Sunshine
Anak ako sa labas. Nalaman ko lang ang tungkol diyan pagkatongtong ko ng highschool. Naabutan ko na lang si Mama at isang lalaki na hindi pamilyar sa akin na nag-uusap sa harap ng bahay. Umiiyak si Mama habang kausap 'yung lalaki.
All of a sudden bigla na lang akong tinawag nung lalaki na 'anak'. Eh, wala naman akong natatandaan na may tatay ako kasi magmula noong bata ako ay kaming dalawa lang ni Mama ang magkasama sa bahay. Nagpakilala siyang tatay ko na siyang kinagulat ko kasi akala ko nga patay na siya kasi hindi man lang siya nagparamdam sa amin ni isang beses. Saka malay ko bang meron rin pala akong tatay.
Anyways, halos buong araw na humingi ng sorry 'yung self-proclaimed father ko. Sorry daw kasi wala siyang naitulong sa amin, at sorry daw kasi hindi niya agad inako ang responsibilidad niya bilang ama. Hindi tumigil sa paghingi ng tawad 'yung lalaki hanggang sa makaalis siya, ang sabi babalik daw ulit siya kinabukasan.
Confused ako sa nangyari. Kumbaga parang yumanig 'yung mundo ko, na-break ang cycle ng normal life ko kaya humingi ako ng explanation kay Mama para maintindihan ko ang sitwasyon. Ang sabi niya, sinekreto daw niya ang pagbubuntis niya sa akin doon sa lalaki na confirmed nga na siya ang tatay ko. Ngayon lang nalaman ng lalaki dahil may nakapagsabi daw sakanya kaya agad niya kaming hinanap ni Mama para pagbayaran ang pagkukulang niya.
Tinanong ko si Mama, "Bakit hindi mo sinabi sa kanya?"
"Hindi tayo ang unang pamilya niya, anak."
sagot niya, at pagkasabi niya noon ay bigla na lang siya humagulgol. At tulad ng lalaki kanina, panay din ang hingi ng tawad sa akin ni Mama.Buong buhay ko ngayon ko lang nakitang ganito si Mama. Nasanay ako na nakikita siyang palaging nakangiti. Hindi ko alam ang ir-react ko sa mga nalaman ko kaya natulala lang ako.
Kinabukasan, bumalik ulit 'yung lalaki na may dalang kung ano-ano para sa akin. Pangbawi daw niya. Tinanggap ko na lang, sayang naman kung hindi ko tatanggapin, grasya na 'yun.
Dahil naman sa halo-halong emosyon na naramdaman ko, ni galit hindi ko na maramdaman. Mismong sarili ko ay hindi ko na din ma-gets kasi dapat nagagalit na ako sa kanilang dalawa, kaso hindi.
Imagine, ang tahimik at simple lang ng buhay ko noon, tapos malalaman ko na lang na anak pala ako sa labas. Ang taray ng plot twists ko. Tapos pa-easy-easy lang ako sa buhay, hindi ko alam ang existence ko pala ang dahilan ng pagkasira ng isang pamilya.
Ang kwento nila, nakapagkilala daw sila sa isang cruise ship. Si Mama that time ay isang waitress, habang 'yung tatay ko naman daw ay nag-me time noong panahong 'yun. Nagbakasyon siya nang mag-isa dahil 'yun na daw ang huling bakasyon niya bilang binata kasi apparently, ikakasal na siya next month. Iyun nga lang, hindi nasunod ang plano dahil unfortunately, na-mesmerize daw ang kuya niyo noong minsang umakyat si Mama sa stage para kumanta. After ng shift ni Mama as waitress, paminsan-minsan ay umeextra siya at kumakanta para mag-entertain ng guest.
Si confirmed-father ko ay nakaupo sa harapan kaya't kitang kita niya ang kagandahan ni Mama. Niligawan niya si Mama, kahit alam niya sa sarili niyang bawal. Pero dahil matigas ang ulo ng confirmed-father ko at parang nawala lahat ng moral sa katawan niya, tinuloy pa rin niya. Of course, hindi sinabi ng tatay ko kay Mama na engaged na siya kaya si Mama ko, ayun na-inlove. Nagpatuloy ang relasyon nila ng apat na taon. Sinekreto ng cheating-father ko ang tungkol sa pagiging married niya. Until ayun, nabuo ang beautiful creature na tulad ko. It was also that time na nalaman ni Mama ang katotohanan. Pero masyado nang huli ang lahat dahil hindi na mababago ang nangyari na. In the end, kahit mahal pa niya ang tatay ko, hiniwalayan niya. Siya na ang lumayo dahil ayaw niya nang palakihin ang damage. Ayaw niya nang makasira ng pamilya kaya't hindi na niya sinabi ang tungkol sa akin at pinili na lang ang tahimik na buhay, malayo doon sa lalaking cheater.
YOU ARE READING
When she finally dreams
Roman d'amourDead-Pan, Eyebags Carrier, Gloomy, that's her identity. Noong una, naw-weirduhan talaga ako sakanya pero habang tumatagal ay nasanay na din naman ako. Gustong-gusto niya nang managinip, pero hindi siya payagan ng panaginip niya. Sunshine ang pangala...