So far, wala naman nangyaring weirdo. Hindi naman naging awkward ang pagpasok ko. Ganun pa rin, siya pa rin si Sunshine. First subject ay hindi na nag-discuss si Ma'am dahil binigyan nila kami ng time para matapos ang project namin.
About pala sa pagiging magkapatid nina Sunshine at Miss Falcon, hindi ko na binanggit sa iba 'yun. Kasi may posibilidad na baka makutya lang si Sunshine kapag nalaman nila ang tungkol doon, tulad noong mga nasa palabas. Pero nang tanungin ko naman siya, wala naman daw siyang paki kung sakali.
Ni-real talk pa nga niya ako na wala naman din akong mapagsasabihan na iba kasi wala daw akong ibang kaibigan. Ang harsh ha, meron din naman kaya kahit papaano. Bilang lang ang mga kaibigan ko pero atleast naman ay totoo sila, iyun ang mahalaga.
"..dito sa part na 'to, kailangan nating gumawa ng essay." paliwanag ni Pres sa amin. Bahagya naman akong napakamot. Takte, essay. Mukhang lalagnatin ata ako nito.
Sumulyap ako kay Sunshine at nakitang kalmado lang siya. Pati na rin ang ibang kasamahan ko kaya't napabuntong-hininga nalang ako. Sige na nga, para sa grades.
"Nga pala," pag-agaw ni Pres sa atensyon namin. "May sinabi sa aming mga leader si Ma'am. Dalawa daw ang magiging grade natin. 'Yung isa grade natin as a group, 'yung isa grade natin individual. Ang magbibigay naman ng grade individual ay ang mismong group leader niyo." pagpapaliwanag niya.
Ngumiti siya, "So, kailangan na lahat tayo makipag-participate. Unless gusto niyo ng 75 grade."
Tumango naman kaming lahat, except kay Sunshine na ewan ko ba kung narinig ang sinabi ni Pres dahil hindi siya umimik.
"Kahit ipasa niyo nalang sa akin bukas 'yung mga essays na ginawa niyo. Then, ic-compile na natin para matapos na." dagdag niya. Kasabay na din nu'n ang pag-dismiss sa amin ni Ma'am Falcon.
Pagkatapos ng ilang oras, lunchbreak na. Usually, kami lang ni Sunshine pero.. may sumabit ngayon sa amin.
"Hi Sunshine!" malakas na bati ni Torren. Lumingon kami sa kanya at nakitang kasama din niya sina Rohan at Xyriel.
"Hi Sunshine." bati din nila ni Rohan at Xyriel, mukhang ginaya ang ungas na si Torren. Umupo din sila sa table namin.
Lumingon ako kay Sunshine at nakitang nakakunot ang noo at parang masama ang timpla ng mukha. Nakatingin siya sa tatlo.
"Close tayo?" nakataas ang kilay niyang tanong doon sa tatlo. Napahagikgik naman ako habang sila ay napanganga sa pambabara ni Sunshine.
Mukhang napansin ni Sunshine ang mga itsura nila kaya't napatigil siya sa pag-inom ng juice niya.
"Ang panget niyong tignan. Isarado niyo nga 'yang bibig niyo." mas lalong nalaglag ang panga nila dahil sa sinabi ni Sunshine, bumalik din ulit siya sa pagkain.
Ano kayo ngayon? Naramdaman niyo na ba ang ka-prangkahan ni Sunshine?
Napangisi ako. For some reason, medyo proud ako dahil sanay na ako sa ugali ni Sunshine habang sila ay hindi pa rin makapaniwala.
Siniko ni Rohan si Torren, "Pre, diba sinabi mo jowa siya ni Rouwi?" tumango si Torren. "Ang prangka." dagdag pa ni Rohan. Si Xyriel naman ay nakaupo lang sa tabi namin at kumakain na pala. Hindi man lang namin naramdaman ang pagtayo niya para bumili.
"Sunshine," tawag ko sakanya. "Ipapakilala ko sila sayo. Kaibigan ko sila." sabi ko at itinuro si Torren. "Nakilala mo na siya noong nakaraang araw, siya si Torren. Tanda mo pa?"
Tumingin siya sa akin saglit at tumingin sa itaas para mag-isip. Nang matapos alalahanin ay tumingin siya sa amin.
"Ah, siya 'yung jowa mo." sabi ni Sunshine habang nakatingin sa akin. Tumahimik saglit pero bigla nalang silang nagtawanan lahat.
YOU ARE READING
When she finally dreams
RomanceDead-Pan, Eyebags Carrier, Gloomy, that's her identity. Noong una, naw-weirduhan talaga ako sakanya pero habang tumatagal ay nasanay na din naman ako. Gustong-gusto niya nang managinip, pero hindi siya payagan ng panaginip niya. Sunshine ang pangala...