KIA
NAKATUTOK ako sa kisame ng kwarto ko habang binabagabag sa iniisip. Umabot na ako ng alas tres ng umaga pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog. Napahinto lang ako sa pagtutukan sa kisame nang umingay ang messanger ko.
siHerato sent a video.
Napakunot ako ng noo. Ano na naman kaya 'to. Nang i-play ko ang video gustong tumanggal ang mata ko kakairap nang makita ko ang aso na nag twerk.
siHerato: HAHAHAHHAHAA hello
Hindi ko siya pinansin at akmang matutulog na nang napahinto ako dahil bigla na lamang parang may nag-usap sa salas. Pinagmamasdan ko ang kanilang mga boses pero hindi ko mawari kung ani ang pinag-uusapan nila.
Baka si kuya lang 'yon. Minsan kasi mga ganitong oras siya manunood ng palabas. Pero nong isang araw pag-baba ko naabutan ko siyang ibang palabas ang pinanunuod niya, e.
Muli kong binalikan ang cellphone ko at napabuntong hininga nang makita ko ang lagpas benteng messages ni Hera. May voice message rin kaya kumuha ako ng earphones. Mabuti na ang manigurado.
Isa isa kong binasa ang mga chat niya bago pli-nay ang unang vm habang naka-earphones.
"Oh, ayos ka, ah. Ba't ka naka-earphones? Hindi 'to bastos 'no! May sasabihin lang kasi ako!" Natawa ako ng mahina at tinanggal ang isang pares nito sa tenga ko.
"Alam mo ba kanina nong bigla ka na lang nawala sa classroom, palagi na lang kaming tinatanong ni Roy kung saan ka raw. Himala iyon ah, kasi kahit kailan hindi pa ata 'yan nag tanong sa'min."
"Tapos sa lahat ng puwede niyang kulitin ako 'yong hindi niya tinigilan! Kasi tayo raw laging magkasama. Naiirita at nariirindi na tenga ko-"
Bigla itong umubo at agad ding bumalik sa pag-kwento. "So ayon nga. Saan ka ba kasi nag tungo?" Pinahaba niya pa ang huli niyang sinabi. Hindi ako nakapagsalita saglit.
"Ah, umuwi." Balik ko sa kaniya. Nag send agad siya ng voice record. "Bakit?" Nagkibit balikat ako na parang nakita niya iyon. Ngunit isang tipid na "Basta" lamang ang sinagot niya.
KINABUKASAN nakaharap ako sa salamin ng sink namin sa cr ng school nang pumasok si Ashley. Pakiramdam ko tumitingin siya sa'kin pero hindi ko siya binigyang pansin at lumabas.
Agad akong napa-ayos ng tayo nang makita ko si Roy sa hallway, parang pababa ata siya ng floor. Ngumiti ako at idinipa ang dalawang kamay upang alukin siya ng yakap.
"Roy!"
Mas lalong lumawak ang aking ngiti nang tumingin siya sa akin at nagsimula nang maglakad. Pero, hindi ako nakapagsalita sa gulat nang basta niya lamang akong lampasan na parang hangin.
Napatulala ako sandali habang napa-awang. "G-galit ka?" Kinakabahan ako sa sagot niya habang kinakalabit ko siya sa kaniyang braso. Tinignan niya ako.
Bumuntong hininga ako, siguro nga kailangan kong magpaliwanag. "I-iyong nakita mo nakaraan, galing kasi ako sa kaibigan ko at hindi ko alam na magka-kilala sila, promise!"
"Maniwala ka man o hindi, tumanggi ako na ihatid niya ko. Sorry na." Napakamot ako sa batok at napayuko sabay baba ng tingin. Narinig kong natawa siya.
"So, it was really you? I didn't say anything, nag kusa kang mag paliwanag." Lumaki ang mata ko sa gulat at agad tumingin sa kaniya. Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak at iniwan ako.
BINABASA MO ANG
Can You Be My King?
Teen FictionLahat tayo may gusto. Minsan pa nga ikaw ang gusto. Pero sabi nga nila, hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Like Queen Kianna Berdera, a spoiled brat na mas malala pa sa aso kung maka-habol kay Roy Laurente, her biggest crush when she got transf...