It was so early in the morning ng tawagan ako ni Zavier, yes nagkaroon ako ng number nya dahil ibinigay sa akin ni Ezra! I'm so pissed ano na ba ang nangyayari? Feeling ko na-set up kami eh, well kinakabahan na talaga ako dahil hindi naman talaga ako marunong sumayaw, ni hindi ko nga alam kumendeng.
So napilitan lang talaga ako na pumunta dahil ayoko namang mapahiya sa harapan ng principal at ni impakto (reffering to Zavier) dahil baka pagtawanan nya lang ako, duhhh I don't want to get embarassed.
Nasa labas na ako ng bahay ko, nagising lang talaga ako sa text ni Zavier kanina pa 'yung text nya na OTW! Hanggang ngayon wala pa rin sya, hindi nya ba alam na nagmadali talaga akong gumayak!??
To: Dakilang Impakto
WHY SO TAGAL?
Sent!
Mga ilang minuto lang may narinig na akong bumusina, nagulat pa nga ako ng lumabas si Lola toots, sht hindi nya alam 'to. Ang alam nya walang pasok well maaga palang kasi. Kung bakit kasi pinaka-lalakas ang pagbusina eh
Lumabas na ng kotse si Impakto at naka puting polo sya, tapos black ripped pants feeling pa-cool at may shades pa sya, Where's the sun?
"Hani anong ginagawa dito ni Zavier? nililigawan ka ba nya?" tanong sa akin ni Lola, papunta na sa harapan namin ang impakto.
"Hindi po lola-"
"Good morning po, Mrs. Zerial." napa-ngiwi ako, kilala nya ang lola ko? At anong meron?? nakipag-beso beso pa si lola kay Impakto!
"Good morning jijo aalis na ba kayo papuntang Cebu ngayon?" mas lalong nanlaki ang mata ko, bakit ba nangyayari ang mga ganito???
"Opo lola." sambit naman ni Zavier, na feeling close sa lola ko.
"Well ingatan mo ang apo ko ah." tumango naman si Impakto, naiinis na ako umagang umaga palang!
"Lola bakit kayo magkakakilala?" There you go, naitanong ko na rin kanina ko pa gustong malaman ng bongga bongga.
"Business partners natin sila my dear." Hindi pa nag-sisink in sa utak ko ang mga sinabi ni lola hanggang sa makasakay na ako sa kotse ni Impakto, bakit ba ganun?? Ngayon lang ako hindi makapag-isip ng maayos dahil sa mga nangyayari!
"BUSINESS PARTNERS??" bulyaw ko habang nagmamaneho si Zavier, wala akong paki kung nagulat sya. Pero ang paki ko ay nauntog ako dahil nai-preno nya 'yung sasakyan.
"Are you insane?? bakit ba nanggugulat ka jan? Kung gusto mong mamatay sabihin mo lang." irita nyang sabi, at sya pa ang may ganang magalit ngayon? Eh sya nga ang may kasalanan ng lahat ng 'to eh.
"Txx ikaw ang insane bakit mo pinreno huh? may galit ka ba sa'kin huh? huh?"
"I'm not insane ostrich." nagulantang ang mundo ko sa itinawag nya sa akin, hindi ako ostrich ah! Saan nya napulot 'yung pet name na 'yun ah?? IGIBUYA!
IGIBUYA (WHAT THE HELL?)
"Kung ako ostrich ikaw impakto!"
"Ostrich."
"IMPAKTO!"
"OSTRICH!"
****
Nasa Cebu na kami ni Impakto, at hanggang ngayon impakto pa rin sya. Hindi kami nagpapansinan dahil ayoko, dahil naiinis ako, dahil may jetlag pa rin ako, anong akala nyo ayos lang ako? No! Masakit pa rin ang ulo ko at nasa hotel na kami, kanina pa ako nabibwiset na nakikipag-talo sa staff nila.
"Are you serious??? Hindi kami pwedeng magkasama sa isang kwarto lang!!" bulyaw ko sa staff, kanina pa ako nahihilo.
"Ma'am sir 'yun na po talaga ang naka-reserve sa inyo. At saka puno na po talaga ng room kahit i-check nyo pa po, dalawa naman po ang bed kaya hindi naman po kayo magkatabi." sabi nung babae, 'yung impakto naman ayun hindi ko malaman kung nasaan na, kanina pa sya sa C.R eh.
YOU ARE READING
Stalking The BadBoy
Novela JuvenilStalking can be defined as the willful and repeated following, watching and/or harassing of another person. Unlike other crimes, which usually involve one act, stalking is a series of actions that occur over a period of time. Written in Filipino.