PROLOGUE
Isang magandang babae ang nabangga ko ng di sinasadya, masyadong mabilis ang paglalakad niya dahilan para hindi ako makaiwas.
"Damn!" Ang pagtataas niya ng boses kasabay ang pagtingin niya sa akin ng masama. Tingin na kulang na lang ay kainin ako ng buo. "Bulag ka ba!? Ang laki laki ng katawan mo, hindi mo ko nakita! Tingnan mo ang ginawa mo sa akin!?" Sabay turo niya sa kanyang damit na natapunan ko ng iniinom niyang tea.
"Miss I'm sorry, hindi ko---"
PAK!!
Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin. Sampal na nagpaalog sa utak ko. As in, gulat na gulat ako. Kung lalaki lang ito baka kanina ko pa sinuntok ang pagmumukha niya.
"Tigilan mo nga ako sa mga alibi niyo! Pareho-pareho kayo!" Ang reaksyon niya, wala pa ring pinagbago, nakakatakot pa ding tingnan. "Kung ginagamit mo ba naman 'yang mata mo at hindi 'yang katawan mo! Edi sana, hindi mo ako mabubunggo!" Ang galit na galit niyang sabi.
"Miss as I've said, I'm sorry. Siguro hindi naman mahirap intindihin ang sorry diba? Beside, hindi ako ang bumangga, it was you." Ang malumanay kung paliwanag.
Akma niya akong sasampalin ngunit mabilis ko itong nasangga saka ako umiling-iling habang nakatingin sa kanya.
Inirapan niya ako ng nakakatakot. Jesus! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong babae! Parang tigre!
"Sorry? Kaya bang bayaran ng sorry mo ang damit ko!? Ang tea na iniinom ko!? Ang oras na nasayang ko!? Kaya bang bayaran ng sorry mo!? SAY IT!"
Napakamot na lamang ako sa ulo. Mga babae talaga, ayaw patalo. Hays!
"Fine! Magkano lahat ng 'yan at babayaran ko para lang matahimik 'yang bunganga mo." Ang saad ko.
Bigla niyang hinila ang necktie ko dahilan para mapalapit ako sa mukha niya.
"Tandaan mo ang mukhang 'to!" Sabay turo niya sa mukha niya. Nakakatakot! "Sa oras na magkita ulit tayo, sisingilin kita ng doble!"
Ilang sandali pa ay may mga dumating na mga naka suit na black at pinalibutan ang babaeng ma-attitude.
"Madam, okay lang po ba kayo? Sinaktan ba kayo ng lalaking 'yan?" Ang tanong nito. Sa tingin ko ay mga bodyguards sila.
Tiningnan lang ako ng masama ng babae. Tss! Maganda sana, may sungay naman! Saka sila naglakad palayo sa akin.
Napailing na lang ako habang nakasunod ang aking tingin sa kanila.
Saka ko naalala ang sabi ni Daddy.
"Tatlong buwan mula ngayon ay makikilala mo na ang babaeng inilaan namin sa iyon Daniel. Huwag mo kaming bibiguin."
Tatlong buwan? Ikakasal na ako?
VOTE!! VOTE!! VOTE!!
THIS IS THE 3RD SERIES OF THE STRANGER.
MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAGBASA SA NAUNANG SERIES NATIN. NAWAY SUPURTAHAN NIYO DIN ANG KWENTO NI DANIEL SMITH.
----
KUYA CHAD
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series III : DANIEL SMITH
Misterio / SuspensoThe 3rd Series of the Stranger. Date Start : Sept. 17, 2021
