MISSION 14: ALY'S BIRTHDAY

272 20 4
                                    

"Gusto ko ng umuwi!" bulyaw ko kay Zavier, kanina ko pa sya kinukulit na gusto ko ng umuwi pero ayaw nya at ang dami dami nyang dahilan. Nung nagpunta naman kami sa M.E.S wala na namang tao, for goodness sake, today is Aly's birthday and she's finally 17 na, kailangan nandoon ako. Nakaka-ilang rejected calls na nga ako kay Aly eh baka mamaya galit na 'yun sa'kin.

4th day na namin at wala namang magandang nangyayari eh.

"tsk uuwi na talaga ako!" pagmamaktol ko sa lalaking walang alam gawin kundi ang kumain ng chips habang hinahagod patalikod ang kanyang buhok, hindi ka si Park Jimin!

At dahil sa wala naman yata syang balak tumayo sa kama habang nakahilata, umaga palang kasi at kakapaligo ko palang ng maabutan ko syang pasarap-sarap lang.

Tinalikuran ko na sya at iginayak ang mga gamit ko. Narinig ko namang pinatay nya 'yung tv kaya tinignan ko sya, aba at nakatitig sya sa'kin. Nasa sofa ako at inaayos na lahat lahat. I don't want to stay here anymore, ayoko ng makasama pa ang isang impakto!

"What?" irita kong tanong sa kanya, iniwas nya naman 'yung tingin nya tapos inirapan pa ako bago sya tumayo. Nag-suot sya ng jacket tapos naupo sa edge ng kama.

Pinabayaan ko nalang sya then I continue packing my things.

Ng palabas na ako, nakita ko naman na sumusunod sa'kin si impakto. Aba at wag nyang sabihing sasama sya sa'kin?

"At saan ka pupunta?"

"Aly invited me." pagkasabi nya nun, hindi ko inaasahang nanlaki ang mata ko. Paanong iimbitahan sya ni Aly? and excuse me? Close ba sila? Ni hindi ko nga sila nakikitang nag-uusap at isa pa hindi sya type ni Aly no scratch that-hinding hindi sya magiging type ni Aly dahil ang mga katulad ng hermiones ay 'low class' lang daw, and according to Aly pagdating sa lalaki ang unang una daw na dapat na tignan ay ang dating, kung ang dating ng isang tao ay for example. Like Zavier 'yung dating nya; dating impakto, dating gag* mukhang gag*, parang gag*, dakilang impakto at IMPAKTO! IMPAKTO! DAKILANG IMPAKTO!

Hindi nyo rin ako masisisi kung bakit ang laki ng galit ko sa kanya, kahit nga ako eh, hindi ko rin alam kung bakit ako galit sa kanya, paano ba kasing hindi?? He always tease me??

Buong buhay ko pagdating sa mga lalaki, wild ako. Even flirting tricks are not my thing, talagang sila na lang 'tong nababaliw sa pagka-dyosa ko.

"Seriously?" I even laugh in front of him, sa sobrang tawa ko naluha pa ako. Muntik ko na ngang ibalibag 'yung maleta ko eh, oh d'ba? maleta eh isang linggo lang kami rito.

"Yep, gotta go." pagkasabi nya nun ay nilayasan na nya ako. Btw kaya balak ko ng umuwi dahil nga. I need more cash!!! Nag-shopping kasi ako kahapon before kaming umuwi ni Impakto, kaya kailangan ko ng umuwi dahil certainly I need a lot of money, god ni pamasahe nga eh wala ako. What!? omg wala nga pala akong money to go home, what should I do?

Agad akong lumabas para habulin si Zavier, takbo na ako ng takbo pero hindi ko sya makita. Pagdating ko sa harap ng elevator, pindut ako ng pindut pero ayaw naman. Don't tell na kailangan kong gamitin ang stairs? Okay kailangan ko na talaga baka maiwan na nya ako!!!!

Hingal na hingal akong nakababa sa groundfloor, Yayks wala na sya?? Napaluhod nalang ako, wala akong paki kahit nasa gitna na ako ng kawalan. Maraming tumitingin sa'kin pero hindi ko sila pinansin. Hindi nila alam ang nararamdaman ko, bumaba ako sa hagdan with matching buht buhat ang mabigat kong maleta na galing pa ng California, mahal din bag na 'to, kahit na hindi sya gucci.

Napaluha nalang ako, siguro talagang hindi na ako makakauwi, hindi na rin ako makakapag-check in dahil wala na nga akong money. It's either I'm going to die or to die!! Huhuhu susunod na ba ako kay Mom? baka mamaya ipatapon na ako ng mga staff dito dahil baka maging beggar ako, uwaaa my dyosa face.

 Stalking The BadBoy Where stories live. Discover now