Chapter 3 : The Bodyguard

71 2 0
                                    


Chapter 3
THE BODYGUARD




DANIEL'S POV



Maaga akong gumising dahil sa ingay ng phone ko, hindi ako tinigilan ni Cassandra sa kakatawag. Hindi ako sanay gumising ng maaga, sabi niya sa akin kailangan ko daw masanay na gumising ng mas maaga.

Kailan ba nila ako titigilan? Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa bagong project na binigay sa akin ni Dad. Today is my first day, sana lang maging maganda ang araw na ito sa akin.

Isang oras ang lumipas ng dumating ang sundo ko kaya kinuha ko na ang mga gamit ko at agad na lumabas ng hotel. Isang matandang lalake ang sumalubong sa akin. Malapad na ngiti ang iginawad niya ng makita ako na para bang kilala na niya ako ng matagal.

"Napaka-gwapo mo namang bata iho." ang tugon nito sa akin.

"Naku Lolo, maliit na bagay." Ang pagmamayabang ko pa dahilan para mapahalakhak si Lolo.

"Palabiro ka pala iho." Ang tugon niya. Mukha ba akong nagbibiro?

"Ikaw po ba si Don Julio?" Ang tanong ko ng makasakay na ako sa sasakyan.

"Naku hindi! Mukha ba akong haciendero!? Nagpapatawa ka talaga iho!" Ang masayang saad niya. Napakamasayahin naman nitong si Lolo. "Ako ang driver ng pamilya, matagal na panahon na akong nagsisilbi kay Don Julio. Ako si Mang Tani iho."

"Ikinagagalak ko po kayong makilala Mang Tani."

"Ano nga palang pangalan mo iho?" Ang tanong niya pa habang nagmamaneho.

"Ah, ako po si Daniel. Daniel Smith po."

"Sa pangalan mo pa lang, tunog babaero na." Ang pabirong sabi ni Mang Tani.

"Grabe naman kayo Mang Tani." Ang natatawa ko pang sabi.

Sa ilang minuto lang naming nag-uusap ay nakuha ko na agad ang loob niya. Napakasayahin niyang tao, hindi mahirap pakisamahan dahil marunong sumakay sa usapan para ngang matagal na kaming magkakilala.

Napahalakhak ako ng sobra dahil sa kwento ni Mang Tani. Hindi ko sukat akalain na may ganitong vibes siya. Naikwento niya sa akin ang nangyare sa kanya noong binata pa siya, marami daw siyang napaibig na mga dalaga dahil sa pagiging matipuno at masigasig. Binigyan niya pa ako ng tips kahit na hindi ko naman talaga kailangan. Napaisip ako ng banggitin niya ang tungkol sa anak ni Don Julio.

"May sa demonyo ang anak ni Don Julio." Ang tugon niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Demonyo? Grabe naman po kayo Mang Tani."

"Hindi naman siya ganon dati nung bata pa. Simula ng mamatay ang asawa ni Don Julio, naging rebelde na ito, kawawang bata. Mas lalo pa itong naging masungit ng malaman niyang pinagkasundo siya."

Natahimik ako at pilit na iniintindi ang mga sinabi niya. Kung totoo man ang sinasabi ni Mang Tani, delikado ako. Kailangan kong ihanda ang sarili ko.

Naikwento niya rin sa akin na madami ng naging bodyguard ang anak ni Don Julio ngunit ni isa sa mga ito ay walang nagtatagal dahil sa sama ng ugali nito. Mukhang pumapabor sa akin ang tadhana, kung totoo man ang sinasabi ni Mang Tani ibig sabihin pwede rin akong hindi magtagal. Perfect!

Napangiti ako sa aking isipan dahilan para tanungin ako ni Mang Tani kung may nakakatawa ba siyang sinabi.

"Naku! Wala. Mukhang mapapadali yata ang pagiging bodyguard ko." Ang pabirong sabi ko dahilan para tumawa din siya ng malakas.

The STRANGER Series III : DANIEL SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon