page10: A little trouble

3 1 0
                                    

Pagpasok ko sa eskwelahan ay napansin ko ang kumpol-kumpol na mga tao sa tapat ng classroom namin.

Pahirapan pa bago ako tuluyang nakapasok sa classroom namin dahil nakipagsiksikan pa ako. Laking gulat ko nalang nang makita ko kung sino ang sentro ng atensyon ngayon. Si Sunshine at si President.

Tumataas-baba ang balikat ni Pres na parang umiiyak ito. Nakita ko ang marahang pag-iling ni Sunshine saka siya biglang naglakad sa upuan niya at kinuha ang bag niya sabay lakad palabas.

Nagkatinginan kami at nakita kong halata ang inis sa mukha niya. Tatawagin ko na sana siya nang bigla niya akong nilagpasan at tuluyan na ngang nakalabas sa classroom.

Sinundan ko siya ng tingin, at hahabulin ko na sana siya kaso hindi agad ako nakalabas dahil sa dami ng tao na nakiki-usosyo. Huli na nang makalabas ako dahil malayo na ang narating ni Sunshine.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ano bang nangyari?

"Hep Hep, anong kaguluhan 'to?" napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Ms. Falcon 'yun kaya nagsi-alisan agad 'yung mga taong nakiki-usosyo.

"Anong nangyari?" tanong ni Ma'am sa isang kaklase ko.

"Ma'am, nagkaroon po ng pagtatalo si Yen at si Sunshine." awtomatikong napalingon ako sa kanila nang marinig ko ang sinabi niya.

"Bakit naman?"

"Tinanggal po kasi ni Yen 'yung pangalan ni Sunshine doon sa group project dahil hindi daw po siya nagpasa ng kahit isa." paglalahad niya, "Tapos si Sunshine naman, sinabihan niyang sinungaling si Yen dahil nagpasa daw siya noong isang araw."

"Pero paano naman siya nagpasa kung absent siya ng dalawang araw? Diba?" sabi naman ng isa sa kaibigan ni Pres. Sinang-ayunan siya ng iba pa niyang kaibigan.

Pero teka, hindi ba't absent si Sunshine dahil may sakit siya? Saka gumawa naman siya ng essay niya-- err.. kaso nga lang hindi niya napasa dahil nakalimutan niya.

Napakamot ako.

"Saan si Sunshine ngayon?"

"Ma'am, kakaalis lang po niya dala ang bag niya." kumunot ang noo ni Ma'am sa narinig at napailing.

"Okay. Let's just talk about it later. Pumunta kayo sa office mamaya, Yen at Sunshine." sabi ni Ma'am saka siya lumingon sa akin.

Binigyan niya ako ng tingin na parang nagsasabing ako na ang bahala kay Sunshine. Tumango naman ako.

Hahanapin ko nalang si Sunshine mamaya. Imposible din na nakaalis agad siya dito sa eskwelahan dahil mahigpit ang mga guard at hindi basta-bastang nagpapalabas, unless may excuse letter ka.

Pagka-ring ng bell ay agad akong tumayo at kumaripas ng takbo palabas. Naunahan ko pa ngang lumabas 'yung teacher namin.

Nilibot ko ang buong eskwelahan, pumunta ako sa mga lugar na alam kong pupuntahan ni Sunshine. Knowing her, paniguradong gusto niya sa tahimik na lugar.

Pagkatapos ng ilang minutong paghahanap, ayun sa wakas, nakita ko na siya. Nakaupo siya sa isang bench at nakatingin sa pader na nasa harapan niya.

Hingal na hingal akong lumapit sa kanya at tumabi sa bench na inuupuan niya. Itong bench na inuupuan namin ngayon ay located mismo sa pinakalikod ng eskwelahan, nasa tabi ito ng pader. At dahil nga sa pinakalikod ito ng eskwelahan, kaunti lang ang pumupunta dito.

Kung mag-isa lang siguro ako dito at hindi ako nag-aalala kay Sunshine, malamang kikilabutan na ako dito. Nakakatakot din kasi 'yung atmosphere dito.

Tumikhim ako para agawin ang atensyon niya. Hindi siya lumingon sa akin pero bumuntong-hininga siya.

When she finally dreamsWhere stories live. Discover now