahabang kwento 'mi, " maikling sagot ni Neil.
Hinampas ni aling Nids si Neil sa braso na ikinagulat ni Neil.
"Ano na naman yang ginawa mo Neil?"tanong sa kanya ni aling Nids na may halong gigil.
"Aray ko po! Mommy ang daming tao sinasaktan mo ako..akala ko ba na-miss mo ako.." biro ni Neil.
"Naku, tara na nga baka napagod ka sa biyahe..hindi mo ako inabisuhan na hindi makakasama si Beatrice...naghanda pa naman ako sa bahay.." sermon ni aling Nids.
"So kapag ako lang pala ang uuwi, hindi ka na maghahanda" biro ni Neil sa kanyang mommy.
"Hay naku,tigilan mo nga ako ng drama mong iyan Neil, katanda mo na..pwede na nga kayo magpakasal ni Beatrice...Ano nga ba ang plano mo at hindi mo pa niyaya siyang magpakasal? Sigurado naman ako na hindi na tatanggi si Beatrice.."mahabang litanya ng kanyang mommy habang naglalakad na sila patungo sa kinaroroonan ng sasakyan.
Tahimik lang si Neil na nakikinig sa kanyang mommy..Hindi niya ito masisisi sa mga sinasabi nito, lalo na siguro kapag nalaman nito na hiniwalayan na siya ni Beatrice for good.
Madalas din niya tanungin ang kanyang sarili, hindi pa din ba siya talaga nakaka-move on kay Iya? Si Beatrice ang lagi nasa tabi niya lalo na noong mga panahon na kailangan niya si Iya.
Madaming pagkakataon sa away nila ni Beatrice na hindi maiwasang nauungkat ang damdamin niya para kay Iya na mariin niyang itinatanggi. Hindi niya makuhang magalit kay Beatrice ng ipinagtapat nito na may halos isang taon na itong affair sa iba habang magka-relasyon sila.
"Minahal kita Neil, lahat ginawa ko para hintayin kong buong puso mo suklian ang pagmamahal ko sayo. Pero sa kabila ng lahat, in-denial ka na..si Iya pa din ang mahal mo. Nagpaka-tanga ako...dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, umasa ako na makakalimutan mo din si Iya dahil ako ang laging nasa tabi mo.
Kaya lang nainip na din ako Neil! Napagod na ako makipag-kompetensiya na alam ko sa simula pa lamang talo na ako..
Kaya ng makilala ko si Kevin, lahat ng pagmamahal na katagal kong hinahanap at inaasam mula sayo , siya ang pumuno ng lahat ng iyon..
Hindi ko na kayang sayangin pa ang pagkakataon na totoong sumaya naman ako kapiling ng taong nagmamahal sa akin ng buong-buo.
Alam ko na mapapatawad mo ako dahil deep inside alam mong malaki ang pagkukulang mo sa relasyon na ito..Naalala ni Neil na sumbat sa kanya ni Beatrice noong nakipag-hiwalay na ito sa kanya.
"Naintindihan mo ba mga sinasabi ko?" tanong ng kanyang mommy na ang dami na palang sinasabi pero malalim naman ang iniisip niya.
"Ano nga uli yun 'mi?"may jetlag pa ako eh, inaantok yata ako.."palusot ni Neil.
"Ang sabi ko, after one week na makapag-pahinga ka, dalawin natin ang lola Caring mo...siguradong matutuwa na makita ka non..miss na miss ka na" kwento ng kanyang mommy.
BINABASA MO ANG
Sweet Summer Love
RomanceSummertime-- for Iya, this is not like any other typical summer vacation na dumaan sa buhay niya. It was something special because for the very first time she fell in love with Neil na isang bakasyunista. They were both attracted to each other and t...