Special Chapter

1.8K 132 32
                                    

A/N: ngayon malalaman nyo na Kung bakit masama lagi tingin ni Trina Kay Eri. Medyo mahaba itong special chap. Sana mag enjoy kayo. At gusto ko lang magpasalamat sa patuloy na nagbabasa, at sa mga nagvovote and thank you din sa mga comments nyo. Hindi ko na kayo imemention pero maraming salamat, natutuwa talaga akong binabasa comments nyo . Thank you sa 16k reads labyuu mga baccla. 😘Kahit ang lame ng story ko proud ako dahil natapos ko 'to ackkkk.. Maraming salamat ulit. ❤️

Sana naaalala nyo pa sila hahahhaha.. Doon naman ako magfofocus sa Isa, Sana mabasa nyo rin yung isa kong story. Enjoy!




_________________

Trina's POV.

10 years ago******

"Trina halika na maglalaro na tayo ng Tagu-Taguan." Rinig kong sigaw ni Tury sa labas ng bahay namin. Kaya Dali Dali kong tinapos ang pagkain ko. Punong puno ang bibig na para ng sinisilihan yung pwet ko dahil gusto ko nang lumabas.

Ala-sais palang ng Gabi pero eto ako naghahapunan na. Lagi akong nauunang pinapakain ni mama dahil maaga din akong natutulog.

Pagkatapos ko ay agad akong nagpaalam Kay mama. Natuwa naman ako nang pumayag ito, pero bago 'yon ay pinagsabihan nya muna ako na h'wag lalayo at dito lamang sa harap ng bahay namin.

Malapad ang ngiti na lumabas ako ng bahay. Sinalubong naman ako ni Tury na may ngiti sa labi.

"Ang tagal mo naman Trina, paVIP ka lagi ehhh." Sabi nito na ikinatawa ko nalang at hindi na nagkomento pa.

Pinasadahan ko naman ng tingin yung ilang kalaro namin. Si Yuna, Patrick, Khim, Tin, Tero at si Eri. Mga taga dito lang din sila sa barangay namin, pero tanging si Eri lang yung mas malapit saamin dahil magkaharap lang naman ang mga bahay namin.

Nakangiti akong lumapit sa kanila Para bumati.

"Hi Eri, sorry Kung pinaghintay ko kayo." nahihiyang Sabi ko dito. Pero sa halip na sagutin ay nginitian nya lang din ako.

"Oh sya Tama na yan, magsimula na tayo." singit ni Tury Kaya sabay sabay naman kaming Napa sige.

Nakasimangot na nagbibilang ako ngayon. Paano naman kase ay ako na naman ang Taya. Lagi nalang ako, kainis! Hindi ko tuloy sya makakasama.

"Makabilang ako ng tatlo ay dapat nakatago na kayo. Isa! Dalawa! Tatlo! Game! " sigaw ko saka umalis mula sa pagkakatayo sa gilid ng pader na nakatakip yung mga mata ko. Inalis ko din ito agad tsaka nilibot ang paningin sa paligid.

"Hmmm.. Nasaan Kaya sila?!" Sabi ko sa sarili habang naglalakad patungo sa halamanan. Siguradong dito sila magtatago Kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Sa wakas may madadakip na ako.

Dahan dahan akong naglakad Para silipin ito.

"Huli ka!" sigaw ko pero agad din nawala ang ngiti ko nang wala akong madatnang tao. Tsk, kainis!

Pinuntahan ko ang pwede nilang pagtaguan, mula sa likod ng mga puno, poste, mga halaman pero bigong wala akong natagpuan.

"Nasaan na ba kayo? Uuwi na ako sige pag hindi kayo lumabas!"

Inaantay ko na may sumulpot pero wala. Uuwi nalang Sana ako dahil naiinis na ako nang may marinig akong mahinang tawa hindi kalayuan sa pwesto ko.

Dahil Doon ay Para akong nabuhayan ng loob Kaya agad kong sinunod ang tunog na yun.

" Gugulatin ko sila. " natatawang Sabi ko sa isipan. Palapit na ako sa isang puno na hindi ko man lang naisipang icheck. Rinig ko naman ang pagsita ng isang boses sa kasama nito. Yung isa kase humahagikhik ng mahina.

Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon