Chapter 8 : Protect Her

56 2 0
                                    




Chapter 8
PROTECT HER



DANIEL'S POV


Sa bawat takbo ng oras ay mas lalo pang bumabagal ang sandali. Pinagtitripan ako ni Deborah dahil sa dami ng aking dala. Marahil sinusubok niya kung hanggang saan ang temper ko pero hindi ako nagpaapekto dahil kung tutuusin kaunti pa ito sa ginagawa sa akin ni Calvien.

Matapos ang limang oras na pag-iikot sa mall ay tuluyan na nga silang napagod. Sino ba naman ang hindi mapapagod sa suot nilang high heels, ilang oras din iyon. Sila ang sumuko at hindi ako.

Nagpasya kaming umalis ng mall at isinama nila ako sa unit ni Mage. Umorder naman ng makakain si Deborah, pinagmamasdan ko lang sila. Si Mage ang masasabi kung jolly sa kanilang tatlo, si Brenda naman pareho sila ng ugali ni Deborah. Nalaman ko din na mga anak pala sila ng mayamang pulitiko sa Cebu.

Sa loob ng dalawang oras na pananatili sa unit ni Mage, ginawa nila akong model. Pinasuot nila sa akin ang mga pinamili nila dahil kailangan ko daw paghandaan ang pagkikita namin ni Gregory, ang ex ni Deborah. Silang tatlo ay magkakasabwat sa planong ito. I can't imagine na sobrang supportive nila sa plano ni Deborah. Tinuruan pa ako ng mga dapat kung gawin kung sakaling makaharap ko si Gregory.

Masyado daw akong seryuso sa kanila dahilan para tarayan ako ni Deborah. Sa loob ng maikling panahon ay parang normal na sa akin ang pagtataray niya. Minsan pa nga kusa ko itong hinahanap sa kanya. Hindi ako sanay kapag hindi niya ako iniirapan at tinatarayan.

Malalim na ang gabi, hindi ko iyon napansin dahil masyado silang abala sa bawat isa. Nakaalis na rin kami ng unit ni Mage at umuwi na rin si Brenda at itong si Deborah pinahinto niya ang sasakyan sa may seaside ng mall dahil gusto niyang maglakad-lakad.

It's 10 o'clock in the evening at kukunti na lang ang mga tao na narito. Ang ilan ay ninanamnam ang gabi. Pumasok kami sa isang coffee shop at umorder siya ng maiinom namin.

"Coffee, less sugar." Ang saad ko ng tanungin niya ako.

"Ayaw mo ng sweet?"

"Okay na ako sa hindi masyadong matamis." Ang sagot ko.

"Okay!" Ang saad niya.

Naupo ako sa may gilid kung saan kita ang tanawin sa labas. Sinundan ko naman ng tingin si Deborah na nasa counter area. Kakaiba ang awra niya ngayon, para bang ang saya saya niya. Maging ako gusto ko ang nakikita ko sa kanya.

Napakaswerte ng lalaking nakalaan sa kanya. Umaasa pa rin naman ako na pumabor sa akin ang tadhana.

Iniangat ko ang aking tingin ng lumapit siya sa kinauupuan ko. Iniabot niya sa akin ang isang coffee na hawak niya habang milk tea naman ang iniinom niya.

"Thanks ha. Hindi kami napagod." Ang preskong sabi niya saka naupo kaharap ko. Langhap na langhap ko ang simoy ng pabango niya, nakakaakit dahil sa halimuyak. Nginitian niya ako. Ngiti na siyang nagpatibok ng aking puso. Tibok na ngayon ko lang ulit nararamdaman.

"Oo nga eh! Ginawa niyo ba naman akong alalay." Ang saad ko dahilan para tumawa siya. Ang sarap pakinggan sa tenga ang mahinhin niyang tawa.

"I'm sorry. Talagang sinadya naman iyon. Usually, ganon ang ginagawa ko sa dati kung mga bodyguards pero lahat sila sumuko." Ang nakangiti niya pang sabi.

"Very proud? Masaya ka bang may nakikita kang nahihirapan dahil sa kagagawan mo!?" Ang sabi ko sabay higop ko ng kape kaya lang mabilis niyang kinuha ang kape ko.

The STRANGER Series III : DANIEL SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon