Prologue

7 1 0
                                    

Gloomy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Gloomy. Weird.

Ganyan ko siya i-describe. Hindi lang siguro ako, kundi lahat ng mga nakakakilala sa kanya ganyan din kung paano siya i-describe.

Pilosopo, mapang-asar, weirdo, at matapang. Ilan lamang iyan sa mga katangian niya. Ni minsan hindi ako nanalo sa kanya, kapag malapit na akong manalo, biglang babaliktad ang laban at ang wakas ay siya ang magiging panalo.

Sunshine. Sikat ng araw. Liwanag. Iyan ang pangalan niya, pero nakakatawa dahil kabaliktaran ng pangalan niya ang katauhan niya. Ni wala kasing makikitang bakas ng liwanag sa kanya. Lagi nalang siyang nakatingin sa kawalan at lagi nalang na may nakapalibot sa kanyang itim na aura.

Gusto niya nang managinip. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya payagan ng panaginip niya.

Ang ironic, 'no?

When she finally dreamsWhere stories live. Discover now