Chapter 10 : Elevator

52 2 0
                                    

WARNING ⚠️
THIS CHAPTER IS RATED SPG.



Chapter 10
ELEVATOR




DANIEL'S POV

Tatlong araw niya kung hindi pinapansin. Lagi niya akong tinatarayan kagaya ng ginawa niya sa akin ng mabunggo ko siya sa airport. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na kausapin siya, responsibility ko pa rin na gampanan ang trabaho ko kahit pa minsan below the belt na ang mga pinagsasabi niya sa akin.

Mas mabuti pa raw na umalis na ako at huwag ng bumalik dahil hindi niya kailangan ang tulong ko. Sa lahat ng ginawa ko sa kanya ay ni minsan hindi siya nagpasalamat sa akin dahil trabaho ko naman daw na protektahan siya. Nakakapuno na rin ang ugali niya kaya gusto ko siyang turuan ng leksyon kapag may pagkakataon. Nangako rin ako kay Daddy at kay Don Julio na iingatan ko ang kanyang anak.

IPINARK ko ang sasakyan sa parking area ng Ritz Tower, isang condominium sa Makati.

"Ano pang hinihintay mo!? Pagbuksan mo na ako ng pinto!" Ang mataray niyang utos sa akin. Inirapan pa ako ng tingnan ko siya sa salamin. Napabuntong-hininga na lamang ako at bumaba ng sasakyan para pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan.

Ibinalibag ko naman ang pagsara ng pinto na siyang dahilan para tingnan niya ako ng masama.

"May balak ka bang sirain ang sasakyan ko!?"

"I'm sorry." Ang preskong sabi ko dahilan para mas lalo pang lumabas ang sungay niya.

"Mr. Daniel Smith! Kung pagod ka na sa trabaho mo, pwedeng pwede ka ng mag resign! Hindi ko kailangan ng serbisyo mo!" Ang mataray niyang tugon.

Pambihira talaga ang ugali niya! Hindi ko kinaya ang masamang demonyo sa kanyang katawan.

"Are you sure!?" Nakipagsabayan ako sa mga titig niya. Titig na kulang na lang kainin niya ko ng buo. "Akala mo ang laki ng katawan mo! Ang tapang tapang mo, naliliitan ka ba sa akin!?" Sabay pakita ko sa muscle ko.

"Kadiri!" Sabay irap niya sa akin. "Kunin mo na 'yang mga gamit ko. Baka kung ano pa ang magawa ko sayo."

Sinundan ko na lamang siya ng tingin ng naglakad ito patungo sa building. Mabilis ko namang kinuha ang mga bag na pinamili niya sa mall. Buti nga at kaunti lang ang mga 'to kaya yakang yaka ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng elevator ay mabilis niyang pinindot ang button sa gilid kung saang floor kami. Tiningnan niya pa ako ng masama saka muling ibinalik ang kanyang tingin sa harapan. It's 11 o'clock na ng gabi kaya kami na lang ang nasa elevator ngayon, ganitong oras ay wala na akong nakikitang tao na nasa labas ng kani-kanilang mga unit.

"Sana lumakas ang ihip ng hangin tapos daanan 'yang mata mo para hindi na bumalik sa dati." Ang saad ko. Nginisihan niya lang ako at hindi pinansin pa.

Nakaka ilang floor pa lang kami ng biglang tumigil ang elevator dahilan para makaramdam siya ng kaba sa kanyang dibdib.

"Anong nangyare? Bakit tumigil?" Ang tanong niya sa akin. Pinipindot ko naman ang open button ngunit hindi ito gumagana. Ilang sandali pa ay namatay ang ilaw sa loob kaya rinig na rinig ko ang malakas niyang sigaw. Sigaw na parang babasag ng eardrums ko.

"It's not working." Ang saad ko.

"Call the police!" Ang malakas niyang sabi.

"Police?" Ang naguguluhang tanong ko.

"I mean, tawagan mo yung lobby! ASAP!" Ang natataranta niya ng sabi. Ramdam na ramdam ko ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa higpit ng hawak niya sa damit ko. Yung hawak niya na parang masisira at mapupunit ang suot kong damit.

The STRANGER Series III : DANIEL SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon