Warning : This Chapter is Rated SPG.
Chapter 13
I LOVE YOU
DANIEL'S POV
Hindi ko na maikakaila sa aking sarili ang malalim na nararamdaman at pagtingin ko sa kanya. Sobrang mahal ko na siya at hindi ko na kayang pigilan pa ang aking sarili dahil sa araw-araw na kasama ko siya ay mas lalong lumalalim ang aking pagtangi sa kanya. Maging ako ay hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito kalakas ang tama niya. Bakit ganito kadaling mahulog ang puso ko.
The way kung paano niya ko inalagaan nung nasa ospital kami. There's a connection between us, para bang naririnig ko ang tibok ng kanyang puso. Hindi ko maitatanggi iyon. Ang kilos na pinapakita niya sa akin, alam ko halatang-halata ang nais niyang ipahiwatig.
Napabuntong-hininga na lamang ako at kasabay nito ay ang pag-alala ko sa aming naging usapan.
"Daniel, anong ibig sabihin ng tattoo mo?" Ang tanong niya sa akin. Napatitig naman ako sa kanya at tahimik kung pinagmasdan siyang umiinom ng kape.
"Aling tattoo?" Ang tanong ko. Iniangat niya ang kanyang tingin sa akin dahilan upang masilayan ko ng ganap ang kanyang napakagandang mukha.
"'Yang tattoo mo sa gawing tagiliran."
"Ah, ito ba?" Sabay angat ko ng aking damit at pakita ko sa kanya ng aking tattoo. Hindi naman niya magawang tumingin sa akin ng deretso.
"Oo. Anong ibig sabihin ng tattoo na 'yan?" Ang usisa niya.
"Bakit mo naman naitanong?" Ang wika ko. Ang tattoo na tinutukoy niya ay ang simbolo ng Mafia Syndicate. Isang mukha ng agila na may nakapulupot na cobra.
"Parang---parang matagal ko ng nakita ang tattoong 'yan! Hindi ko lang matandaan kung kanino o kung saan ko nakita. Basta it looks familiar." Ang saad niya bago uminom ng kape.
"Hindi lang naman ako ang may ganitong tattoo. Very common na ang ganitong desinyo. Hindi na bago iyon." Ang wika ko habang nakatingin sa kanya.
Bigla akong natauhan ng bumukas ang pinto kasabay ng pagkagulat ko ay ang pagtingin ko naman kay Deborah na kakalabas lang ng bathroom.
"Para ka namang nakakita ng multo." Ang saad niya na may halong biro.
At this time, kami lang dalawa ang tao sa loob ng unit. Umuwi na ng Cebu sila Brenda at Mage dahil sa hindi na matutuloy ang birthday party ni Greg. Sa makalawa naman kami babalik ng Cebu.
"Nagulat lang ako." Ang saad ko.
"Anyway, nakaready na yung ticket natin. So in the next day, babalik na tayo ng Cebu." Tumingin siya sa akin na siyang dahilan para dumako ang aking tingin sa kanyang katawan. Tanging tuwalya lamang ang nagsisilbing saplot niya ng mga sandaling ito. "Hindi mo man lang ba dadalawin ang mga magulang mo?"
"Huh? Ah, hindi na." Ang saad ko. Hindi ko rin mapigilan ang aking sarili. Nawawala ako sa sarili ko. "Ah, sa labas lang ako." Ang paalam ko ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla siyang magsalita dahilan para mapatigil ako at dahan dahang lumingon sa kanyang direksyon.
"Deborah?" Ang halos hindi makapaniwalang sabi ko. "A-anong ginagawa mo?" Ang nauutal ko pang sabi. The way kung paano niya ako tingnan ay alam kung kakaiba, para bang inaakit niya ako. Ilang sandali pa nga ay dahan dahan niyang tinanggal ang tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan. "Deborah?"
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series III : DANIEL SMITH
Mystery / ThrillerThe 3rd Series of the Stranger. Date Start : Sept. 17, 2021