Isang linggo na ang lumipas. Ganun pa rin as usual, no talk. Walang tinginan. Ngayon ko lang na-realize na ang boring pala talaga ng araw ko kapag hindi ko siya nakakasama.
Ewan.. mukhang nasanay lang siguro ako sa ka-weirduhan niya to the point na naaapektuhan na rin ang takbo ng pamumuhay ko.
Pero anyways, the good thing here is naging close na kami ni Yen, si Pres. Ang totoo niyan ay siya na ang nakakasama ko tuwing lunch at sa uwian. Masaya din dahil may iba na akong kakilala dito sa klase namin bukod kay Sunshine. Nakaka-usap ko na rin 'yung ibang kaklase naming lalaki. Kasama ko na nga silang maglaro ng online games.
Habang nakikipag-kwentuhan sa mga kaklase ko ay pasimple akong tumingin sa gawi ni Sunshine at nakitang nakatingin siya sa cellphone niya, nags-scroll. Maya-maya ay inilabas niya ang headset niya atsaka dinukmo ang mukha sa mesa. Mukhang iidlip siya.
Napabuntong-hininga ako. Gustong-gusto ko na talaga siyang lapitan.
"Gago 'tong si Rouwi, oh. Ibang babae nanaman ang kasama." salubong sa akin ni Rohan sabay suntok sa balikat ko. Kaka-split up lang namin ni Yen nang biglang sumulpot 'tong si Rohan mula sa likuran ko.
Taka naman akong lumingon sa kanya. "Sinasabi mo?"
Napailing-iling siya. "Break na kayo ni Sunshine?" sandali akong natigilan nang marinig ko ang pangalan niya.
Sinuntok ko siya sa balikat. "Hindi kami."
"Weh?" halatang di pa naniniwala.
"Hindi nga." sagot ko sabay buntong-hininga. "Ni hindi nga niya ako pinapansin ngayon, eh. Paano magiging kami?"
"Ano ba nangyari?" tanong niya.
Napakamot ako sa ulo ko bago magsalita. "Tanda mo pa ba 'yung nangyari last week? 'Yung kaguluhan na involved si Sunshine."
Napaisip pa siya hanggang sa tumango-tango siya nang maalala 'yun.
"Oo naman syempre. Ako pa nga 'yung nanawag ng mga estudyante sa kabilang section para makasaksi ng away."
"Gago, proud ka pa niyan?" sabi ko sa kanya. Tumawa siya.
"Oh, bakit ano 'yung tungkol doon?"
"Kasi ano, in-approach ko si Sunshine after nun. Kinwento niya ang nangyari, naniwala ako pero nag-doubt pa rin ako sa kanya." muli akong napakamot sa ulo ko. "Tinanong ko siya kung paano niya naman naipasa ang project niya eh, absent siya ng dalawang araw? Saka bakit naman magsisinungaling si Pres dahil lang sa kanya? Hindi siya sumagot nun, then after that hindi na niya ako pinansin."
Pagkasabi ko noon ay bigla akong hinampas sa ulo ni Rohan. Agad ko siyang pinanlisikan ng mata.
"Gago, para saan 'yun?!"
Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin. "Kaya pala, eh."
"Huh?" taka kong tanong.
"Eh malamang magagalit talaga 'yun dahil nag-doubt ka sa kanya. Nasaktan siguro siya dahil 'yung nag-iisa na nga lang na pinagkatiwalaan niya ay hindi naniwala sa kanya." sabi niya, napatahimik ako bigla.
"Pinagkakatiwalaan niya ako?" tanong ko.
"Oo." sagot niya. "Sa tingin mo ba, bakit sa dinami-dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw ang nilalapitan niya? Edi ibig sabihin lang noon ay may tiwala siya sayo." dagdag pa niya.
Bumusina ang bus sa harapan namin kaya pareho kaming napalingon doon.
"Takte, ayan na 'yung bus." napakamot siya ng ulo. "Moment ko na sana 'to para maging cool, eh. O siya, una na ako pre." sabi niya, pero bago siya tuluyang tumuntong sa bus ay may sinabi pa siya sa akin.
YOU ARE READING
When she finally dreams
RomanceDead-Pan, Eyebags Carrier, Gloomy, that's her identity. Noong una, naw-weirduhan talaga ako sakanya pero habang tumatagal ay nasanay na din naman ako. Gustong-gusto niya nang managinip, pero hindi siya payagan ng panaginip niya. Sunshine ang pangala...