page9: Concern

7 1 0
                                    

Kinabukasan ay laking gulat ko nalang nang makita ko ang mukha ni Sunshine. Super haggard, super eyebags, at mukhang hindi pa siya nagsuklay kasi gulo-gulo ang buhok niya.

Madalas na siya ang nauunang pumasok sa klase kesa sa akin. Medyo malayo din kasi ang distansya ng bahay namin at ng eskwelahan habang siya ay isang sakayan lang at kaunting lakad nandito na siya.

Mukhang nagmadali siya ngayon sa pagpunta dito. Halata din sa itsura niya.

"Hoy.. anyare sayo Sunshine?" pagsalubong ko sa kanya nang makaupo siya sa tabi ko.

"Nakatulog ako noong ala sais, nagising ako ng 7:00." sagot niya. Nanlaki ang mata ko.

"Isang oras lang ang tulog mo?" tumango siya sa tanong ko. "Bakit ganoong oras ka natulog?"

"Ulol, hindi nga makatulog eh paano ako makakatulog sa tamang oras?" napatango ako. Oo nga pala.

"Inaantok pa ako bihira lang mangyari 'to kaya, pahiram ako ng balikat mo saglit." sabi niya. Inilapit ko naman ang balikat ko sa kanya.

Na-surpresa ako nang isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Maya-maya'y narinig ko na ang hininga niya na parang natutulog na siya. Nang silipin ko siya ay nakapikit na nga ang mata niya at natutulog na.

Napalunok ako at iniwas na lang ang tingin ko sa kanya. Huminga ako ng malalim at sinubukan na ibaling ang atensyon ko sa iba pero hindi mawala sa isipan ko si Sunshine. Ngayon ay natutulog siya sa balikat ko.

Bigla akong nakaramdam ng kaba na dati'y hindi ko naman nararamdaman kapag malapit siya sa akin. Isa pa 'tong pagbilis bigla ng tibok ng puso ko.

Bakit bigla akong naging ganito?

Ulol ka Rouwi, natutulog siya ngayon sa balikat mo dahil inaantok talaga siya. Walang ibang meaning unless gusto mong bigyan.

Napailing ako bigla. Gumalaw bigla si Sunshine kaya bigla akong bumalik sa maayos kong pwesto.

Nang nagiging komportable na ako ay bigla naman na dumating ang teacher namin, si Miss Falcon. Lumingon siya sa gawi namin at nang mapagtanto ko na nakaidlip pa rin si Sunshine sa balikat ko ay agad akong nataranta at naitulak ko bigla ang ulo niya.

"Aray." pagdaing niya. Iminulat niya ang mata niya at inangat ang tingin sa akin. Binigyan niya ako ng masamang tingin kaya't napalunok ako at binigyan siya ng peace sign.

Narinig kong nag-tsk pa siya bago siya sumandal sa upuan niya. "Ililibre mo ako mamaya ng shake." sabi niya.

Napakamot nalang ako ng ulo ko. Mapapagastos nanaman ako neto. Hay naku. Dibale, nagc-crave din naman ako ng shake ngayon.

Pinasa ko na 'yung essay ko kay Pres, pero hindi pa pinasa ni Sunshine dahil unfortunately dahil sa pagmamadali niya ay nakalimutan niyang dalhin 'yung essay niya. Kaso nga lang deadline na ngayong araw, kaya walang choice si Sunshine kundi ulitin ang ginawa niyang essay ngayon.

Last na naming subject ang P.E. ngayon at may gagawin kaming activity which is maglalaro ng basketball. Si Sunshine ayun, nag-skip para gawin ang essay niya.

Late na kaming natapos sa klase namin. Naabutan ko nalang si Sunshine na nakaupo sa sulok at nakatulalang nakatingin sa labas. Iniwas nalang niya ang tingin niya doon nang mapansing nagsisi-datingan na kaming lahat.

Lumapit ako sa kanya. "Uy Sunshine, tara na."

Lumingon siya sa akin at maya-maya'y biglang nagtakip ng ilong. Nagtaka pa ako pero nang mapagtanto ko ang gusto niyang sabihin ay napanguso ako.

"Grabe ka naman." sabi ko at inamoy ang sarili ko. Pawisan nga ako ngayon pero sa tingin ko naman ay okay pa ang amoy ko.

Naalala kong may extra shirt ako na nakalagay sa bag ko kaya kinalkal ko agad ang bag ko at kinuha 'yun. Nakakahiya din naman kung pupunta kami sa milk shake shop na ganitong pawisan ako, paniguradong madami ang tao doon.

When she finally dreamsWhere stories live. Discover now