Sa buong byahe ay tahimik lang ako na pinapakiramdaman sya. Yung puso ko Ganon parin, sobrang bilis pa rin ng tibok na Para akong nakikipagkarera ngayon. Panay lunok ko rin dahil katabi ko sya at nararamdaman ko yung balat nya kase magkatabi lang kami at medyo masikip dito sa likod. Ako yung sa likod ng driver Kaya ako yung nasa gitna.
Ang lambot ng balat nya, tangina! Wag kang ganyan, wag mo syang pagnasahan, wag mong kalilimutan na Good girl ka self. Kalma lang,malapit na rin tayo.
Napapansin ko naman na busy sya sa phone nya dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko. Sino naman Kaya kausap nya, tsk.
Hindi naman ako makagamit ng phone dahil nasa bulsa ko at nakakapit ako ngayon sa gilid ng bubong nitong tricy, mahirap na baka mahulog ako.
At sa hindi naman inaasahan ay bigla kong nailagay ang kaliwang braso ko sa harap ni Trina dahil biglang umalog yung tricy, mukhang may nadaanang bato, mabilis pa naman ang takbo ni kuya Kaya etong katabi ko eh muntik ng mahulog.
OK. Spell Awkward. Shit naman! Si kuya kase.
Hindi ko napansin na yung kamay ko ay nakapatong sa kaliwang dibdib nya na, Kaya agad ko itong inalis.
Bigla namang sumama yung tingin nya saakin dahil dun habang namumula naman yung pisnge."s-sorry, hindi ko naman sinasadya eh" agad na Sabi ko, sa mga oras na toh gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Grabeng kahihiyan naman yan, hindi pa nga kami ayos eh. Baka isipin nya pa na ginusto ko yun.
Wala naman syang Sinabi pero tinarayan nya lang ako, kitang kita parin yung pamumula ng mukha nya mukhang Pati sya ay nahiya.
"ayos lang ba kayo dyan anak" napalingon naman ako sa boses na yun, kasama nya Pala mama nya na si tita Rina.
Agad naman sumagot ang katabi ko na hindi na lumingon pa. Narinig ko namang humingi ng pasensya si kuya dahil hindi nya raw nakita yung bato. Hayst buti nalang hindi sya nahulog, yan kase puro selpon.
Sa wakas ay nakarating din kami, pareho Pala kami ng pupuntahan, mukhang maggogrocery sila ng mga paninda. Agad naman akong bumaba matapos kong paunahin yung Katabi ko tsaka inantay si mama. Sabay sabay na rin kaming pumasok sa loob ng supermarket pero nagpahuli ako ng konti dahil nahihiya akong kasabay si Trina. Mahirap na baka sapakin ako eh Lalo na't may kasalanan ako, pero hindi ko naman yun sinasadya.
Naghiwahiwalay din naman kami at buti na lang, nagagawa pa kaseng makipagchismisan ni mama eh.
Tinulungan ko na rin si mama sa paghanap ng mga kakailanganin sa bahay. Ilan na dyan yung mga delata, noodles, frozen goods at mga gamit sa katawan.
"Ma may titingnan lang ako ah" Sabi ko Kay mama, bibili kase akong chocolate dahil nakecrave ako ngayon.
"kumuha ka na rin ng mga chichirya Para sainyo" tumango lang din ako at agad pumunta sa lane Kung saan nakalagay yung mga chichirya.
Kumuha ako ng piatos at Ilan pang tigsisieteng chichirya sa tindahan. Tsaka tumungo Kung saan naroroon ang mga chocolates, mahilig kase ako sa chocolate, pampatalino raw kase hahahha char. Pero seryoso nakakatulong sya sa utak.
Dadamputin ko na Sana ang isang Cadbury (Tama ba spelling? Hahahah bahala na) nang iba ang mahawakan ko. Isang malambot na kamay Kaya agad naman akong napabitaw. Shit naman! Kilala ko na Kung kanino yun eh, eto na naman yung puso ko.
"s-sorry" nakita ko namang ang pagsalubong ng kilay nya dahil sa Sinabi ko.
"sorry mo mukha mo! Nananadya ka na talaga noh?!" Sabi nito na halata ang inis sa boses.
"eh hindi ko naman talaga sinasadya, bakit ka ba nagagalit dyan eh nagsorry naman na ako" malumanay na sagot ko, hanggat maaari ayokong sabayan ang init ng ulo nya Lalo pa't andito kami sa loob ng supermarket.
"talaga lang ha?! So kamusta naman yung dibdib ko kanina? Masarap bang hawakan ha!?" naramdaman ko namang uminit ang mukha ko nang maalala ang pangyayaring yun.
"T-teka, aksidente naman yun, hindi ko naman sinasadya, Kung hindi ko naman ginawa yun ay siguradong mahuhulog ka" kahit gusto ko ng umalis sa pwesto ko ay hindi ko ginawa kahit grabe yung epekto ng presensya nya saakin eh kailangan kong ipaglaban yung sarili ko.
"whatever" tanging Sabi na lang na may kasamang irap, sabay alis. Hayst,hindi na talaga kita maintindihan.
______
A/N : your vote is a great help for me. :) if you like my story don't hesitate to click the star button, thank you in advance.

BINABASA MO ANG
Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStory
DiversosBata pa lang ako Alam ko na sa sarili ko na kakaiba ako, kakaiba sa paraan na iba ang nagugustuhan ko, na imbes na lalaki ay sa babae ako nagkakagusto. Isa na doon si Trina, ang kapitbahay namin na ubod ng sungit na sa tuwing makikita or makakasalub...