Chapter 12 : Hug

55 2 0
                                    

Chapter 12
HUG

DEBORAH'S POV

Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ni Greg kay Daniel. Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko na sana dinamay pa si Daniel sa kalokohan ko. Nahahabag ako sa tuwing nakikita ko ang mga galos sa mukha niya.

Kasalanan ko.

Kasalukuyan kong pinahinga si Daniel sa kwarto dahil kakalabas lang namin ng ospital. Nagtataka lang ako dahil wala man lang ni isa sa mga malalapit sa kanya ang dumalaw sa kanya. Sinabi ko na rin kay Daddy ang nangyare at siya na raw ang bahala.

Sino ka ba talaga Daniel Smith? Out of nowhere ay bigla na lang akong napacheck ng pangalan niya sa Facebook at sa lahat ng social media platform ngunit ni isa sa mga ito ay wala akong nakita. Weird! Siya na lang ba ang walang social media ngayon?

Aaminin ko sa sarili ko na habang patagal ng patagal ay mas lalo namang napapalapit ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayare sa akin dahil nagagawa kung buksan ang pagkatao ko at maging ang tiwala na ibinibigay ko sa kanya ay sobra sobra. Kapag kasama ko siya ay malakas ang loob ko at panatag ako dahil alam ko na hindi niya ako pababayaan at hindi hahayaang may mangyareng hindi maganda sa akin.

Napakabait niya at gentleman, ako lang 'tong hindi maka-appreciate ng lahat.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Umalis kasi sila Brenda at Mage, ilang araw ng hindi umuuwi kaya mag-isa lang ako ngayon. Nagulat ako ng marinig ko ang mahihinang katok sa pinto ng unit ko kaya naman dali dali akong tumayo at binuksan ang pinto.

Babae. Isang magandang babae ang nasa labas ng pinto. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Tinanong ko siya kung anong kailangan niya dahil hindi ko naman siya kilala.

"Ikaw si Deborah right?" Ang tanong niya sa akin. Tumango naman ako at nagulat dahil alam niya ang pangalan ko.

"Yes!? Paano mo nalaman?" Ang tanong ko.

"It's nothing!" Saka siya ngumiti ng malapad. "Si Daniel kumusta siya?" Ang tanong niya pa na siyang nagpabingi sa aking tenga.

Ewan, may naramdaman akong kirot at lungkot ng marinig ko ang pangalan ni Daniel sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Tinanong ko siya kung kaano-ano niya si Daniel ngunit wala akong sagot na nakuha mula sa kanya at agad siyang pumasok sa loob ng condo.

Sino siya? Ang laging tanong ko sa isip ko. Kasintahan?

"Don't worry gusto ko lang makita si Daniel kung okay lang ba siya."

"I'm sorry pero hindi kita kilala."

"I'm Steffany," ngumiti siya ng bahagya na parang feeling close sa akin. "Kaibigan ako ni Daniel." Para bang nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan ng marinig ko ang kaibigan na salita mula sa kanya. "You know what, lagi kang binabanggit sa akin ni Daniel kapag nagkakausap kami. Mukhang gustong gusto ka niya."

"T-teka! A-ako? Pinag-uusapan niyo?" Ang halos hindi makapaniwalang sabi ko. Natawa siya ng bahagya dahil sa sinabi ko.

"Don't worry, wala ka dapat ikatakot. Kaibigan ko si Daniel since grade school. Kilalang kilala ko ang lokong yun." Nagulat ako ng niyakap niya ako. "Nice meeting you Deborah."

"Thank you." Ang saad ko saka humiwalay sa kanya.

Base on my observation, nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Alam ko sa loob niya ay may tinatago itong hindi maganda. Mukha siyang mataray at masungit. Para bang kontrabida sa isang pelikula. Ganoon ko siya tingnan.

The STRANGER Series III : DANIEL SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon