Chapter 4 : She

66 2 0
                                    







Chapter 4
SHE



DANIEL'S POV


"Deborah Alcantara, that was her name. Model, tagapagpana ng isang mayamang negosyante. Easy go lucky, mahilig mag bar, mag-shopping. Currently dating! Teka nga, sino ba ang babaeng 'to at bakit mo pinapaimbistigahan sa akin? Dude! Multi-billionaire ang pinapatrabaho mo sa akin! Don't tell me, bagong target mo?" Ang saad ni Felix sa kabilang linya. Napatawa ako ng bahagya bago ako nagsalita.

"Nothing."

"Come on! Si Daniel Smith naglilihim na ngayon."

"Dude, in the right time sasabihin ko din kung sino siya. Anyway, thanks sa info. Have a great day." Ang saad ko saka ko ibinaba ang call at ibinaling ang aking tingin sa harap ng phone ko.

Tinitigan ko ng maigi ang magandang mukha ni Deborah. Nakakaakit ang kanyang mga tingin na tila ba isang diwata na namumukod tangi ang ganda. Humahanga ako sa kanya.

"What are you doing here!?" Ang mataray na tanong sa akin. Kaagad akong napalingon sa nagsalita. Nakataas naman agad ang mga kilay niya at ang mga tingin niya ay wala pa ring pinagkaiba. Nakakamatay!

"Ah, Madam, nagpapahangin lang." Ang saad ko dahil wala akong maisip na sasabihin.

"Sa oras ng trabaho?" Mas lalo pang tumaas ang kilay niya. "May I remind you, na binabayaran ka ng Daddy para magtrabaho hindi para lumanghap ng hangin ng libre!"

"I'm sorry." Ang saad ko at akmang aalis na kaya lang bigla siyang nagsalita dahilan para mapahinto ako.

"Saan ka pupunta? Sinabi ko bang umalis ka!?" Ang pagtataray niya sa akin.

Napailing ako out of nowhere at hindi na ako nakapagpigil pa.

"Is that the way you treat people? I'm sure naman may pinag-aralan ka. Right?"

"And who are you para pagsabihan ako ng ganyan!?"

Napasmirk ako ng titigan niya ako. Nakipagsabayan ako sa mga titig niya. Nagkakamali ka ng kinalaban!

"Well, sa ganda mong 'yan daig mo pa ang nagmemenopause. Bata ka pa, bakit hindi mo na lang i-enjoy ang sarili mo." Ang kalmado kong sabi dahilan para umusok ang ilong niya at nagmadaling naglakad palapit sa akin at mabilis na sinampal ako. Hinayaan ko lang siyang gawin niya iyon.

"Para 'yan sa pagiging bastos mo!"

"May I remind you Ms. Deborah, ang Daddy mo ang nagpapasahod sa akin. I can do what I want to do just to protect you." Ang seryusong sabi ko. Akma niya ulit akong sasampalin ngunit mabilis ko itong nasangga. "Sa susunod na dumampi pa 'yang kamay mo sa mukha ko, I will make your life miserable!"

"I don't need your help! Kaya pwede ba umalis ka na!" Ang sigaw niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatingin sa kanya.

In my whole life, ngayon lang ako nakatagpo ng ganitong klaseng babae. Mataray at may pagkademonyo ang ugali. Tama nga ang mga katiwala ng mansyon, masama ang ugali niya kaya kailangan kung turuan siya ng tamang asal.

Mabilis siyang umakyat ng hagdan at iniwan ako. Napangiti ako sa aking isipan. Nakaganti din ako sa wakas. Alam ko, darating ang araw na titiklop ka rin sa akin.

SA loob ng ilang araw na pananatili ko sa lugar ay marami na agad akong namiss sa totoong buhay ko. Una, ang mga kaibigan ko. Pangalawa, ang mga bagay na  ginagawa ko. Pumunta ng bar, hotel, casino at makipag-sex. Hindi ko alam kung tatagal ba ako dito ng wala ang mga nakasanayan ko. And to think na isang evil ang binabantayan ko.

The STRANGER Series III : DANIEL SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon