Ngayong araw na toh sisimulan ko na ang Plano kong makipag ayos sa kanya. Tamang Tama online sya, nakita ko kaseng may greendot sa profile nya na nasa messenger ko.
:Hi!
Tamang Hi na lang muna, Inantay kong magreply sya pero wala, sineen lang ako, panget kabonding.
Pero hindi ako titigil hanggat hindi sya nagrereply. Eto na ang chance ko Para gawin toh, Kaya naman tinadtad ko sya ng Hi at Hello na mukhang effective dahil typing na sya. Mukhang nainis na.
Sya: Ano bang problema mo ah!?😠
:wala naman, sorry gusto lang naman kita makausap.
Sya: sorry mo mukha mo! nakakaumay na yang kakasorry mo.
:may gusto lang akong itanong, bakit ba galit na galit ka sakin?
Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, dahil gusto ko rin talaga malaman yung dahilan nya sa mga pinupukol nyang masamang tingin lagi saakin, kahit Wala naman akong ginagawa sa kanya.
Sya: tanong mo sa pagong.
Ang Saya kausap, grabe. Mukhang nahawaan na ni Tury sa pagkapilosopo.
:gusto ko lang naman makipag-ayos sayo, Kung ano mang nagawa ko Sayo ay humihingi ako ng pansensya.
Matapos kong magsend ay Inantay ko syang magreply pero mukhang hindi na sya magrereply dahil ilang minuto na rin ang lumipas matapos nyang iseen. Hayst ayaw nya ba akong maging kaibigan?!
Mag aout na Sana ako nang bigla syang magreply, pero ang Saya lang ng sagot nya, na touch ako grabe.
Sya: edi wow.
Sa pagkakataong ito ay hindi na nga ako nagreply pa, hindi ko Alam kung maiinis ba ako sa kanya o matutuwa dahil nakipag-usap din sya sakin kahit na nakakaasar yung mga sagot nya.
Hay, makatulog na nga lang.
_________________
"Hi, may softdrinks kayo?" Sabi ko sa masungit na tindera na kapitbahay namin. Wala akong magawa sa bahay Kaya sisimulan ko ulit ang pangungulit sa kanya. Hindi ko Alam pero nakakatuwang tingnan kapag naiinis sya saakin, bigla atang tumaas confidence level ko.
Ngunit isang masamang tingin na naman ang sumalubong saakin, halatang nababanas na sya sa pagmumukha ko. Kyut naman ako ah?! Swerte nga nya.
"meron" natuwa naman ako sa sagot nya, marunong naman palang kausapin ng maayos, masungit nga lang yung tono ng tinatapon nyang Salita.
"eh Coke, meron kayo?" Sabi ko na sinasalubong yung mga tingin nya, sumagot agad sya ng "meron" ulit.
"sprite?" hindi sya sumagot pero tumango lang din tsaka umirap, hindi ba sya napapagod kakairap.
"eh pep----" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang sumabat sya.
"pwede ba, wag mo ko simulan ngayon! Kung bibili ka bilisan mo!"
"sungit, Isa ngang tang orange" Sabi ko na lang, wala naman talaga akong bibilhin Sana pero baka Lalo pa syang mabadtrip dahil tanong ako ng tanong pero wala naman akong bibilhin.
"daming sinasabi eh tsk!" pabalang nya namang binigay yung Sinabi ko. Wala na akong ginawa kundi ibigay yung 50 pesos na dinala ko. Buti nalang talaga kumuha ako ng pera bago ako pumunta dito.
Sinuklian nya naman ako na kinuha ko naman, syempre Asa namang iaabot nya sakin yun. Arte, Kala mo naman may sakit ako.
Hindi pa ako umaalis dahil gusto ko pa syang kausapin. Kaya yung isa hindi maalis alis yung Sama ng tingin.
"ano pa bang hinihintay mo!?"
"Trina, may gusto lang akong sabihin" seryosong Sabi ko, napansin ko naman sa mukha nya ang pagtataka.
"Gusto kitang maging kaibigan ulit, namimiss ko na yung dati, hindi mo ba ako namimiss?"
"Alam mo, kailangan mo ng kape Para kabahan ka naman, ang kapal naman ng mukha mo Para mamiss kita" medyo nasaktan naman ako sa Sinabi nya.
"kahit kalaro mo lang, hindi? Alam mo namimiss ko yung paglalaro Natin ng tagu-taguan parang gusto ko ulit gawin Natin ,pero parang ayoko din, kase A Girl Like You Is Hard To Find".
Sabi ko na sinamahan ko pa ng kyut smile. Hindi nya Ata inaasahan yung Sinabi ko kase nabigla sya pero hindi nakalagpas sa Mata ko yung pamumula ng pisnge nya, na lalong nagpatuwa sakin pero agad namang naalis yung ngiti ko ng maramdaman ko ang isang bagay na dumapo sa mukha ko."Bwisit! Lumayas ka na nga!" langya binato ba naman ako ng tsinelas.

BINABASA MO ANG
Tagu-Taguan(GXG) (Completed) ShortStory
De TodoBata pa lang ako Alam ko na sa sarili ko na kakaiba ako, kakaiba sa paraan na iba ang nagugustuhan ko, na imbes na lalaki ay sa babae ako nagkakagusto. Isa na doon si Trina, ang kapitbahay namin na ubod ng sungit na sa tuwing makikita or makakasalub...