Chapter 17

1.4K 100 6
                                    

Pangalawang araw ko na na hindi pinapansin si Trina dahil sa nalaman ko na lang din na nililigawan na nga sya ni Joseph. Nasaktan ako nang malaman ko yun Kay Tury, yung confidence ko ay bigla na lamang nawala dahil Doon.

Simula lang din nung araw na yun ay nagbago na ang lahat, hindi rin ako pinapansin ni Trina na mas lalong nagpadown saakin. Akala ko pa naman may chance ako, na gusto nya rin ako, pero ako lang Pala talaga itong assuming dahil Kita ko ngayon Kung Paano sya ngumiti Kay Joseph na hindi nya kailan man pinakita saakin.

Hindi kami sumabay sa kanila sa table nila kahit na pinilit kami nung dalawa, lunch time ngayon at magkasama kami ngayon ni Tury sa isang maliit na bilugang table. Gusto nya rin sana doon pero dahil broken hearted ako ngayon ay sinamahan nya ako, hindi muna sya nang-asar dahil Alam nyang wala ako sa mood, Kaya tahimik lang syang kumakain habang may katext/chat, Alam ko na Kung sino dahil may hawak rin na phone si Jane habang kumakain, ako kase ang nakaharap sa kanila Kaya kita ko Kung Paano magpalitan ng message ang dalawang toh.

Wala namang nakekwento saakin si tury tungkol sa kanila, pero Alam Kong may something sa dalawang ito. Nirerespeto ko naman si tury Kung hindi nya man ishare. Hindi naman ako mapilit, hinahayaan ko na lang sya dahil Alam Kong magkwkwento rin naman sya.

Napasulyap naman ako sa dalawa, kina Trina na nakatalikod habang nag-uusap sila ni Otep, oo nickname nya yan, mas bagay sa kanya yung Otep kesa sa Joseph.

Tsk. May pahampas hampas pa sa balikat ng Otep na yun, ang landi.

Nakatitig lang ako sa kanya, naramdaman nya siguro na may nakatingin sa kanya Kaya lumingon sya. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang tingin naming dalawa, hindi ako umiwas ng tingin, isang minuto rin Ata ang tinagal ng titigan moment namin ng mag-iwas na sya ng tingin, hindi nya ako sinamaan ng tingin pero inirapan nya naman ako. Napangiti naman ako dahil Doon, namiss ko sya Lalo na yung pagsusungit nya,kaya napagdesisyunan kong titigilan na ang kaartehan ko at kakausapin ko na sya.

Hindi na ako makapaghintay na mag-uwian, itaboy nya man ako ay wala akong makialam, basta kukulitin ko sya mamaya, Gusto ko sya at gagawin ko ang lahat Para magustuhan nya rin ako. Hindi ako papayag na mapunta sya sa lalaking yan, di hamak na mas bagay naman kami.

Maliit man ang chance na magustuhan nya ako pero walang impossible sa taong motivated, di ba? Hahaha

Agad kong Sinabi Kay tury yung Plano ko na liligawan ko si Trina. Sinabi nya pang tutulungan nya ako pero tumanggi ako dahil gusto kong gawin ito ng mag-Isa. At Isa pa ang pinoproblema ko ngayon Kung Paano ako magcoconfess.

Naku naman po. Hayst.

"Goodluck par, kami na ang bahala Kay Joseph wag kang mag-alala, sabihin mo na ang nararamdaman mo Para sa kanya bago pa mahuli ang lahat" napatango na lang ako sa Sinabi nya. Ngayon ko kaseng naisipan na mag confess, Kaya ang gagawin nila ay ilalayo si Trina Kay Joseph, kunware ay magpapasama si ally mag cr Kay Trina habang sila tury naman ay ieentertain si Joseph sa labas, tapos ako ay susunod kina ally.
Papaunahin nila kaming umuwi.

Agad naman silang pumasok sa cr na sinundan ko naman, nagulat pa si Trina ng makita nya ako pero dinaan nya naman ulit sa taray tsaka inalis ang tingin saakin. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa ng hilahin ko sya palabas.

Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon