A/N: Bigyan ko lang si Trina saglit hahhahahahah, wala na akong maisip since short lang toh, dapat matapos ko na.
____________
Trina's POV:
Ngayong araw na mismo ay nakapagdesisyon na ako, kakausapin ko ngayon si Joseph since vacant na kami sa last subject.
"Joseph pwede ba kitang makausap?" Sabi ko ng makalapit ako sa pwesto nya, nasa room pa kami. Saktong mag-uuwi ako ngayon ng mga hiniram kong libro sa library, gagamitin ko na ito bilang pagkakataon Para sabihin ang gusto ko.
Mabait naman si Joseph Kaya kahit sino ay pwedeng magkagusto sa lalaking toh, gwapo din naman kase sya. Pero kahit anong ganda ng katangian nya ay may hinahanap naman lagi yung mata ko.
Hindi naman Tama Kung patatagalin ko pa yung panliligaw nya, hindi ko naman talaga gusto na ligawan nya ako pero mapilit sya Kaya wala na akong nagawa.
"yeah sure, saan ba?" magiliw na Sabi nito, Kung ibang babae siguro ay kinilig na sa mga ngiti nya pero hindi ako.
"sa labas na lang Sana, ibabalik ko din kase yung mga libro sa library"
"sige, samahan na kita"
Naglalakad kami ngayon sa daan papuntang library, sya na ang humawak ng libro dahil nagpresinta sya, binigay ko na lang dahil mabigat din naman kase.
Kakausapin ko sya pagbalik na lang, hindi ko kase Alam sasabihin, ang hirap din pala mambusted. Hindi ko naman sya gusto Kaya Tama lang na hindi ko na sya paasahin. Eto ang ang oras Para sundin ko Kung anong gusto ko.
Hindi na ako nagtagal pa sa loob ng library, ako na lang kase ang pumasok at naiwan na lang si joseph sa labas.
"ahm.. So ano ang pag-uusapan Pala natin?" agad na Sabi ni Joseph nang makalapit ako sa kanya.
"Joseph, I-I'm sorry" Sabi ko habang seryosong nakatingin sa mga mata nya. Nakita ko naman ang pagkabigla nya at ang pagdaan ng sakit dito.
"sorry saan?" Alam Kong Alam nya Kung ano ang ibig kong sabihin, mukhang ayaw nya lang pangunahan.
"sorry dahil hindi ko kayang ibigay ang gusto mo, sorry dahil pagiging magkaibigan lang ang Kaya kong ibigay sayo, mabait ka masasabi ko ngang ideal man ka na, pero kase m-may mahal na akong iba" kahit nakakain ko na ang ibang Salita ay pinilit kong ipaliwanag sa kanya. Napakagat naman ako ng labi Para pigilan ko ang wag maiyak.
"sorry" mahinang Sabi ko, na pakiramdam ko ay naibulong ko na lang Ata, hindi pa sya umiimik Kaya naguguilty ako, hindi sa ginawa ko ngayon kundi sa binigyan ko sya ng motibo na baka iniisip nya na gusto ko sya sa paraang Alam nya. Yun pa ang time na hindi kami nagpapansinan ni Eri.
"a-akala ko gusto mo rin ako? Ano yun? Wala lang ba yun? Akala ko masaya ka kasama ako? Ako lang Pala Ata itong assuming, Alam ko naman eh na wala akong pag-Asa sayo pero sinubukan ko pa rin dahil gusto talaga kita. Hindi mo man sabihin pero napapansin ko na lagi kang sumusulyap sa labas ng room, wag kang mag-alala hindi ako magagalit sayo, oo nagustuhan kita at nasasaktan ako ngayon pero handa akong tanggapin na wala na talaga, sorry din kase nagpumilit pa akong manligaw sayo" napaangat naman ako ng tingin sa kanya, nakayuko na Pala sya. Ramdam ko naman ang lungkot sa boses nya Kaya ang ginawa ko ay niyakap na lang sya na ginantihan din naman nya.
Masaya ako dahil naintindihan nya, hindi ako nagkamali sa kanya, ang swerte ng taong mamahalin nya at mamahalin sya.
" thank you" tanging nasabi ko na lang, binigyan nya naman ako ng tipid na ngiti, hindi ko Alam na napaluha na Pala ako Kung hindi nya lang dinampi ang panyo nya sa mukha ko.
"wag ka na ngang umiyak, dahil mas masakit na makita kang umiyak kesa sa pambabasted mo, sige ka papangit ka nyan di kana nya magugustuhan" napatawa na lang ako ng mahina sa Sinabi nya.
"Alam mo?"
"oo, nung una pa lang Alam ko na na may gusto ka sa kanya Kaya wala talaga akong Laban Kung may nagmamay-ari na Pala ng puso mo, pero Sana kahit na binasted mo man ako, kahit maging friends mo na lang Alam Kong panget tingnan kase gusto kita at higit pa, pero ayoko rin namang magkailangan tayo, Kung ok lang naman sayo" cool na Sabi nya.
"oo naman, wag kang mag-alala wala din naman akong balak iwasan ka dahil lang dito" nakangiti kong Sabi na ginantihan din naman nya.
"so Paano halika na" Aya ko sa kanya, pero Ganon na lang ang gulat ko nang makita ko sya hindi kalayuan sa pwesto namin, nakatingin lang sya saamin, walang emosyon ang mukha nya, ilang saglit pa ang lumipas bago sya tumakbo paalis.
"Go, sundan mo na" Sabi ng katabi ko na nagpabalik sa wisyo ko, nilamon na kase ako ng pag-iisip, hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at hinabol sya.
BINABASA MO ANG
Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStory
RandomBata pa lang ako Alam ko na sa sarili ko na kakaiba ako, kakaiba sa paraan na iba ang nagugustuhan ko, na imbes na lalaki ay sa babae ako nagkakagusto. Isa na doon si Trina, ang kapitbahay namin na ubod ng sungit na sa tuwing makikita or makakasalub...