EPILOGUE

7 3 0
                                    

"Baby come here." Tawag sa'kin ni Zavier pagkarating na pagkarating ko sa classroom namin. By the way, kami na and everyone's just so jealous about us.

Pagkalapit ko sa kanya ay mabilis ko siyang ginawaran ng kiss sa cheeks.

"I miss you." Malambing na bulong niya sa tainga ko. Nawala lang ako ng 5 mins miss na niya ako? Ehe.

"I miss you more." I said tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Sana all!!" Bigla kong narinig ang bulyaw ni Zyre na nasa likuran lang pala namin. Oh well I didn't notice, ganun pala talaga nu. Kapag inlove ka, hindi mo na napapansin ang ibang bagay. Tanging siya at siya lang nakikita mo. Sakanya lang natuon atensyon mo. Ewan ko ba, sa haba ng panahon na school mate ko siya sa school na 'to wala talaga akong pakialam sa kanya. Masyado akong busy sa sarili ko.

In fact, I don't really like him. For me, normal lang na hindi ko siya pinapansin sa school like sino ba naman siya. And now, I just can't believe na kami na. 'Yung dating ayaw ko, gustong gusto ko na.

Mahal ko na pala, to be more precise.

"May klase po tayo mamaya paalala lang, hindi ito motel guys." Paalala ni Zyre na naka akbay na ngayon kay Ezra. Mabilis namang ginawaran ng suntok sa mukha ni Ezra si Zyre.

"Aray naman mahal!" Reklamo ni Zyre.

"Mahal mo mukha mo." Sabay irap ni Ezra. Kunware pa 'to e halata namang nagugustuhan niya na rin mga kalokohan ni Zyre.

"Mas mahal kita." Banat ni Zyre tsaka naman sabay sabay na nagbulyawan mga classmate kong mga uto uto.

Nakitawa na rin kami ni Zavier ng makitang bigyan pa ulit ng isang sapak ni Ezra si Zyre hanggang sa mabugbog na siya nito.

You see, love is always on the way. We all have different languages and sometimes we don't even notice it. As for Ezra, maybe she can feel it already and what she's currently doing? That's her way of showing her love for him. And as for me, the days when I was stalking my love was actually my steps, the process of developing my feelings for him. 'Yung mismong time pa lang na inistalk ko siya, doon palang e. Masasabi mo na interesado ako sa kanya because I wouldn't be doing that if I don't. We always have a choice in everything. And I made my decision, to stalk him and to get to know him as well.

Or maybe, it was all meant to be like this. To fulfill our hearts.

And I'm so happy.

Back then, I thought I'd never actually date someone. But I was wrong. Kasi ngayon, may katabi na ako. May kayakap. Masarap pala sa feeling, 'yung may nagmamahal sa'yo, sa'kin, 'yung tanggap ako kahit na minsan maarte ako. Selosa ako masyado, sensitive, naiintindihan niya ako at hindi siya nagsasawang intindihin ako palagi. His warm embrace and his every gaze to mine.

Ngayon ko lang narealize na hindi pala cringe mga 'to, kasi before I thought kajejehan lang lahat ng ito. Pero ng maranasan ko na, especially sa kanya. Parang ayaw ko ng tigilan.

Yup, high school pa lang ako. But it doesn't matter. I want to be with man forever.

Anyway, masyado na akong madrama. Sinabi ko na yata lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Wala e, tinamaan ako sa impakto.

Sa isang Zavier Austin na mahal ng dyosang katulad ko.

Zavier's POV:

"Bakit sa bilyon-bilyong nilalang sa Mundo ang isang Dyosang nagngangalang Hani ay nagawang mang-istalk sa isang Bad Boy na si Zavier, ang kagandahan niya ba ay tatalab sa kanyang gustong lalaki?" Paulit ulit na tanong ng asawa ko, maka limang libong tanong niya na 'yan jusko.

"Tumalab nga, may limang anak na nga tayo oh." Sagot ko sa kanya habang nagbabasa ako ng dyaryo.

"Oh ba't parang galit ka." Tampo niya.

"Hala hindi mahal, sinasabi ko lang."

"Galit ka e, hindi mo na ako love." Nag pout pa nga. Jusko, mag asawa na't lahat e, ang ganda pa rin.

"Hindi mahal."

"Galit."

"Hindi nga, I love you." Malambing kong sabi.

Agad kong nakita ang ngiti niya.

"Rupok." Asar ko tsaka ako tumawa ng malakas.

Inirapan niya ako ng mabilis at nag walk out.
Lumakas lalo ang tawa ko tsaka ko siya hinabol.

"Impakto lumayo ka!" Inalis niya pagkakayakap ko sa baywang niya.

"Biro lang naman ostrich."

"Ano sabi mo?" Inis niyang tugon.

"Ostrich."

"IMPAKTO!" Bulyaw niya tsaka ako iniwan.

"Magandang ostrich ka naman ahh." Pahabol ko.

"Impakto!!" Rinig ko, oh well. Nasa akin ang huling halakhak.

The end.









 Stalking The BadBoy Where stories live. Discover now