page4. The girl who can't dream

6 1 0
                                    

Talagang nakakabaliw ang nangyari kagabi.

Napabangon ako sa higaan ko nang masilawan ako ng liwanag ng araw. Napadaing ako nang maramdaman ko ang sakit ng likod ko.

Takte, paniguradong nakuha ko 'tong sakit ng likod ko kagabi. 'Yung likod ko ang pinakanapuruhan sa ginawa kong acrobatic kagabi.

Pero okay lang siguro 'to, atleast hindi kami nahuli. Baka paggising nalang namin kasi isang araw binabansagan na pala kami bilang 'tresspasser ng mundo.'

Arrgh, paniguradong iiyak si Mama. Ayokong mangyari 'yun 'no.

Pagpasok ko sa loob ng classroom ay as usual nakita ko nanaman si Sunshine na nababalot ng itim na aura. Diretso nalang akong umupo sa tabi niya.

"Hoy, tresspasser." sabi niya pagkalingon niya sa akin saka siya ngumisi.

"Hoy ka din, tresspasser." sabi ko din pabalik saka din ako ngumisi.

Tatlong araw palang simula noong makilala ko ang babaeng 'to.

Rollercoaster. Ganyan kung paano ko i-describe ang karanasan ko sa kanya. Ilang araw palang kaming magkakilala pero marami na agad akong naranasan na hindi ko pa naranasan dati.

Frightening yet enjoyable. Rollercoaster.
Literal talaga na nakakatakot dahil ang gloomy ng itsura niya, wala pang buhay ang mga mata niya all the time. Nagkakaroon lang siya ng buhay kapag nasa labas siya at gumagawa ng kung anong ka-weirduhan. Ewan, pansin ko lang.

"Pst." tawag niya kaya lumingon ako sa kanya.

"Bakit?"

"Samahan mo ulit ako mamaya, ha." sabi niya. Wala sa tono niya na hinihingi niya ang permiso ko, talagang pautos talaga.

Napairap ako. "Basta huwag na doon sa building. Ayoko na maulit 'yung kagabi."

Humagikgik siya. "Sayang naman, doon pa naman sana ulit tayo pupunta."

"Seryoso?" gulat kong tanong.

"Relax lang, safe ka ngayon dahil--" hindi niya tinapos ang pagsasalita niya at nagbuntong-hininga nalang.

"Basta mamaya na, nakakapagod magsalita. Huwag mo muna akong kakausapin." sabi niya na parang pagod na siya sabay dukmo ng mukha niya sa desk.

O-kay?

Natapos ang klase ng tahimik. Yes, nang wala man lang ka-weirduhan na ginawa si Sunshine.

Nagsimula na akong iligpit ang mga gamit ko. Habang nagliligpit ay napatingin ako kay Sunshine na tahimik lang din na inilalagay ang mga gamit niya sa bag niya. Napatigil ako sa pagliligpit saka ako napaisip.

Come to think of it, pansin ko na mas gloomy siya ngayon kumpara sa dati. Saka 'yung eyebags niya ay mas lalo atang lumala.

Tumingin siya bigla sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at bumalik sa pagliligpit. Lumabas na kaming dalawa sa classroom at diretso lang ulit na naglakad palabas ng gate nang hindi man lang nag-uusap.

Nangunguna siya sa paglalakad habang ako naman ang nasa likuran niya. Sabay kaming tumawid at naglakad sa kalsada. Lakad dito, lakad doon, tapos pagmulat ko nandito na kami.

Tumigil si Sunshine kaya tumigil na din ako sa paglalakad. Pagtaas ko ng tingin ko ay nakita ko na nasa parke kami ngayon. Lumapit siya sa swing atsaka umupo doon.

Umupo ako sa bench malapit sa kanya saka siya pinagmasdan. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Palubog na ang araw. Nanatili lang kaming ganito. Hindi ko alam kung bakit pero kanina pa siyang walang kibo. Hindi rin ako nagsasalita dahil sa tingin ko ay kailangan kong hindi magsalita.

When she finally dreamsWhere stories live. Discover now