page1. The Gloomy Girl

9 1 0
                                    

First Day of School

"Pre, Pre, kamusta sa bagong klase mo? May nahanap ka bang magandang babae na natitipuhan mo?" bungad sa akin ng kaibigan kong si Torren. Kaka-start lang ng lunchbreak, nagkita kami sa cafeteria para sabay na mananghalian.

Ngayong year ay magkaiba kami ng klase. Class 3 siya, ako Class 2. Mabuti pa siya dahil kaklase pa rin niya 'yung iba pa naming tropa. Habang ako naman ay na-transport sa klaseng wala ni isa akong kilala. So, panibagong pang-aadjust nanaman ang gagawin ko.

"Tumigil ka, hindi ako katulad mo. Pero.." lumapit ako sakanya para bumulong, "Maganda 'yung President namin." sabi ko at itinaas-baba ang kilay ko. Nagtawanan kami.

Nagkulitan at nagk-kwentuhan ulit kami tulad ng nakasanayan.

Childhood friend ko ang isang 'to kaya't talagang close na close kami. Halos hindi nga kami magkahiwalay kasi lagi nalang kaming magkasama. Madalas pa nga kaming mapagkamalang mag-jowa. Yuck. Very yuck.

Anyway, ako nga pala si Rouwi. Isa lamang normal na estudyante na may katamtaman lang na abilidad. Wala namang gaanong kamangha-mangha sa akin, normal lang ang looks ko, normal lang ang utak ko saka normal lang din ang socialization skills ko.

In terms of making some new friend, medyo ekis ako doon. Awkward din ako minsan, eh. Halos lahat ata ng sumubok na makipagkaibigan sa akin ay lagi nalang na nagr-retreat. Hindi kasi ako madaldal lalo't hindi ko pa sila masyadong kilala.

Siguro, nab-bored agad sila sa akin kaya hindi na sila umuulit sa pagkausap sa akin. Medyo masakit sa feelings pero ganyan talaga. Saka hindi ako 'yung tipo na unang mag-aaproach para makipagkaibigan, hihintayin ko pa silang lumapit sa akin bago ko sila kausapin. Ang troublesome, no?

Pagdating ko sa classroom ko ay napansin kong may grupo-grupo na agad ang nabuo. Hindi pa tapos ang lunchbreak kaya malaya pa silang magkwentuhan.

Ang bilis naman nilang makabuo ng grupo.

Umupo nalang ako sa napili kong upuan. Sa pinakadulo, tabi ng bintana. Pero imbes na bakante sana ang upuan ko ay may nakaupo na doon na isang babaeng may mahabang buhok. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Pinagmasdan ko siya at nakitang halos hindi na siya gumalaw.

Teka, tao ba siya o multo? Bakit parang hindi siya gumagalaw?

Napapikit-pikit ako bago ako dahan-dahang  lumapit. Nagulat nalang ako nang makitang nasa tabing upuan na niya nakalagay ang bag ko.

"Hindi ako komportable kapag wala ako sa tabi ng bintana, kaya nilipat ko ang bag mo." sabi niya nang hindi man lang ako tinignan. Diretso pa rin siyang nakatingin sa labas.

Well, hindi rin naman ako komportable kapag hindi ako nakaupo sa tabi ng bintana.

Hay, pero sige na nga dito na lang ako. Malapit din naman ito sa bintana. Hindi naman na kasi ako makalipat dahil okupado na rin 'yung upuan sa kabila na katabi ng bintana.

Katahimikan. Mahabang katahimikan. Nanatili pa rin siyang nakatingin sa labas habang ako ay diretso lang rin na nakatingin sa harap. Hinihintay na matapos ang lunchbreak.

Teka, hindi ba sumasakit ang leeg niya? Kanina pa siya nakatingin diyan, ah.

Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at inilibot ang tingin ko sa buong classroom. Naramdaman kong parang may nakatingin sa akin kaya't lumingon ako sa kanan ko.

Laking gulat ko nalang nang makitang nakatingin ng diretso sa akin 'yung babae. As in mulat na mulat, ni hindi man lang ata siya kumurap.

S-Sadako..

When she finally dreamsWhere stories live. Discover now