Chapter 6
THE OFFER
DANIEL'S POV
Ilang araw na kung nananatili sa lugar na ito. Noong una, ay gustong gusto ko ng umuwi ngunit ngayon may dahilan na para manatili ako sa lugar na ito. Tinawagan ako ng aking kapatid kung kumusta na ako, saad ko naman as if na may choice akong mag back out. Tinawanan lang ako.
"You deserve that! Para naman sa ganon hindi puro babae ang nasa isipan mo. Remember my dear brother, you're getting married soon!"
"Yeah! Ilang beses niyo bang kailangang ulit ulitin sa akin ang bagay na 'yan." Ang sagot ko dahilan para mas lalo pa siyang tumawa ng malakas.
"Ang cute mo diyan brother!" Saad nito saka ibinaba ang call. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil binabaan niya na ako ng tawag.
Napailing na lamang ako dahil sa kakulitan ng aking kapatid. Hays.
Hindi rin ako tinigilan nila Diego at Felix, tinatanong nila kung kailan ako luluwas ng Maynila. Nagdrama pa ang mga loko na kinalimutan ko na sila. Namimiss ko rin naman sila, kung malapit lang ang Manila baka nasa casino na naman kami. Nag-iinom at naghahanap ng mga chiks na pwedeng ka night stand.
Inoff ko na lang ang phone dahil baka mas lalo ko silang mamiss at umalis na lang dito. Kailangan ko pang mapalapit kay Deborah, gusto ko siyang makilala.
Isinara ko ang sasakyan ng makababa ako. Inutusan ako ni Don Julio na maghatid sa kabilang rancho kaya kakarating ko lang sa mansyon. Sinalubong naman ako ng isang katulong at sinabi nitong hinahanap ako ni Deborah. Kailangan ko raw magmadali dahil baka kung anong gawin nito sa akin. Napangiti na lamang ako dahil sa takot ng katulong.
Ganon sila katakot kay Deborah!
Inayos ko ang sarili ko, nag spray pa ako ng pabango sa aking katawan. Ang weird lang dahil masyado akong naaatract sa kanya. Ganon din ba siya sa akin?
Huminga ako ng malalim bago ako kumatok sa kwarto niya. Ito ang unang pagkakataon na masisilayan ko ang itsura ng kanyang silid. Nakaramdam ako ng konting kaba dahil sa lakas ng tibok ng aking puso. Hindi na ako makapag-antay pang masilayan siya, makita ang kanyang napakagandang mukha.
Ilang sandali pa nga ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang napakagandang si Deborah. Tila tumigil ang bawat sandali ng masilayan ko ang mukha niya. Nanatili akong nakatitig sa kanya ng hindi ko namamalayan. Ang tibok ng puso ko ay mas lalo pang lumakas.
"Hey! I hate the way you look at me, para kang adik!" Saka lang ako napakurap ng magsalita siya. Inirapan niya pa ako ng magtama ang aming tingin. "Ganyan ka ba talaga!?"
"I'm sorry. H-hindi ko sinasadya." Ang saad ko. Nautal pa ako dahilan para tawanan niya ako.
"Para kang baliw!" Ang inis niyang saad. "Sumunod ka sa akin." Lumabas siya ng kwarto at naglakad patungo sa kabilang kwarto. Hindi ko man lang nasilayan ang kwarto niya.
"Bakit ang mean mo lagi?" Ang out of nowhere kung sabi.
"Excuse me!?" Lumingon siya sa akin dahilan para mapatitig ako sa kanya. Ang mga mata niya sobrang nakakatakot na para bang kakain niya ako ng buo. "Mr. Daniel Smith,"
"Teka-- paano mo nalaman ang surname ko?"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Umikot ka nga!" Ang utos niya pa.
"Ha?" Ang naguguluhang tanong ko.
"I said umikot ka!" Umikot naman ako na hindi alam kung para saan. Muli niya akong tiningnan sa mga mata at ibinaba niya iyon sa aking hinaharap.
BINABASA MO ANG
The STRANGER Series III : DANIEL SMITH
Mystery / ThrillerThe 3rd Series of the Stranger. Date Start : Sept. 17, 2021
