Chapter 9
NIGHT BAR
DANIEL'S POV
MANILA
Manila is one of the most densely populated cities in the Philippines. I'm finally back. Isang araw na mula ng dumating kami rito. Nakipagkita na rin ako sa mga kaibigan ko kila Calvien, Diego at Felix.
Sa susunod na araw na ang birthday ni Gregory. Kailangan ko raw ihanda ang sarili ko at huwag kakabahan. Kung tutuusin, hindi na bago ito sa mga dati kung projects. Tinawagan naman ako ni Daddy tungkol sa pinapatrabaho niya as usual, wala na naman akong nagawa. Pagbigyan ko na raw muna siya sapagkat matanda na siya.
Napasapo na lang ako sa aking noo. Hanggang kailan pa ba ako magtitiis sa ganitong setup?
"Hey!" Tawag sa akin ni Deborah. Lumingon naman ako kung saan nanlaki ang aking mga mata sa aking nakikita. Halos luwa na ang kaluluwa sa kanilang kasuotan.
"Ang cute mo diyan Mr. Savior!" Ang saad ni Mage na nakatingin sa hinaharap ko.
"Magbihis ka at aalis tayo!" Ang mataray na sabi ni Deborah.
"Gabing gabi na, aalis ka pa ng ganitong oras?" Ang tanong ko.
"Ang dami mong reklamo!? Sasama ka ba o sasama!?" Ang taas-kilay pa rin nitong sabi.
"Teka, saan ba kayo pupunta?" Ang tanong ko.
"Mr. Smith, kailangan pa ba naming ipaalam sayo kung saan kami pupunta!? Trabaho mo ang samahan kami. Right?" Ang mataray ding sabi ni Brenda.
Pinaglipat-lipat ko ang aking tingin sa kanilang hinaharap halos malunod naman ako sa aking nakikita. Ang laki!
IPINARK ko ang sasakyan sa isang kilalang night bar dito sa Makati. Ilang beses na rin naman akong nakapasok sa lugar na ito. Isa itong high class bar kung saan uubusin ang pera mo dahil sa sobrang mahal ng inumin dito. Mostly, mga anak ng politicians, models at artista ang pumupunta rito.
Hinarang ako ng guard ng makapasok na ang tatlo sa loob.
"ID!" Ang saad nito.
"Kailangan pa ba!? Kasama ako ng mga yun!" Ang saad ko.
Nakipagtalo pa ako sa guard na ito bago lumabas si Deborah at sinabihan ang guard na kasama nila ako. Natarayan pa ako ni Deborah kung bakit ang bagal bagal ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bar ay rinig na rinig ko na agad ang nakakaindak na saliw ng musika. Namiss ko 'to. Agad nag-order ang tatlo na tahimik kung pinagmamasdan, para silang mga wild sa kanilang suot. Hindi na ako makapag-antay kung sino sa kanila ang wild kapag lasing na lasing na.
Ibinaling ko ang aking tingin sa may counter section kung saan naroon ang tatlo, sila Calvien, Diego at Felix. Hindi pwedeng mahalata ni Deborah na magkakilala kami. Tumungo ako sa counter section at umorder ng maiinom.
"Sino diyan ang tinutukoy mo?" Ang usisa ni Diego ng makakuha ako ng maiinom.
"Yung nasa gitna." Ang tugon ko na ang tinutukoy ko ay si Deborah.
Natahimik ang tatlo kaya napatingin ako sa kanila na tulalang nakatingin kay Deborah.
"She's mine!" Ang saad ko na agad naman silang nahimasmasan.
"Beautiful!"
"Sexy!"
"Ang laki!"
Ang reaksyon nilang tatlo dahilan para mapailing ako, hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang mga 'to. Agad ko naman silang sinaway na tigilan na ang pagtingin nila kay Deborah.
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series III : DANIEL SMITH
Misteri / ThrillerThe 3rd Series of the Stranger. Date Start : Sept. 17, 2021