Chapter 19

1.5K 111 17
                                    

Agad kong ibinalita Kay Tury yung nangyari at masaya sya sa naging resulta, nagbiro pa na manlilibre daw ako dahil successful daw pero kahit hindi nya man sabihin ay gagawin ko talaga dahil Kung hindi rin naman dahil sa kanila ay hindi ko magagawa yun.

Andito ako ngayon sa kwarto ko, kakatapos ko lang kumain at nagpapahinga saglit. Naisipan ko namang magbukas ng account ko, ilang araw na Pala na hindi ko man lang nabisita yung Facebook ko.

Pagkabukas ko ay una kong pinuntahan ay ang account ni Trina, hindi ko pa Pala sya friend dito Kaya naman pinindot ko na ang addfriend, hindi pa man kami magkaibigan eh kahit dito man lang Sana ay pagbigyan nya na ako.

Inistalk ko muna sya at nakita ko ngang nagpalit sya nga bagong profile picture, nakita ko naman kung gaano kadami yung reacts nya, 200 heart reacts 20 minutes pa lang ang nakakalipas, sya na ang sikat. Ang Dyosa naman kase ng babaeng toh. Nakamake up sya sa picture nya na Naka fierce look, light lang yung nilagay nya pero mas lalong nagpadagdag ito ng kagandahan nya.

Nagtagal ako ng ilang minuto sa pagtitig sa picture nya, Kung ice cream lang sya siguradong kanina pa sya tunaw. Sinave ko naman yun sa phone ko, Para kung hindi nya man ako sagutin ay kukulamin ko na lang sya hahahha joke lang.

Wala na akong masyadong nakitang bago nyang post dahil mukhang busy din sya sa school. Stem pa naman yung strand nya. Hindi tulad samin chill chill lang, magpapanic na lang kami kapag examinations or may quiz Ganon.

Bigla ko naman nakita na lumitaw yung green dot sa profile nya sinyales na online sya, agad naman akong nag compose ng message sa kanya.

Ako: Hi baby☺️

Natawa pa ako dahil sa kalokohan ko, sigurado kung kaharap ko lang sya ay malamang nakatanggap na ako ng hampas sa kanya sabayan nya pa ng nakakamatay nyang tingin. Agad naman syang nagreply.

Sya: baby mo mukha mo!

Ako: sungit, gawa mo po?

Sya:???

Ako: Trina? Uy!

Ako: Trina

Ako: Trina

Ako: Trina

Ako: Trina

Sya: ano ba!? Ang kulit mo.

Ako: sorry, yung puso ko kase hindi mapigilang isigaw ang pangalan mo.

Sya: tigilan mo nga yang kakornihan mo, nakakasuka, matulog ka na lang.

Ako: uyy, concern sya sakin.

Sya: 👍

Ako: yieeee, like mo na ako? Hahahha

Sya: kapal!

Ako: Trina, album ka ba?

Sya: hindi

Ako: tsk. Sabihin mo "bakor?"

Ako: *bakit

Sya: bakor?.

Ako: bakit kase, namali lang eh.

Sya: bakor

Ako: tsk. Wag na nga lang😑

Sya: hahahahh

Kinilig naman ako dahil sa reply nya, napatawa ko sya. Isang himala.

Ako: Trina, Alam mo Para Kang kulangot, you're so hard to get.

Sya: 😠kulangot mo mukha mo! Wag mo na akong iChat bwisit ka!

Ang babaw naman nya, tsk. Kung di ko lang sya crush eh, pick up line kase yun.

Ako: luh?

Ako: luhbyuuu!

Ako: uy sorry na, pick up line kase yun. Pstttt..

Ilang minuto ang lumipas pero hindi na sya nagreply, panget ka bonding neto.

Ako: Goodnight Trina.

Huling chat ko bago ako mag out. Late na rin Pala makatulog na nga.

Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon