Chapter 4

49 10 4
                                    

KIA


NANGINGINIG ang aking tuhod dahil sa kaba habang binabasa ang sulat para sa kaniya. Paulit-ulit ko na iyong ginawa habang nakatayo sa harapan ng kaniyang locker.








Dear Honeybunchsweetypotatowithloveko,


Bakit ka nag walk out kagahapon, mahal? Ulan pa naman, baka magkalagnat ka. Huwag kang mag-alala marami akong pabaon na jokes for today. Hihihi. Labyu, sana mahalin mo na ko.



From your pretty wife,

Kianna






Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sinuksok ang papel sa may butas sa locker nito bago naisipang umalis. "Woi," Nagulantang ako nang may biglang umakbay sa akin. Naaamoy ko kaagad ang pabango ni Xin.









"Grabe, bakit walang sa'kin?" Kunwari ay nagtatampo niyang tanong at bahagya pang hinawakan ang dibdib niya. "Hindi kita type, siraulo." Nagsimula na kaming maglakad sa gitna ng hallway habang malalim akong napaisip. "Aray, gwapo naman ako." Bumaling siya sa akin na ikinakunot ko.







"Rugby pa, Gixton."







Natawa kaming pareho sa sinabi ko subalit ilang segundo lamang iyon dahil napansin naming may nagkakagulo sa harapan ng aming classroom. Mas binilisan namin ang paglakad at nakakapagtataka dahil lahat ng studyanteng nandoon ay sa akin nakatitig.










"Pre, nandiyan na si Kia!"









Hindi ako nakapagsalita at napaawang nang bigla na lamang ay limang lalaking pumwesto sa harapan ko, pagkatapos bigla silang tumagilid at doon may isa pang lalaki na nakatalikod at dahan dahang humarap sa akin. Napatulala ako dahil may hawak hawak siyang mga bulaklak at tila ayos na ayos ang uniform.








Narinig ko ang bulong bulongan ng paligid lalo na noong lumapit siya sa akin! Kilala ko siya! Schoolmate ko ito at kilalang basagulero sa batch namin. "Hi, Kianna." Napatingin ako kay Xin at nagkibit balikat lamang siya at itinanggal ang pagkaka-akbay sa akin. "H-hoy, Xin tulong." Hinila ko ang laylayan ng uniform niya subalit ngumisi lamang ito.








"Kia, simula noong nakita kita, binago mo ang mundo ko." Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko noong inilahad niya sa akin ang bouquet. Ilang segundo muna akong nakatingin doon bago nagdadalawang isip na kinuha 'yon. Mas lalong lumaki ang kaniyang matamis na ngiti.







"Sigurado akong wala pang nag mamay-ari sa 'yo. Kianna, puwede ba kitang ligawan?" Biglang nagtuksuan ang mga nandoon kaya mas lalo akong pinagpapawisan. Humanda talaga sa'kin ang Xin na 'yon, babaliktad lalamunan non. "A-ah.." Tumingin tingin ako kahit saan para kumuha ng sagot.






"S-sorry, ah p-pero.." Lahat kami natigilan at napatingin sa kaniyang likod. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito, at noong nakita 'yon ng ibang mga studyante ay agad silang pumasok sa kanila-kanilan classroom. "Anong gaguluhan ang nandito?" Sumingit ang boses ni Mrs. Cordeza habang naka-cross ang mga braso.







Napakurap ako ng mata nang makita kong magkatabi si Roy at Era sa kaniyang gilid. Napatikhim ako at umiwas ng tingin. "Riel, sige na, pumasok na muna tayo." Mahina kong bulong sa kaniya. Biglang bumaling sa akin si Mrs. kaya napalunok ako. "Pumasok na nga kayo sa mga classroom niyo! Aba, mamaya na 'yang pagmamahalan niyo. May oras para diyan."








Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon