Chapter 11

1.5K 122 2
                                    

Agad akong napakwento Kay Tury nang makauwi kami ni mama, hindi ko na rin sya nakita siguro ay nauna na or nauna lang talaga kami ni mama.

Kaya ayon ang siste tawang tawa, chinat ko kase sya na pumunta ng bahay kase may ikekwento ako ayoko namang pag-usapan pa sa chat dahil magkalapit lang naman kami ng bahay.

Ngayon andito kami sa kwarto ko, inaantay ko Kung kelan matatapos sa pagtawa itong kasama ko.

"tapos ka na ba? Saya mo ah?!"

"hahhaha tangina mo kase, Ganon Pala galawan mo ah? Laki ba? Dinakma mo ba naman yung baby ni Trina eh"

"yang bibig mo puro kabastusan, tumigil ka na nga! Dapat Pala hindi ko na lang kinwento sayo" nagsisisi talaga ako Kung bakit ko pa Sinabi sa taong toh, nasa huli nga talaga yung pagsisisi.

"hahahha eto na nga seryoso na, baka umiyak ka pa eh" agad ko naman syang sinamaan ng tingin, bwisit talaga kahit kelan.

"so ano na?"

"hay, hindi ko na Alam gagawin ko, gusto ko na syang makaayos, kahit lamang maging kaibigan sya, ang pangit naman kase tingnan nung parang hindi kami magkakilala Lalo pa't magkakakilala ang pamilya Natin" napabuntong hininga na lang ako ng malalim.

"Anong gusto mong gawin ko?"

"hindi ko Alam, Kaya nga kita pinapunta dito Para humingi ng tulong, mukhang nagalit ko pa kase Lalo, nagsorry naman na ako pero kase naman eh hayst"

Napatingin naman ako sa kanya na ngayo'y may nakakalokong tingin na. Kung ano mang iniisip nya mukhang hindi ko na magugustuhan.

"hmmm.. Simple lang kausapin mo lang, mangulit ka lang, iChat mo lagi Ganon" napaisip naman ako sa Sinabi nya.

"eh pano ko gagawin yun eh hindi pa nga ako nirereplyan dun sa simpleng "Hi" ko man lang, tsaka impossible namang magreply sya sakin" yung time kase na aksidenteng nachat ko sya na sinadya naman talaga ni Tury na isend yun eh hindi ko na nadelete pa dahil nabasa nya na, yun nga lang seen zoned  ako.

"eh problema mo na yun hahahha"

"bwisit ka talaga"

"pero seryoso, subukan mo lang, wala namang mawawala sayo Kung susubukan mo, pano magiging kayo Kung kukupad kupad ka, bahala ka pag naunahan ka, ikaw din"

"tsk. Oo na"

Mukhang Tama nga si Tury, walang mangyayari Kung hindi ko susubukan, bahala na, ang gusto ko lang naman maging magkaibigan ulit kami, kahit yun na lang dahil malabo namang magustuhan nya ako, mukhang straight pa naman sya. Pero wala naman akong nabalitaan na nagkaroon sya ng karelasyon, matanong nga Kay Tury.

"par nagka boyfriend na ba sya?" napatingin naman sya sakin, nabusy na kase sa pagseselpon eh mukhang may kausap na naman.

"hmmm.. Bakit? Manliligaw ka na ba?" napakunot naman ako ng noo dahil sa sagot nya.

"nagtatanong lang, tsaka ang layo ng sagot mo sa tanong ko"

"hahahha chill init ng ulo eh, ahm sa pagkakaalam ko wala pa naman syang nakakarelasyon Kaya may pag-asa ka pa, Kaya Kung ako sayo eh sisimulan ko nang gumalaw ngayon" napatango na lang ako,bakit Kaya hindi man lang sya nagka boyfriend, sa ganda naman kase nya imposibleng wala.

Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon