Chapter 14 : The Weakness

104 2 1
                                    

Chapter 14
THE WEAKNESS


DANIEL'S POV

Napatingin ako sa kawalan dahil sa mga agam agam na nasa aking isipan. Hindi ko maiwasang mag-alala. Minsan napapatanong pa ako kung tama ba Ang desisyon ko. Alam ko, hindi ito papaboran ni Daddy. Hindi ko siya maaaring suwayin dahil nakaplano na ang tadhanang para sa akin.

Lumabas ako ng unit, sinabi ko kay Deborah na may pupuntahan lang ako. Hindi na rin naman siya nagtanong at nag-usisa kung anong gagawin ko. Ang totoo, may tuturuan lang ako ng leksyon. Kailangan niyang maturuan dahil sa ginawa niya sa akin.

Nagsuot ako ng hoodie jacket dahil umaambon at makulimlim din ang panahon. Masamang pangitain ito. Naglakad lang ako ng kaunti kung saan nakapark ang sasakyan ni Calvien. Pumasok ako sa loob saka ko tinanggal ang hoodie sa ulo ko.

Binati ko si Calvien ng makapasok ako sa loob ng sasakyan niya. Isang seryusong mukha ang nakaguhit sa kanya.

"Kumusta siya?" Ang tanong ko.

"Nagwawala. Pero huwag kang mag-alala, naturuan ko na siya ng leksyon." Ang tugon ni Calvien.

"Baka naman hindi na makatayo ang gago na yun!?"

Napangisi lang si Calvien dahil sa sinabi ko. Alam ko kung anong ibig sabihin ng mga ngising iyon.

Hindi na rin ako makapaghintay! Ilang sandali pa ay nag-umpisa na siyang paandarin ang sasakyan. Natanong ko naman sa kanya kung bakit wala ang dalawa. Si Diego at Felix.

"Tinanong mo pa kung nasaan sila, hindi ka ba updated?" Ang pabirong sabi ni Calvien.

"Alam mo naman ako. Busy ako sa pagbabantay."

"Si Diego, inaasikaso ang kasal nila ni Bolivia, si Felix naman nasa Singapore para sa isang business proposal."

"Sila na mga busy. Magkalimutan na talaga!" Ang kunwaring naiinis ko pang sabi. "Eh, ikaw? Kumusta ang paghahanap mo kay Beverly? May lead ka na ba?" Ang seryusong tanong ko. Napahugot siya ng isang malalim na hininga bago tuluyang magsalita.

"Malapit ko na siyang makita." Ang tugon niya.

"Sana nga. Hays, saan kaya pumunta si Beverly." Ang parang bata kong sabi.

Alam ko kung gaano kamahal ni Calvien si Beverly at ganon din si Beverly sa kanya. Hindi titigil sa Calvien na hindi siya mahanap kahit saang sulok pa siya ng daigdig, mahahanap at mahahanap pa rin siya.

Natahimik na lamang ako bigla habang abala naman si Calvien sa pagmamaneho. Naisip ko habang nagkakaedad kami mas lalo kaming nagiging busy sa sarili naming mga buhay. Hindi na katulad ng dati na lagi kaming kumpleto, walang naiiwan kundi sama sama lang. Ngayon, may kanya kanya na kaming kailangang gawin. Buhay nga naman.

"Ikaw, kailan mo balak mag-asawa?" Ang seryusong tanong niya dahilan para mapakunot ako.

"Asawa agad?" Ang pilyo ko pang sabi.

"Isang taon na lang."

"Anong isang taon?"

"Malapit ka ng mawala sa kalendaryo!"

"Gag*!" Sabay tawa ko ng malakas. "Makapagsalita parang siya nasa kalendaryo pa." Pareho kaming napahalakhak dahil sa katotohanang hindi na kami bumabata.

Ganito nga siguro ang buhay, sa sobrang bilis ng panahon hindi natin namamalayaan ang paglipas at pagtakbo ng mga oras. Nakakalungkot lang. Hindi na kami mga bata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The STRANGER Series III : DANIEL SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon