"Nakatulog ka na?" tanong ko sakanya pagkadating na pagkadating ko sa loob ng classroom.
Nilingon niya ako atsaka siya bumuntong-hininga. "Isang oras lang." sagot niya.
Isang oras lang? Sayang. Pero okay na din siguro atleast nakatulog na siya kahit kunti.
"Pinakinggan mo 'yung kanta?" nae-excite kong tanong.
Tumango siya kaya napangiti ako pero agad ding nawala ang ngiti ko nang dagdagan niya ang sagot niya. "Boring."
"Wala kang taste." nakasimangot kong sabi. "Hindi kaya boring."
"Boring, kaya nga nakatulog ako eh." sabi niya, napangiti nalang ako atsaka napailing.
"Malungkot ba ang kantang 'yun?" nakakunot-noo niyang tanong.
"Gan'un mo ba siya narinig?" tinignan niya ako ng naguguluhan na tingin.
"Ano ba dapat?"
Napaisip pa ako sandali. "Well, depende sa tao. "
"Nabasa ko lang 'tong comment sa internet." panimula ko. "Sabi nila na nakadepende daw ang meaning ng kanta sa kung sino man ang makikinig dito. Halimbawa nalang ng Asleep, naririnig ko siya bilang calming song, ito 'yung kantang pinapatugtog ko kapag pagod na pagod ako at gustong makatakas sandali sa reyalidad."
"Ikaw naman ay narinig mo ito bilang isang malungkot na kanta." binaling ko ang tingin ko sakanya at diretso siyang tinitigan sa mata.
"May pinagdadaanan ka siguro ngayon 'no?" tanong ko. Nakita kong napatigil siya sa tanong ko pero agad ding nawala ang ekspresyon niya.
"Dami mong alam." sabi lang niya atsaka iniwas niya ang tingin niya sa akin at ibinaling nalang ang tingin sa labas.
Lunchbreak. As usual, kami nanaman ni Sunshine ang magkasama, ever since the day one. Hindi ko alam pero mukhang nagiging natural na sa akin na kasama ko siya palagi to the point na wala na lang sa akin kapag kasama ko siya.
At as usual.. ako nanaman ang utusan niya.
"Grape juice sabi ko hindi orange." reklamo niya sa juice na inabot ko sa kanya.
"Wala, naubusan sila. Ayan nalang." sagot ko naman at umupo na sa tapat niya.
"Sabihin mo na magsara na sila."
"Ikaw magsabi."
"Sige." nanlaki ang mata ko. Nang akmang tatayo na siya at ibubuka na ang bibig niya ay agad ko na siyang pinigilan.
Takte, mukhang sasabihin niya talaga!
Tinakpan ko ang bibig niya. "Hoy Sunshine, huwag!" pagpigil ko.
Tiningnan naman niya ako ng masama kaya't tinanggal ko agad ang kamay ko sa kanya. Lumabas na ang Sadako look niya, eh.
Tahimik lang ulit kaming kumakain nang biglang may pumulupot na braso sa leeg ko. Nagulat pa ako pero nawala agad ang gulat ko nang makita kung sino 'yun.
Si Torren.
"Ina mo Torren!" gulat kong sabi pero tinawanan lang niya ako.
"Oh, mag-jowa kayo?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Torren. Nakangiti pa siya. Tinuro niya kaming dalawa ni Sunshine.
"Wala akong jowang NPC." sagot naman ni Sunshine. (Non-playable character, normal/normie)
"Wala akong jowang multo." sagot ko din. Bigla namang humalakhak si Torren, walang pake kahit tingnan na siya ng mga tao.
"Bagay kayo." bumakas ang pagkadiri ni Sunshine sa narinig kaya muling humalakhak itong si Torren.
"Umalis ka na nga dito." pagtaboy ko sa kanya pero umiling lang siya.
YOU ARE READING
When she finally dreams
RomanceDead-Pan, Eyebags Carrier, Gloomy, that's her identity. Noong una, naw-weirduhan talaga ako sakanya pero habang tumatagal ay nasanay na din naman ako. Gustong-gusto niya nang managinip, pero hindi siya payagan ng panaginip niya. Sunshine ang pangala...