"Trina" tawag pansin ko sa katabi ko na kanina pa ako hindi pinapansin, malapit na kami sa school, pero abala naman sya sa phone nya.
Hindi nya ako nilingon or tinapunan man lang ng pansin, Kaya napasimangot naman ako. Di bale sasabihin ko na lang ang pakay ko, iinvite ko sya na pumunta sa bahay sa birthday ko, Sana pumunta sya.
Wala na atang mas sasaya pa kesa saakin Kung mangyayari yun, never na kase syang pumunta sa bahay kapag may okasyon kahit magkapitbahay lang naman kami, dinadahilan nya lagi na busy sya, nalalaman ko lang din Kay tita kase tinatanong ko kapag nag aattend naman siya.
"gusto Sana kitang imbitahin sa birthday ko sa Sunday, Sana pumunta ka" Sabi ko na syang ikinatingin nya saakin, walang emosyon ang mukha nya, nakatitig lang sya Kaya namula naman ako, napaiwas naman ako ng tingin dahil bigla akong nailang sa tingin nya ngayon.
"ok" bigla akong nagbaling ng tingin sa kanya dahil sa Sinabi nya. Kaya hindi ko napigilang mapayakap sa kanya dahil sa tuwa, nabigla naman sya Ganon na rin ako Kaya agad akong napabitaw.
"s-sorry, masaya lang ako, thank you" Sabi ko na medyo nakayuko, grabe nakakahiya ka talaga self, Paano Kung biglang magbago yung isip nya?! Hayst.
Wala naman na syang Sinabi Kaya tumahimik na lang din ako.
Nang makarating kami sa harap ng room nila ay kinausap ko na rin yung dalawa nyang kaibigan Para imbitahin, natuwa naman sila at pumayag. Naging close ko na rin naman sila dahil na rin Kay Tury. Nagpaalam na ako Kay Trina na aalis na, na sinagot naman nya ng simpleng tango lang.
__________
Vacant kami ngayon sa isang subject at naisipan namin na tumambay na lang muna sa cafeteria sakto na nagugutom na rin naman ako tsaka ililibre ko pa Pala si Tury, sayang nga lang dahil wala yung dalawa, di bale sa susunod na lang.
Fishball at siomai ang binili ko Ganon na rin Kay tury, bigla kong naalala si Trina sa siomai, Napangiti na lamang ako.
"naku malala ka na, ngumingiti na mag-Isa, delikado na" naagaw naman ang atensyon ko ng magsalita si tury, hindi sya nakatingin saakin kundi sa phone nya.
"sinong kausap mo?" tanong ko, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"ikaw"
"ako? Pero sa selpon nya nakatingin, nandyan ba mukha ko?"
"hahahha pffttt..sorry naman inistalk ko kase bebe ko" nairap naman ako sa Sinabi nya.
"sino yan? Grabe ah hindi man lang nagkwkento, anong meron Pala sainyo ni Jane? wag ka nang magkaila dahil halata naman sainyo"
"tampurorot ka naman dyan?! Hahhaha sorry naman par, nakalimutan ko sabihin, ahm.. Nililigawan ko na rin si Jane" hindi na ako nagtaka pa dahil Alam Kong matagal nya na ring crush yun, hindi nya lang talaga pinormahan dati dahil Isa din naman syang duwag, Kaya nga magkaibigan kami.
Kinwento nya naman Kung anong nangyari sa kanila, Kung Paano nagsimula at Paano nya napapayag ligawan nya si Jane. Hindi naman Pala interesting, grabe makapashowbiz eh hahahha char.
Mabilis lang din lumipas ang oras, at ngayon sabay sabay kami pauwi, wala ng pasok bukas dahil sabado. Hinanap ko naman ang isang asungot dahil hindi ko Ata nakita ngayon. Lumapit naman sakin si Claire na ipinagtaka ko,kilala ko na sya dahil sa kanya ko minsan pinapasuyo ang binibigay ko Para Kay trina, bumulong sya na "absent wag mo ng hanapin" naku, buti naman. Napangiti nalang ako sa kanya ng tipid dahil sinagot nya yung tanong ko. Sya kase ang unang lumabas sa room, Kaya naman nilikot ko na ang mata ko Para hanapin yung Isa at saktong huminto sa kanya yung searching eyes ko.
Bigla akong napalunok ng makita ko na ang Sama ng tingin nya saakin ngayon.

BINABASA MO ANG
Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStory
AléatoireBata pa lang ako Alam ko na sa sarili ko na kakaiba ako, kakaiba sa paraan na iba ang nagugustuhan ko, na imbes na lalaki ay sa babae ako nagkakagusto. Isa na doon si Trina, ang kapitbahay namin na ubod ng sungit na sa tuwing makikita or makakasalub...