Chapter 2
QUEEN CITYDANIEL'S POV
Dahil sa utos ni Daddy na meron na lang akong isang araw bago umalis. Ginawa ko na lahat ng mga dapat kung gawin. Nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ko, nagulat pa sila ng sabihin ko sa kanila ang rason. Tinawanan naman ako ni Diego, deserve ko daw ang ganitong trabaho dahil sa katamaran ko. Sinisi pa ako ng loko.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Nag-offer si Calvien na ihatid ako sa airport, hindi naman ako makatanggi sa kanya. Mabait siyang kaibigan, mas pinoprotektahan niya pa ang mga kaibigan niya kaysa sa kapatid niya. Isa lang naman ang lagi naming hinihiling, ang makita na niya si Beverly. Ilang buwan na rin ang lumipas ngunit wala pa ring balita tungkol kay Beverly. Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo kaming nag-aalala sa kanya.
"Paano ba 'yan! Kailangan ko munang magpakalayo." Ang pabirong saad ko.
"Mag-iingat ka lagi. We're always here! Aantayin ka naman. Good luck sa bago mong project." Ang seryusong sabi niya.
"Kung hindi lang ito utos ni Daddy hindi ko ito gagawin! Besides, may permission ka naman diba? Bakit ba kasi pumayag ka pa! Alam mo namang masaya sa Metro." Ang naiinis kong sabi.
"Kailangan mo ng break diba? Pinagbigyan lang kita."
Napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil kahit anong gawin ko tuloy na tuloy na ang pag-alis ko. Nakipag hand gesture ako sa kanya bago ako tuluyang pumasok sa loob. Tumango lang siya bilang sang-ayon.
HUMIGIT kumulang isang oras ang lumipas simula ng makaalis ang eroplano at kakalapag lang din nito sa Mactan Airport. Pagkababang pagkababa ko ng eroplano ay namangha ako sa ganda ng tanawin, para bang nasa Maynila pa rin ako.
Kinuha ko ang bag na dala ko at nag-umpisa ng maglakad palabas ng airport. May kinuhang hotel room si Cassandra na tutuluyan ko ngayong gabi, kailangan ko ring sumakay ng taxi patungo roon.
Na-amaze din ako sa ganda ng airport ng Cebu. Aakalain mong nasa ibang lugar ako. Napadako ang aking tingin sa mga taong naglalabas-pasok sa loob ng airport lahat sila ay abala sa kanikanilang pakay.
Ilang sandali pa ang lumipas ay bigla namang tumunog ang phone ko kaya dali dali ko itong kinuha at sinagot. Si Cassandra.
"Yes?" Ang saad ko.
"Nakarating ka na ba?"
"Yeah, kakababa lang. Actually palabas na ako ng airport." Ang sagot ko. Inayos ko ang dala kong bag dahil nahihirapan akong dalhin ngunit nagulat ako ng may isang magandang babae ang nabangga ko ng di sinasadya, masyadong mabilis ang paglalakad niya dahilan para hindi ako makaiwas.
"Damn!" Ang pagtataas niya ng boses kasabay ang pagtingin niya sa akin ng masama. Tingin na kulang na lang ay kainin ako ng buo. "Bulag ka ba!? Ang laki laki ng katawan mo, hindi mo ko nakita! Tingnan mo ang ginawa mo sa akin!?" Sabay turo niya sa kanyang damit na natapunan ko ng iniinom niyang tea.
"Miss I'm sorry, hindi ko---"
PAK!!
Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa akin. Sampal na nagpaalog sa utak ko. As in, gulat na gulat ako. Kung lalaki lang ito baka kanina ko pa sinuntok ang pagmumukha niya.
"Tigilan mo nga ako sa mga alibi niyo! Pareho-pareho kayo!" Ang reaksyon niya, wala pa ring pinagbago, nakakatakot pa ding tingnan. "Kung ginagamit mo ba naman 'yang mata mo at hindi 'yang katawan mo! Edi sana, hindi mo ako mabubunggo!" Ang galit na galit niyang sabi.
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series III : DANIEL SMITH
Mistero / ThrillerThe 3rd Series of the Stranger. Date Start : Sept. 17, 2021