Chapter 7
SHOPPING
DANIEL'S POV
Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. Alam ko sa sarili ko na mali ito pero bakit ganon? Hindi ko mapigilan ang pagtibok ng aking puso, lagi kong naaalala ang mukha niya at maging sa panaginip ko. Hindi rin ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ko sa lahat ng sinabi niya. Kung kailan nagiging malapit na kami saka naman may balakid.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa kawalan dahil sa bagay na gumugulo sa aking isipan.
"Nandiyan ka pa ba?" Ang tugon ni TF na nasa kabilang linya. Natauhan naman ako at agad na nagsalita.
"I'm sorry." Ang saad ko.
"My god! Ang baho! Ano ba namang unit 'to! Nasaan ka ba kasi!? Pumasok na ako sa loob ng unit mo." Ang saad niya. Hindi niya alam na nasa Cebu ako kaya pinuntahan niya ang unit ko sa Makati. "Palinisan mo nga 'to Daniel! Sobrang ang baho ng amoy! Ang dami pang kalat!" Ang reklamo niya.
Hindi ko naman mapigilan ang mapahalakhak dahil sa reklamo niya. Si TF o Steffany ay ang malapit sa akin. Sa akin niya lahat dinadaing ang sama ng loob na kanyang dinadala sa kanyang kapatid na si Calvien. Naaawa ako sa kanya dahil sa araw araw na kailangan niyang pagdaanan ang lungkot at pag-iisa. Napakatibay niya pero deep inside sobrang rupok ng kanyang puso.
Maraming beses ng umiyak sa harapan ko si TF dahil sa mga problema. Pakiramdam niya wala na siyang kakampi dahil tingin ng lahat sa kanya ay masama. Maging si Calvien halos isuka na siya nito. Bilang isang matalik na kaibigan kailangan ko siyang damayan at alalayan upang malagpasan ang lahat ng kanyang dinadala. Sa sobrang bigat, umiiyak na lang siya.
Simula ng mawala ang kanilang mga magulang ay walang ibang hinangad si TF na sana siya na lang ang nawala at hindi ang kanyang magulang. Sobrang traumatic ng sinapit ng mga magulang to think na nasaksihan niya ito ng patayin. Mas lalo pang nasira ng tuluyan ang relasyon nilang magkapatid dahil nawala ang kanilang bunsong kapatid. Walang ibang sinisi si TF kundi si Calvien. Lahat ng mga nangyayareng hindi maganda kay TF, si Calvien ang lagi niyang sinisisi.
Kung may hihilingin man ako, sana bumalik na sa dati ang lahat. Walang gulo, tahimik at masaya. Habang patagal ng patagal ang panahon mas lalong nagiging kumplikado.
"Oh my god! Talagang may condom pa dito sa sahig! Kadiri ka talaga!" Ang nandidiri niyang sabi.
"I'm sorry. Nagmamadali ako that time." Ang natatawa kong sabi. That's the time na kasama ko si Charlotte sa unit. After kung umalis hindi ko pa pala napapalinis. "Nakakahiya." Ang natatawa ko pa ring sabi.
"Kadiri ka talaga! Pag nagkita tayo, sisingilin kita. Ako ng bahala magpalinis ng unit mo! Kung sino sino kasing babae ang dinadala! Pag ikaw nagkasakit----"
"Trust is my weapon." Ang natatawa ko pang saad na ang tinutukoy ko ay ang brand ng condom. Kung nakikita ko lang ang mukha ngayon ni TF for sure hindi na naman ito maipinta.
"Nasaan ka ba ngayon?" Ang tanong niya. Sinagot ko naman na nasa Cebu ako, halos hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko pero sa huli ay napaniwala ko naman siya ng tanungin niya ang kapatid ko. "Kailan balik mo? Umuwi ka na, wala akong kasamang maglasing!"
Biniro ko pa siya na hindi na ako babalik dahilan para pagalitan niya ako. Wala namang tigil ang aking tawa.
'Ako lang ang nakakakilala sa totoong TF.' Lahat ng nakikita nila ay hindi totoo.
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series III : DANIEL SMITH
Tajemnica / ThrillerThe 3rd Series of the Stranger. Date Start : Sept. 17, 2021