MISSION 1: MISTRUSTED

1K 39 4
                                    

Hani's POV

For you guys to know the one important rule, dapat may poise ang paglalakad, chin up and walk elegantly. I am walking here the koridor with my fabbies and my sexy uniform outfit. Fitted siya kaya kitang kita ang shape ng katawan ko, maiikli rin ang palda namin kaya kita rin ang kaputian ko. And I am also gorgeous because of my all over make-up fixed by my professional make-up artist.

Lahat ng dinadaanan ko ay nangagsilaglagan ang mga mata, mga matang pinapangarap ako na maging kanila. Malikot ang mga mata kong naghanap ng lalaki at isang lalaki lang ang bukod tanging naka agaw ng atensyon ko.

Nakaupo siya sa tapat ng koridor na nakabukaka ang mga hita at nakapatong ang dalawang braso roon. Nagtama ang mga mata naming dalawa, pero What the hell! Napakasama ng tingin niya sa akin pati na rin sa fabbies ko.

This was the first time na tinitigan ako ng masama ng isang lalaki, patuloy akong naglakad ng bigla akong mabunggo sa pintuan, it's just an accident. Nasa room na pala kami.

Expected ko na maraming mapapanganga sa Pagka-Dyosa ko. Aiish, never mind makalaglag kasi ng undies ang mga titig nila, may mukhang insecure, may mga na fafall na and so on.

By the way, let me first introduce my group, We're THE FABULOUS. What do you expect? We're all fab. Just because we're beautiful and sexy. BUT, there is one and only important thing to know before joining with us.

'You need to be Fab.'

*WINK*

I pushed the girl, who is standing in front of me. Walang galang? dadaan ang Dyosa ng Dyosa sa mga Dyosa.

"You!" then I pointed her, nanlaki ang mata niya ng makita ang mukha kong napakaDyosa.

"Get out of my way!" I yelled, umagang umaga, mahahaggard ako neto eh. Binaling ko ang tingin ko sa tatlong babaeng wannabe Fabulous someday, and trying hard to be A Dyosa like us.

Binubully pala nila si Ms. Best In Gown, este Ms. Nerdy sa haba ba naman ng palda niya, baka kung sakaling maulit ang Ms. Universe eh siya na ang manalo sa Evening Gown.

Here we go. Inaasar nila ang manang na ito? Hindi ba sila inform na kami lang ang pwedeng mang bully dito? Hindi naman kami totally bullyers but we're just saying the truth, at mga kapanipaniwala ang mga pinagsasasabi namin.

"What are you looking at Hani?" Sabi ni KeroKeroKeroPpi na ubod laki ang mata.

"I am just curious about your face, there is something wrong." I smirked while staring st her. Ang saya namang pagmasdan ang mukha niyang namumula na sa galit. Just continue that para pumanget ka pang lalo.

"Pakielamera!" sigaw naman ni Dora na napakahikli ang buhok , at dala dala ang kanyang mapa kung saan makakahanap ng mga lalaking lalandiin niya, napaka galante niya. Syempre Dora kaya may bangs.

How Cheap!

"Kami lang ang pwedeng mang bully dito, kaya ikaw Ms. Best In Gown 3001. You may go." *Flips hair*

"Hani, you must stop it baka ma haggard ka niyan." Sabi ni Ezra at hinawakan ang balikat ko. I just nod then turned back to them, syempre bago ako umalis dapat may sense at may matutunan sila.

Hani's Beauty Tip #101

"Ang kagandahan nililipasan ng oras, at ang kapangitan ipinagtitibay ng mahabang panahon."

Nagpatuloy ako sa paglakad papunta sa upuan kong nakalaan para sa aking Dyosang kagandahan, naupo na rin sila Ezra at Alynna sa gilid ko sa bandang kaliwa. Napatingin naman ako sa kanan ko at may isang nerdy cute boy ang nakasalamin na busy ata sa pagbabasa ng Libro niya.

 Stalking The BadBoy Where stories live. Discover now