Samantha Icey's PoV
Nagmamaneho ngayon si Ivan habang ako patingin tingin lang sa dinadaanan namin.
Pagkarating namin ay agad kaming pumasok sa bahay.
"Anong oras na Ivan?" Tanong ko sakanya.
"11; 50 love." Sabi niya.
"Hintayin muna natin dumating si Kuya Andrew siya kasi yung magsusundo sa mga bata." Sabi ko.
"Okay lang." Nakangiting sabi niya.
Namiss ko yung ngiti niya. Pero di ko masabi.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ko sakanya.
"Oo love eh." Sabi niya.
"Idi bumali ka ng kakainin mo." Kunyaring naiinis na sabi ko.
"Ikaw nalang ang bibilhin ko at ikaw ang kakainin ko pero kapag nabili na kita ayaw kong may ibang lalandi sayo." Sabi niya saakin.
"Baliw." Sabi ko sakanya.
"Wala kayong maid dito?" Sabi niya.
"Meron isa." Sabi ko.
"Nasaan?" Tanong niya.
"Pinalayas ko na." Sabi ko.
"Talaga?" Tanong niya.
"Syempre hindi, wala na nga siyang kasama sa buhay no kasama niya ngayon si K.uya Andrew susunduin kasi nila si Akirra at Akinna." Sabi ko.
"Wow! Ang ganda ng pangalan ng kambal natin." Sabi niya.
"Syempre, maganda yung nagpangalan." Sabi ko.
"Sa susunod na anak natin love, dapat lalaki." Sabi niya.
"Baliw kana, wag mo nga akong tawaging love." Sabi ko pero deep inside nakikilig na ako.
"Pakipot kapa saakin lang din naman bagsak mo" Sabi niya sabay kindat.
"Di ka pa nga nanliligaw." Sabi ko.
"Kailangan ba yun may anak na kaya tayo" Inosenteng sabi niya parang batang nagpapa-cute saakin.
Agad ko naman siyang binatukan.
"Aray naman love eh, di ko alam manligaw" Sabi niya.
"Sabagay babae nga pala nanliligaw sayo noon." Sabi ko.
"Pero para sayo love, liligawan kita kahit di ko alam." Sabi niya.
"Wag puro salita Ivan, gawin mo." Sabi ko.
"So Ms. Marindoque pwede ka bang ligawan ng nag iisang poge sa mundo na si Ivan?" Tanong niya.
"Oo naman, wag kang mambabae habang nililigawan mo ako ipapabugbog kita sa kuya Andrew ko at sa mga alagad mo plus na yung fans ko." Sabi niya.
"Bat naman ako mambabae kung ikaw lang ang tinitibok ng gwapo kung puso." Sabi niya..
Kahit kailan talaga ang galing magpakilig ng hayop.
•
ANDREW'S POV
Pauwi na kami ngayon katabi ko siya manang Carmena, habang ang dalawa nagtatalo.
Nakasunod saamin Bro Andrei, gusto niya kasi makita si Sam.
"Tomboy na badoy." Tawag ni Akirra kay Akinna.
"Oh bakit Maarte na pangit?" Bored na tanong ni Akinna.
"Naka-sabay ko kanina si Clyde." Sabi niya.
"Ah yung crush mong anak ng dating Actress na si Mrs. Jhacinth Yel Paralejo?" Tanong ni Akinna.
"Luh, paano mo nalaman." Sabi niya.
"Sekreto ng mga poge." Sabi ni Akinna.
"G*gs, dapat sekreto ng mga tomboy." Sabi ni Akirra.
"Pfft. Wag na nga kayong magtatalo bawal yan haha." Sabi ko.
"Agree ako kay Tito Andrew niyo." Sabi ni Manang Carmena.
"Si Akirra po nauna Manang eh." Sabi Akinna.
"Anong ako, ikaw kaya." Sabi niya.
"Aminin mo na bro." Cool na sabi ni Akinna.
Hysst kailan kaya magiging girly itong pamangking kong si Akinna.
Pagkarating namin ay bumaba na kami sa kotse ko. Teka kaninong kotse to?
Parang pamilyar to saakin ah. Hysst baka bumili ng bago si lil sis, mayayamanin pa naman yun basta maganda sa paningin niya bibilhin niya agad.
Nakauwi na siguro siya may susi naman siya eh.
Agad kong binuksan ang gate at pinauna ko sina manang at ang kambal bago ako sumunod at si Andrei ang nagsara.
Agad na binuksan ni Manang Carmena ang pinto dahil nakabukas naman yun dahil nandito na si Sam.
Pagkapasok namin ay nagulat ako dahil nakita kong magkasama sina Brayden at Sam.
"Brayden." Sabay na bulong namin ni Andrei.
"Daddy." Bulong ni Akinna.
"Daddy?" Tanong ni Akirra.
"Oo kambal ,siya si Daddy." Sabi ni Akinna.
Teka! Paano nalaman ni Akinna. Nagkita na ba sila?
"Akinna, paano mo nalaman?" Tanong ni Sis.
"Cris told me, mom." Sabi ni Akinna.
"Bakit parang ako lang ang walang alam?" Tanong ni Akirra.
"Di mo naman tinanong saakin bro." Cool na sabi ni Akinna.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo twin na, wag mo ako mo akong tawagin Bro, masyadong maganda ang face ko para matawag na bro." Masungit na sabi ni Akirra.
"Arte talaga tsk." Masungit na sabi ni Akinna.
"Mommy, totoo ba siya po yung Daddy namin?" Tanong ni Akirra.
"Yes baby." Sabi ni Sis.
Wow! Magkabati na ba sila. Rupok ni sis ah sabi niya wala na siyang gusto kay Brayden.
Pero sabagay wala naman siyang sinabi na di na niya mahal si Brayden.
__Don't forget to vote, comment, and share pbstars❣️✨
Thank you for reading.
Fb; Princess Bea Velasquez
Fbpage; Shinelikeastar_13
YOU ARE READING
The Ex-Wife Of The Billionaire Playboy
Teen FictionSi Samantha Icey Maridoque ang dating asawa ng sikat na babaero noon sa campus nila siya si Brayden Ivan Meller. Nag hiwalay sila dahil labis na nasaktan si Icey noong nakita niyang may babae ang asawa. Umasa siya na magugustuhan siya ni Ivan pero u...