page14: The Night Sea

0 0 0
                                    

Sabay kaming napabuntong-hininga ni Sunshine nang makita ang kaganapan sa harapan namin ngayon. Wala kaming ibang marinig kundi ang mga tunog ng sasakyan at ang pagtama ng kung anong equipment na panggiba sa mga pader.

Kakatapos lang ng klase at napag-isipan naming pumunta ulit sa rooftop pero unfortunately, nag-umpisa na pala ang demolisyon nito na sana ay sa susunod pa na linggo pero mukhang pinabilis na nila. Marahil ay dahil doon sa pag-tresspass namin noong nakaraan.

Muli kaming napabuntong-hininga.
"Ano nang ganap?" tanong ko atsaka siya tinignan. Tulad ko ay disappointed din siya sa nakikita.

Imbes na sumagot ay tumalikod siya atsaka nag-umpisang maglakad. "Hanap tayo ng iba."

Bago ko pa ma-realize ay nandito na pala kami sa bus stop. Sakto ang pagdating ng bus. Nang tumigil ang bus sa tapat namin ay walang sabi-sabing biglang pumasok si Sunshine sa loob ng bus.

Syempre dahil nataranta ako, sumunod ako sa kanya agad. Iyun lang pagpasok namin ay wala ng bakanteng upuan. Nakita ko siyang andun sa pinakadulo at nakatayo kaya lumapit ako sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Secret. Akin na 50 pesos mo." sabi niya at inilahad sa akin ang palad niya.

Nagtataka pa ako pero inabot ko din naman 'yun. Knowing Sunshine, hindi 'yan sasagot nang matino hangga't hindi ko malalaman nang kusa ang katotohanan. 'Yung pagsagot niya laging late, kapag masyado nang obvious saka sasagot. Napaka-weirdo.

Nang lumapit sa amin 'yung konduktor, doon lang nagsalita ulit si Sunshine.
"Sa xxxx, dalawa po kami." sabi niya at inabot ang bayad.

Agad naman akong napalingon sa kanya. E, 'yung sinabi ba naman niyang destinasyon namin ay tatlong bayan pa ang lalagpasan bago makarating doon. Ibig sabihin malayo, gabi na kami makakarating.

Baliw ba siya?

"Hoy, seryoso ka?" tanong ko. Tumango siya.

"Gabi na tayo makakarating doon!" pabulong kong sigaw sa kanya.

"I-text mo na lang magulang mo. Sabihin mo overnight study, pasahan bukas ng project kamo." napakamot ako sa ulo ko dahil sa sagot niya.

"Ano ba kasi gagawin natin doon?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Tumigil ang bus at bumaba 'yung dalawang pasareho kaya agad naming inokupa ang bakanteng upuan.

"Uy Sunshine," tawag ko sa kanya pero hindi siya sumagot. Kunot-noo kong hinilig ang mukha ko para tignan ang itsura niya. Nawala ang kunot ng noo ko nang makitang papikit-pikit na siya. Mukhang inaantok na siya.

Nagbuntong-hininga na lang ako at umayos na lang sa pagkakaupo ko. Dibale na nga lang.

Kinuha ko na ang cellphone ko at sinunod na nga ang sinabi ni Sunshine. Sorry, Ma!

Ilang minuto pa ay naramdaman ko ang pagsandal niya sa balikat ko. Nagulat pa ako pero pinabayaan ko na lang din. Minsan lang siya makatulog, e.

Nararamdaman ko ang bawat paghinga niya at unconsciously, sinasabayan ko 'yung paghinga niya. Nahihirapan tuloy akong makahinga nang maayos. Tumingin ako sa kanya at nang makita ang mukha niya ay napangiti ako. Ang amo ng mukha niya kapag tulog, hindi mo aakalaing weirdo pala siya 'pag gising.

Tama nga siguro 'yung sinabi nila na kung sino pa 'yung may maamo ang mukha, sila 'yung demonyo. Si Sunshine ay isang demonyo.

Napahagikgik ako sa naisip pero tumigil  agad ako nang naramdaman ko ang paggalaw niya. Mas naging maingat na ako sa kilos ko.

Ilang minuto pa ay naramdaman ko din ang antok ko kaya nakaidlip na din ako. Nagising lang ako nang biglang mag-preno ang bus, nang tignan ko siya ay mukhang nagising din siya dahil sa paghinto ng bus.
Nang makita niya kung saan na kami ay agad siyang tumayo at hinila ako. "Andito na tayo."

When she finally dreamsWhere stories live. Discover now