Chapter 11
UNHAPPINESS
DANIEL'S POV
Hanggang ngayon ay paulit-ulit kung naaalala ang tagpong iyon sa pagitan naming dalawa. Tagpong gusto ko pang mangyare ulit. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama ko. Nangyare na nga ang matagal ko ng inaasam-asam. Naganap na.
"Whatever happens here! It's nothing. Walang ibig sabihin." Ang deretsong saad niya sa akin. Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at wala akong makitang pag-aalinlangan sa sinabi niya.
"What!?" Ang saad ko.
"Kung ano man ang nangyare sa ating dalawa, walang ibig sabihin iyon. Pareho lang tayong uhaw sa laman. Besides, hindi na bago ito sa akin." Ang mapakla niyang tugon. Nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit na nakatago rito.
"Deborah---"
"Yes Daniel! As you can see, hindi na ako virgin! Kaya hindi mo dapat bigyan ng kahulugan ang nangyare sa 'tin."
"Bakit ganyan ka magsalita? Deborah, gusto kita at wala akong pakialam kung anong meron sa pagkatao mo. Tatanggapin kita dahil mahal kita." Ang seryusong sabi ko.
Ang galit na nakaukit sa kanyang mga mata ay hindi ko alam kung paano ko mapapahupa.
"Walang lugar ang pagmamahal mo sa isang kagaya ko. I'm wasted!"
"No. You don't."
"Yes! Daniel look at me, madumi akong babae at hindi mo deserve iyon. Marami ng gumamit sa akin---"
"Deborah stop." Ang mahinang saway ko.
"Marami ka pang hindi alam sa akin. Sex for me is nothing. Walang label, walang malisya. Just for fun." Ang matigas niyang sabi kahit pa namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata.
"You can talk to me. Makikinig ako." Ang saad ko.
"No." Iniwas niya ang tingin sa akin. "Magbihis ka na, baka biglang bumukas ang elevator makita ka pang naked." Ang parang walang nangyareng tugon niya.
Hindi ko matanggap ang mga sinabi niya. Nalilito ako habang nakatingin sa kanya. Bakit?
Napabuntong-hininga ako ng malalim dahil sa sitwasyong iyon.
"Dude, are you okay?" Ang tanong sa akin ni Felix sa kabilang linya.
"Yeah. Thanks by the way! The best ka talaga." Ang saad ko kay Felix.
Planado ang lahat ng nangyare sa loob ng elevator. Mula sa pagpasok namin sa loob ng elevator hanggang sa paghinto nito. It was conceived by Felix and me. Actually, suggestion iyon ni Felix. Siya na raw ang bahala matuloy lang ang plano, during that night ay nasa CCTV area siya nakapwesto at panigurado akong pinanuod niya ang lahat. Sa labas naman ng elevator kung saang floor kami na trapped ay may inilagay siyang signage na "UNDER MAINTENANCE!" saka niya pinatay ang ilaw at aircon sa loob. Wala talaga akong masabi kay Felix dahil napakagaling na Mafia. Bilib na bilib ako sa kanya.
"You got it dude!" Ang masaya nitong sabi na siyang kinangiti ko naman ng tudo.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin siya sa akin at tuluyan ng ngang binaba ang telepono.
We're getting older at habang patanda kami ng patanda, palungkot naman ng palungkot ang buhay. I mean, kumplikado na ang lahat.
Lumabas ako ng terrace kung saan naroon si Deborah, tahimik na umiinom ng kape habang malayo ang tingin sa kawalan. Maagang umalis sila Brenda at Mage dahil may pupuntahan daw sila.
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series III : DANIEL SMITH
Gizem / GerilimThe 3rd Series of the Stranger. Date Start : Sept. 17, 2021
