Tumingin ako sa relo ko para ma-check kung ano ng oras. Kakatapos lang namin sa project namin, may kaunti pa kaming tatapusin pero pwede na kami makahinga dahil kaunti nalang. Palubog na din ang araw at ang kulay ng langit ngayon ay ang pinaka-paborito ni Sunshine. Purple Sunset.
Habang naglalakad kami ay nakatingin lang siya sa ulap. Since alam kong ganyan talaga siya kada ganitong may purple sunset, ako na ang nagsilbing guide niya sa paglalakad. Itatabi ko nalang siya kapag may mababangga na siya.
Hay.
Nasa kalagitnaan pa kami nang paglalakad nang mapansin naming nasa pamilyar na lugar kami. Ito 'yung daan kung saan malapit 'yung abandonadong building na pinuntahan namin ni Sunshine noong nakaraang araw. Doon din 'yung lugar na muntik na kaming mapangalanang tresspasser.
"Rouwi," tawag niya kaya tumingin ako sa kanya.
Ngumisi siya, "Naiisip mo ba ang naiisip ko?" tanong niya. Buntong-hininga nalang ang naisagot ko. Sabi na eh."Teka, check muna natin baka may bantay nanaman." suhestiyon ko pero nagdire-diretso lang siya sa paglalakad nang parang walang naririnig. Luminga-linga ako sa paligid para makita kung safe ba kami sa pagpunta namin dito o hindi. Pero tahimik lang ang lugar kaya mukhang wala atang bantay ngayon.
Bumuntong-hininga muli ako at sinundan nalang ang bawat yapak niya. Nakarating naman kami sa rooftop nang ligtas, wala ngang bantay ngayon dito.
Nauna na siyang umupo sa semento kaya sumunod na rin ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
Tinignan ko siya at hindi ko maiwasang matuwa dahil may liwanag na muli ang mukha niya.
Habang nags-sightseeing ay inilabas ko na ang cellphone ko at pumunta sa music library para magpatugtog.Agad siyang napalingon sa akin nang marinig ang musika. Binigyan niya ako ng questioning look.
"Perfect moment 'to para makinig ng music." sabi ko.Hindi na siya sumagot at nagpatuloy nalang sa pagtingin sa langit.
♪ NOW PLAYING: Please, Please, Please, Let me get what I want by The Smiths ♪
Good times for a change
See, the luck I've had
Can make a good man
Turn badSo please please please
Let me, let me, let me
Let me get what I want
This timeHaven't had a dream in a long time
See, the life I've had
Can make a good man bad
So for once in my life
Let me get what I want
Lord knows, it would be the first time
Lord knows, it would be the first timeNarinig ko siyang nagbuntong-hininga kaya lumingon ako sa kanya.
"As usual, boring talaga ng kanta mo." komento niya.
"Grabe 'to, hindi kaya." depensa ko naman. The Smiths kaya 'to!
"Pst, iayos mo nga 'yang paa mo." sabi niya, nagtaka ako.
"Para saan?"
"Basta iaayos mo." sabi niya kaya ganun nalang ang ginawa ko. "Oh ayan nakaa.." nagulat ako nang bigla nalang siyang humiga sa hita ko. "..ayos na."
"H-hoy.. ano 'to?" nagtataka kong tanong. Sinilip ko siya at nakitang nakapikit na siya.
"Tulad ng lyrics sa kanta, 'Haven't had a dream for a long time, so for once in my life, let me get what I want.'" sabi niya, na-surpresa ako dahil natandaan niya pa 'ung lyrics kahit na unang beses palang niya itong napakinggan.
YOU ARE READING
When she finally dreams
RomanceDead-Pan, Eyebags Carrier, Gloomy, that's her identity. Noong una, naw-weirduhan talaga ako sakanya pero habang tumatagal ay nasanay na din naman ako. Gustong-gusto niya nang managinip, pero hindi siya payagan ng panaginip niya. Sunshine ang pangala...